Wildest Beast (Hillarca Series 01)

Chapter CHAPTER 9



ALAM KO

"Do you fucking know that woman?" tanong nito pagkatapos ako nitong bulyawan na pumasok sa opisina niya. Tumaas ang kilay ko at walang kangiting ngiti na sinagot ang tanong niya. "Yes sir, probably one of your girls."

"My girls? Really miss Tacata, are you sure about that?" galit na sabi niya na siyang mas ikinabuwiset ko. Gagawin pa akong tanga, anong tawag mo sa nangyari kanina. Ano? Naglalaro sila ng minnie my ni moo? Nagkibit balikat ako at nasa name plate pa rin ang aking mata habang sinasagot siya.

"Or probably not. If you're insisting that she's not one of your girls then sir, I don't have a say to that." madiin na sabi ko at alam ko na halata nito ang pagkakadiin ko sa mga salitang binibitawan ko sa kanya. "You don't need to provoke her miss Tacata, you know how I am loyal right?"

Jerk!

"Alam ko. Marami na rin akong nababasang one night stands sa mga libro sir, hindi ko lang inakala na mae-experience ko pala. Pero huwag po kayong mag-aalala, expert rin po ako kung paano po pakisamahan ang isang tulad niyo." Sa puntong ito ay tinignan ko na siya sa mata. Nairita ako nung makita kong paano tumaas ang sulok ng labi nito, at ang kapal naman talaga ng mukha niya gayo'ng natutuwa pa siyang gawin akong kawawa! Oo! Tangina alam ko, aaminin kong na pa ka imposimbleng hindi ako naniwala sa salita niya! Mas pinatunayan lang nito kung gaano ako nagkamali sa isang tulad niya.

"I don't do love miss," ngisi niya "sex is the only thing I can give to you." and yet, sinabi nitong puwede namang magmahal ng natutunan. Hindi ko na kailangang tanungin kung puro kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi niya sa akin, dahil ang linaw linaw sa mata kung ano ang kasagutan.

Siya na ang pinakataong pinakayoko sa mundong 'to, natigil ang aming matinding pagtititigan nung may kumatok sa pintuan. Bilang isang sekretarya niya, agad ko itong binuksan at bumungad sa akin ang taong hindi ko inaakalang makikita. "Baby!" tawag agad nito at hinalikan ako sa pisngi.

Anong ginagawa ni Theo rito? Hindi agad ako nakapagsalita sa gulat na makita ito sa kompanya, nagising lang ako sa isang tikhim na nasa likod ko. Ramdam ko ang mainit na katawan nito sa likuran ko, siguro guni guni ko lang ang pagkakita na medyo nagbago ang anyo ni Theo.

Agad akong gumilid para makapasok ng tuluyan si Theo, kasama nito ang bagong sekretarya niya. Napakagat ako sa labi sa mga salitang binitawan ni Theo nang tuluyan na itong nakaupo sa sopa kasama ang sekretarya.

"Sorry for delaying my business to you Mr. De Ferrer, I went to business trip. I hope we can talk now about our business," Nasagot ang nasa isip ko kung bakit ito narito kahit pa sabihing nung una ay sinabi nitong hindi nito kilala ang magiging boss ko. Pero hindi naman dahil dito kung bakit ako natigilan. Sa katotohanang.

"But before that. I think I saw you in Cebu, did you perhaps go there Mr. De Ferrer?" ganito talaga magsalita si Theo. Alam kong tanong 'yon para sa boss ko at the same time, sa akin rin ibinabato ni Theo. Sa pagsulyap pa lang nito sa akin at titigan ng isang segundo, alam ko nakita ako nito sa gabing 'yon. Worst alam kung anong klaseng katangahan ang aking nagawa, nangilid bigla ang aking luha. Napasinghap ako at pilit na kinakalma ang sarili, pagkatapos ng pag-uusap nila dapat kong kausapin ang pinsan.

"I don't need to answer that, were here for business. Don't stick your nose at my personal matter." Walang modong sagot naman ni Rezoir. Sa ugaling meron siya, ikinatutuwa ko talaga na may pagkakataon pa para malaman kung gaano ito kasama. Dahil alam ko ang tulad niya ang hindi tatanggapin ng aking pamilya.

"Sorry my bad." Tawa ni Theo. Bahid naman sa mata nito ang tunay na nararamdaman kahit tumawa man.

Sa trabaho napunta ang pag-uusap. Aaminin kung hindi ko napansin ang pangalan ni Theo sa taong makaka-meeting ngayon ni Rezoir. Kaya talagang nagtaka ako at nagulat nang mabungaran ang mukha ng pinsan. Pansin ko rin kung paano napupunta ang mata ni Rezoir sa sekretarya ni Theo. Oo, maganda naman ang sekretarya niya. Kaya hindi na matanggal ang mata ng boss ko rito.

Aware rin ang pinsan ko sa mga tinginan ng dalawa. Hindi kaya magkakilala ang dalawa? O isa rin ito sa naging babae niya? Sa kaisipang babae nga niya ito, agad napakuyom ang kamo ko. Nung matapos na ang pag-uusap kahit gustuhin ko mang kausapin asap ang pinsan, ito na rin ang unang nagpahiwatig na hindi ako nito gustong kausapin.

Dahil walang lingon lingon itong umalis. Napabuntong hininga ako habang tanaw ito, kung ganun ay sasadyain ko na lang ito sa kanyang condo. Huwag sanang magsama ang tatlo, dahil mahihirapan ako sa pakikipag usap sa kanila kung nagkataon.

"Do you know him?" tanong niya agad pagkalapag ko sa mga papel na kinakailangan ng perma niya.

"You know the answer for that sir, hindi mo naman siguro siya makakausap tungkol sa business na hindi siya kilala."

"I want a confirmation through your mouth." Napatiim bagang ako at sinagot pa rin siya. Bawat oras 'ata ay maiinis na ako sa presensya niya.

"He's, my cousin." Tumango naman ito at hindi na nagsalita. Aakalain mong nawala na ang pangamba nito, hindi ko alam kung bakit pa nito gustong malaman kong may ideya na siya. Ano bang akala niya? Na may relasyon kaming dalawa? Hindi naman ako tulad niya na pinagsasabay lahat!

Bumalik na ako sa puwesto ko at ginawa ko na rin ang mga kinakailangan kong tapusin na trabaho. Mga kinakailangang dokumento na dapat i-encode ang trabaho ko, plano kong tapusin na kahit malabo. Tutok na tutok ako sa trabaho napatingala lang ako nung bumukas ang pinto, kumunot ang noo nito.

"Aren't you going home?" lumapit ito sa kinaroroonan ko kaya tumayo ako at hinarap siya.

"Mamaya siguro sir, tatapusin ko muna ang ginagawa ko."

"You should go home now, mahirap na ang makakuha ng sasakyan sa oras na ito." Hindi ko napigilang pagak na tumawa.

"Kaya ko ang sarili ko sir, hindi ko kailangan ang pag-aalala ninyo." Napatiim bagang ito sa sinabi ko. Inaasahan ba niyang pakikisamahan ko siya ng maganda pagkatapos kong malaman kung gaano kagago ito? Puwes kahit sa araw na lang ito, oo magiging unprofessional ako. Pero pagkatapos ng araw na 'to, sisiguraduhin kong hindi na ako magpapaapekto sa kanya. Hindi na.

Napahilamos ito sa mukha at galit na inisang hakbang ang pagitan naming dalawa. Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako, buong lakas ko siyang tinulak at walang habas siyang sinampal. Galit niya akong nilingon pero sa paglingon niya ay binigyan ko ulit siya ng isa pang sampal. Nagsibagsakan ang aking mga luha, galit na galit ko siyang tinitignan. Kahit pa na namungay ang mat anito at parang may pagsisisi sa mukha, hindi ako kumalma. Nagtaas baba ang balikat ko, galit na husto ang nararamdaman ko sa oras na ito.

"Y-you fucking beast..." inis kong pinahid ang luha ko. "How dare you to fucking kiss me after you fucking kiss another girl in front of me! Sino ka para iparamdam sa akin ang ganitong sakit? Ngayon lang tayo nagkakilala...how the fuck I end up giving my virginity to fucking people like you?!" sigaw ko. Wala ng pakialam kung may makarinig man, kung hindi ko ilalabas ang galit ko. Mahihirapan ako...mahihirapan akong kumbinsihin ang sariling kahit sa huli naging matalino pa rin ako.

Nanginginig ako sa galit pero sa kabila ng galit na nararamdaman ko. Mas tiniyak kong hinding hindi niya ako mahahawakan.

"A-alam kong mahirap kung sasabihin kung gusto ko ng umalis rito dahil nga kasisimula ko pa lang, pero pakiusap naman oh. Huwag mo naman ipamukhang mababa ako, kung talagang tao ka pa ba. Huwag mo na ulit pansamantalahan ang gagang katulad ko, mas mahalaga pa sa ibang marangyang bagay ang nakuha mo. Susubukan kong intindihin na ikaw iyong klase ng taong walang pakialam sa iba, maybe iyong mga ibang nakuha mo na ay walang pakialam. Pero iba ako! Kaya please...huwag mo na ulit ako gagawan ng ikakababa ko lamang." Pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya. Ay dali dali kong kinuha ang gamit ko, at naglakad na paalis habang pinupunasan ang luha. Bahagya pa akong napayuko para itago ang much, nang may makakasalubong akong kararating lang.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Nung nasa labas na ako patuloy pa ring nagsisibagsakan ang mga luha ko. Mabuti na lamang at gabi na, kaya hindi gaano naaninag ang aking mukha dahil nga nasa may kadiliman na parte. Suminghap ako at inilabas ang aking telepono, magtatawag pa sana ng uber ng may tumigil na sasakyan sa harap ko.

"Get in," seryoso ang mukha nito at mas tumalim ng makitang napapasinghot ako dahil kagagaling lang sa paghikbi. Hindi na ako nagdalawang isip at pumasok na sa sasakyan niya, mariin ang pagkakahawak nito sa manibela halatang galit. Hindi naman ako na mali dahil nung malayo layo na kami, galit nitong inihinto ang sasakyan sa gilid bigla. "tangina naman Azeria! Sa mismong iisang lugar pa tayo napunta. Bakit kailangan ko pang marinig sa iba ha?! Anu? May nangyari na ba sa inyo para maging fiancé ka niya ha!"

Hindi ko lang inaasahan na ang bagay na 'yon ang ikinagagalit niya, ang akala ko alam niya ang naging katangahan ko. Mas napaiyak ako dahil ito na naman may isa na naman akong problema, sinuntok nito ang manibela kaya napatalon ako sa gulat.

"Anu? Kailan mo pa 'yon nakilala ha? At bakit ka umiiyak? Ano? Umatras na ba ito sa kasal?!"

Siguro dahil sa bigat na dinadala, sa ibang bansa ang nangyari sa akin ay hindi gaanong big deal. Pero bilang isang babaeng ipinanganak sa kilala at respetadong pamilya, kaya ganito na lang kung masaktan dahil sa pagkabigla. "Why the fuck are you crying?" sigaw ni Theo at hinawakan ako sa braso, hinawakan ang baba ko para maiharap ako sa kanya. Masuyo nitong pinunasan ang mga luha ko, ang bagay na ito ang ikinagagalit ko. Oo, talagang nag apply ako sa kompanyang iyon para mag trabaho. Hindi nage-expect na kahit anong special treatment, pero ang tratuhin na ganun ng lalaki. Hindi ko pala kaya, masiyadong nakakababa sa parte ko na wala itong pakialam sa bagay na ibinigay ko. "Do you want me to fucking crash that damn company Azeria?" umiling iling ako habang lumuluha. "You don't need to work there anymore! Wala akong pake kung kasisimula mo pa lang, kung kinakailangang magbayad mas wala akong pakialam! Ang mahalaga rito ay mailayo ka sa gagong 'yon!"

"H-huwag..." humihikbi kong aniya. Inilingan ko si Theo at hinawakan ang kamay nito. "I will still work there, huwag mo ng palakihan ang problema," God knows how I hate to lie. But I need to, para isalba ang kahihiyang natamo ko. "tama ka. Umatras na ito sa kasal, kaya huwag na. Alam ko ang dapat kong gawin Theo."

Ilang oras ang inabot para pakalmahin si Theo, pagod kong ibinagsak ang sarili sa kama. Napatitig ako sa kisame, ito siguro ang karma mo Azeria. Karma mo na siguro ito sa mga lalaking binabalewala mo, kaya nung nakaramdam ka ng kakaiba saka ka naman magiging tanga. Kayanin mo na lang na harapin ang taong 'yon, pasasaan pa at makakalimutan mo rin lahat ng nangyari. Malay mo, makakatagpo ka rin talaga ng taong. Pahahalagahan ka, iyong hindi mo mararamdaman ang maging mababa.

Napasulyap ako sa bag ko kung na saan ang aking telepono, na kasulukuyang tumutunog dahil sa tawag. Pagod akong tumayo at nilapitan ito para tignan kung sino ang tumatawag sa oras na ito, unregister number ang tumatawag. Ka pag ganito ang natatanggap na tawag, hindi ko sinasagot. Pero hindi ko alam pero parang may naguudyok sa aking sagutin ko, kaya sa huli sinagot ko.

"I'm sorry...I'm sorry for hurting you." Alam kong lasing ito. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa telepono, gaya nga ng sinabi ko kay Theo. Alam ko kung anong dapat kong gawin, agad kong pinatay ang tawag. Hindi na ulit Azeria.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.