Chapter CHAPTER 10
SIYA ANG HANAP
Nung pumasok ako at nakaharap ko si Rezoir, naaalala ko ang pagtawag nito kagabi. Maybe he got my number through my resume, hindi ko inaasahan na tatawag siya kagabi. May halo nga lang ng alak ang sistema, pero kahit naninibago ako sa pagiging tahimik nito. Mas mabuti ang gano'ng trato namin sa isa't isa, at least kahit papaano naman ay nag sink in 'ata rito ang mga binitawan kong salita.
Ngayon nasa cafetaria nga ako hindi ko alam kung may balak ba itong kumain. Ang sabi nitong mga kasama ko ay hindi pa talaga ito napaparito sa cafetaria since day one para kumain, kung hindi sa fastfood o sa kilalang restaurant lang ang kinakain nito. Minsan hindi na daw talaga kumakain ng tanghalian.
Anong silbi kong sekretarya niya kung hindi ko siya aasikasuhin. Kaya kahit walang kasiguraduhan, bumili na ako ng pagkain dito sa cafetaria para sa kanya. Pag pasok ko sa opisina nito sakto namang nasa banyo ang boss ko, base na rin sa ingay ng shower. Kaya inilagay ko na lang ang dala sa kanyang mesa at agad na rin akong lumabas.
Pag ka upo ko pa lang ay may tumawag na sa telepono. Agad ko naman itong sinagot, ang head ng marketing ang tumawag sa intercom.
"Yes ma'am, I will be there in a few minutes." Sagot ko.
May kung anong bagay daw siyang kailangang ipasuyo sa akin, kaya wala akong nagawa kundi ang bumaba. Iiwan muna nag trabaho saglit, nadaanan ko pa ang HR department. Nang mapansin ako ni Jona ay agad ako nitong tinangunan, tuloy tuloy ang lakad ko papunta sa opisina ng head ng marketing.
Ang pinagtaka ko ay hindi nito binanggit kong ano ang kailangan nito sa akin. At kung bakit kailangan ako pa ang lalapitan nito sa errand niya. Agad akong kumatok at pinihit na ang pinto, agarang napatayo ito sa pagkakaupo. Pero napunta ang mata ko sa lamesa niyang magulo, mga nagkalat na papeles at mukha itong problemado kaya nagtaka ako.
Naguguluhan ko siyang tinignan nang nanginginig nitong hinawakan ang kamay ko, habang nangingilid ang kanyang mga luha.
"Miss, I heard na malapit ka sa CEO," napangiwi agad ako sa sinabi nito. I didn't know such story spreading. "sa darating na linggo ko dapat ipapa-check ang data sa boss natin. While I'm checking the data, napagtanto kong may mali rito. K- kapag nalaman 'to ng CEO, baka mawawalan ako ng trabaho! Pakiusap tulungan mo naman ako Miss Tacata!" umiiyak na aniya.
Saang bunganga niya kaya nalamang malapit ako sa CEO? Ni hindi na nga kami nagkakausap, malapit ba ang tawag do'n?
"What kind of problem ma'am?" naaawa ako sa lagay nito. Knowing the CEO temper, sa malamang na tatanggalin nga niya ito ka pag nalamang may kamaliang nagawa.
"Isa sa mga staff ko ang inatasan kong bahalang mag asikaso sa budget sa susunod na buwan, lahat ng data ay inatas ko sa kanya. Matagal na rin itong nagtratrabaho rito sa kompanya, nitong nakaraang araw ay hindi ko na ito ma kontak. Hindi na siya pumapasok, at natatakot akong malamang totoo ang mga naririnig ko."
"Ang alin ma'am?" napahilamos ito sa mukha.
"Itinakbo na 'ata ang pera, malaking pera ang nakuha miss Tacata. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin, pinuntahan ko ang address niya. Siyang nakalagay sa resume nito," naluluha itong umiling. "Maling address ang ibinigay nito!" "I will see what I can do, kung puwede ay kukunin ko na lang ang pangalan nito at picture ma'am. Kung sakaling may mga kakilala akong kilala siya."
Kung kinakailangan ko sigurong kumuha ng imbestigador para mahanap ito ay gagawin ko, huwag lang malaman ng dragon kong boss. Kahit sa ilang segundo o oras lang kami nagkakasama ni Rezoir sa opisina, kabisado ko na ang ugali niya. Kaya hindi na ako nagtataka na makitang takot na takot ang head ng marketing. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko.
"Thanks God at ikaw ang sumagot sa tawag ko, sinubukan ko talagang tawagan si sir. Pero hindi niya sinasagot kaya ikaw na lang ang sinunod ko, mabuti na lang at ikaw ang sumagot. Natatakot rin talaga akong tawagan si boss, nagawa ko lang 'yon kanina dahil sa kaba. Tutulungan mo naman ako miss Tacata hindi ba? Ako na rin kasi ang inaasahan ng aking pamilya."
Pamilyadong tao na ang head ng marketing, kaya naiintindihan ko ang takot nito sa pagkawala bigla ng trabaho. Iyon ang nasa isip ko habang lulan ako ng elevator, kinuhanan ko ng litrato nung resume nang empleyadong sinasabi nito. Ang mahirap lang ay baka hindi lang address ang peke rito, baka rin ang pangalan ay gamit lamang.
Alam kong masama ang gumamit ng ibang pagkatao, ngayon na may ganitong instances. Naiisip ko rin ang mga taong pinapaniwala ko sa gawa gawa kong pangalan, Constantine ang pangalan ng aking yumaong ina. Bakit nga ba ginamit ko ang pangalan nito at hindi ang pangalan kong totoo?
Sa una talaga ayokong maging hindi totoo, hindi sa akin galing ang ideya sa pag gamit ng pangalan ng aking ina.
"What's the name of the company hija?"
"DFH Real Estate company lolo."
"Who's the CEO?"
"Rezoir De Ferrer lolo, why? Are you familiar with the surname?"
"A De Ferrer? Hmmm...I think the De Ferrer are originally from Cebu hija." Nagtaka ako nung natawa siya. "I think they are right when they said the De Ferrer are sakit sa ulo." Halakhak nito. "So, you know my boss then."
"Not actually hija, I just know their old man."
"How did you know them?"
"It's a long story Azeria hija, I don't have a say about you working there. But let this old man have his favor."
"What is it?"
"Don't use your true name." naguluhan ako sa sinabi nito.
"Po? Puwede ba 'yon? Why do I need to do that?"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"If you do my favor hija, may mga bagay kang maitatama."
"I can't understand lolo, please enlighten me."
"Susubukan kong kakausapin ang papa mo na manatili ka sa Maynila, kahit pa alam nating maaari siyang pumayag ora mismo. But knowing your dad apo, pabago bago ang isip nito. Hindi basta bastang pangalan ng iba ang gagamitin mo." "Kahit na lolo, kompanya ang papasukan ko at hindi basta basta. Well, you can say na nag uumpisa pa nga lang, but the problem is I'm faking my identity here. Paano ka pag nalaman, and worst kasuhan ako!" "He won't do that to you, trust me."
"And how did you even know? Papasok pa lang ako lolo." Giit ko.
"Gawin mo lang ang gusto ko Azeria, kung gusto mo talagang magtrabaho sa iba at hindi sa sarili nating kompanya."
Bumalik ako sa wisyo nung tumunog na ang elevator, saktong pagtingala ko ay ang galit niyang mukha agad ang bumungad pagkalabas ko pa lang. Kuyom na kuyom ang kamao nito at pawisan pa ang noo. Nagtaka ako sa anyo nito. "Where the fuck are you? I'm calling your phone in how many fucking times!" sigaw nito. Nagsilingunan agad ang mga iba sa aming gawi kaya namutla ako sa kaba, baka kung anong isipan nila. Lalo't nagbubulungan na sila. Sinubukan kong humakbang sana palapit sa kanya para sabihing sa opisina na lang niya kami mag-usap. Pero nagulat ako sa ginawa nito, na maski rinig ko rin ang mga singhapan ng mga ibang empleyado. Kinulong ako nito sa kanyang mga bisig ng sobrang higpit, sa sinabi nito ako naguluhan.
"Fuck! I thought you're really in a danger, damn it woman! Kung lalabas ka sabihan mo ako, tangina naman mamatay ako sa pag-aalala!" bulyaw nito habang nakayakap pa rin sa akin.
Malakas ang tibok ng puso ko sa mga sinasabi nito. Kumikirot ang puso ko sa kaisipang nag-aalala ito, ang hindi ko lang alam ay bakit ganito na lang ang takot nito? May nangyari ba kaninang bumaba ako?
"Let me go! Ano ba! Nakatingin sa atin ang mga empleyado mo!" Singhal ko sa kanya. Iyong sa puntong siya lang talaga ang makakarinig. Agad ako nitong inihiwalay sa pagkakadikit sa kanya, pero nakahawakpa rin ito sa bewang ko. May kung ano siyang tinignan sa likuran ko, hindi ko rin gaanong maigala ang mata dahil sa hiya.
Talagang sa puntong ito ay pag-uusapan na talaga ako ng mga tao. Bahagya niya akong tinignan at nang makita na napako lang sa kanya ang aking mata, napabuntong hininga ito at medyo kumalma.
"Wait for me in my office, we need to talk." Anito. Naguguluhan man sa nangyayari, agad ko ring sinunod ang gusto niya. Para na rin makawala sa mga matang nakamasid sa aming dalawa, habang naglalakad ako papunta sa opisina nito. Tiyak na lalayuan na siguro ako ng mga naging kasama ko rito, hindi ko alam pero sa mga tingin na naibabato sa amin kanina. Sa nangyari ay parang sa mata nila ay may pagkukumpirma.
Oo, gan'on ang dating sa akin. Pero ano ba ang nangyayari? Bakit sinasabi ni Rezoir na mamatay ito sa pag-aalala? Saglit lang naman akong nawala ah, tapos ganito na kagulo bigla. Naka upo lamang ako sa sofa habang hinihintay siya. Balak ko pa sanang ipagpatuloy ang trabaho ko, pero masama ang timpla ng boss ko. Baka mas sumabog ito ka pag nakitang hindi ko sinunod ang utos niya.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nagkasalubong ang aming mata nang pumasok na ito sa opisina, napalunok ako nung makita kong paano nito ini-lock ang pinto. Mag uusap lang naman ang pakay nito 'nu? Bakit parang kinakabahan ako? Mariin akong napahawak sa skirt ko nung umupo siya sa sopang nasa bandang harap ko.
"Where did you go pagkatapos mong dalhin ang dala mo?" seryosong tanong niya. Hindi kaya nalaman na nito na may nawawalang pera sa kanyang kompanya? Napatikhim ako bigla sa kaba, pinangako ko naman sa head na tutulungan ko siya.
"Sa marketing department sir." Kabadong sagot ko.
"Are you sure? Hindi ka ba lumabas ng kompanya?" napakunot noo ako sa tono nitong naninigurado na.
"Anong gagawin ko do'n? Iyan lang ba ang dahilan kung bakit pinapunta mo ako rito?" hindi ko mapigilang hindi madismaya. "Kung hindi ka naniniwala puwede kang magtanong sa iba, babalik na ako sa table ko. May mga trabaho pa akong tatapusin." Tumayo na ako at handa na siyang iwan nang matigilan ako sa sunod nitong sinabi.
"May isang taong nagtra-trabaho sa media ang nakarinig, nung sinabi kong fiancé kita sa Cebu. May mga ilan diyan sa baba na hinihintay tayong dalawa. That's why we need to talk about us." hindi ako makapaniwalang natawa at nilingon siya.
"Us? There's no such 'us' sir," umigting ang panga niya. "sino ba kasing may sabing ipakilala mo ako bilang isang fiancé mo? Mas mabuti nga na malaman rin ng media na nagsisinungaling ka lang, madali lang naman itama e'. Kung hindi mo sila kayang harapin, ako na ang gagawa para sa atin." Muli ay tinalikuran ko siya, isang hakbang pa lang ang aking nagagawa ng pigilan na naman ako sa mga banta niya.
"Go and fucking tell them...maybe I can tell them what happen between us too then." Nanghahamon na aniya ng galit ko siyang hinarap.
"Fuck you!" sigaw ko sa sobrang galit, palagi na lang ako nitong iniipit. Prente itong naka upo habang nagpupuyos ako sa galit.
"Sa akin ka sasama sa pag-uwi mamaya, kung ayaw mong ako mismo ang lalapit sa media at sabihing totoo nga ang nasagap nilang balita."
"No wonder, you're totally a fucking jerk!" sigaw ko sa kanya at sa pagkakataong ito ay talagang umalis na ako sa opisina niya. Kuyom ang kamao kong bumalik sa table ko, inis kong kinuha ang phone ko at mas na frustrate ako nang makitang tama ito. Kalat na ang pangalan ko sa iba't ibang website.
Ang ikinababahala ko ay baka makarating ito kay papa. Anong sasabihin ko sa kanya? Bakit ba sobrang malas ko sa taong ito? Sa galit at dismaya ko sa sarili, hindi ko sinunod ang nais nito. Uuwi akong mag-isa! Hinding hindi ako sasama rito! Mabuti na lamang at pagkalabas ko ng kompanya ay sakto namang may taxi akong nakita, agad ko itong pinara.
"Sa SC building po kuya." tukoy ko sa condo na tinutuluyan ko.
Agad kong pinatay ang telepono ko. Dahil alam kong walang hatid na maganda rin sa akin, ang mga nakukuha kong mensahe at tawag na galing sa mga hindi ko malamang indibidual. Nasa bintana lang natuon ang aking mata, puro problema lang 'ata ang makukuha ko rito sa Maynila.
Nanlamig ako nung mapagtantong mali na ang daang binabagtas namin. Agad kong nilingon ang taxi driver para sana sabihing maling daan ito, pero kinabahan ako nung nakakatakot itong ngumisi at napahalakhak. Para itong nawawala sa sarili.
"M-manong..." nauutal kong tawag sa kanya at nagsibagsakan na ang aking mga luha. Nung itigil nito ang sasakyan sa isang liblib na lugar, sinusubukan kong buksan ang pintuan pero naka lock ito. "m-manong... huwag po! Maawa po kayo sa akin!" napahiyaw ako nung maglabas ito ng kutsilyo.
"Huwag kang mag-aalala hija, tiyak na magugustuhan natin 'tong dalawa." Tawa nito. Nang buksan niya ang pinto agad ko siyang tinadyakan dahilan ng pagkakatumba nito. Sa pintong binuksan nito ako dumaan para makaalis na ng tuluyan sa sasakyan, hindi ko lang inaasahan na gagapang ito at susugatan ang aking paa kaya agad akong napatigil dahil sa hapdi. Kinuha nito ang pagkakataong iyon para sabunutan ako, iyak ako ng iyak sa takot. Nagsisisi akong sinuway ang nais nito, ngayon nasa panganib ako sa pagkakataong 'to siya ang hinahanap ko.