Chapter CHAPTER 8
NAPAPASO
Alam kong bawal, alam kong mali. Pero sadyang totoo 'ata talaga na masarap ang bawal. Kapag sa kompanya, hindi mo aakalaing may gano'ng pagtinginan sa pagitan naming dalawa. Sa pangalawang tapak ko sa kompanya niya, alam kong magiging bago na sa akin ang lahat. Ang akala ko mahihirapan akong harapin siya, sa katotohanang we did it in just a bit.
Ang pangit tignan na I hooked up with the boss for my first day, kung malaman 'yon ng mga empleyado. Alam kong titignan nila ako sa paraang nakakababa, maging ako ay hindi makapaniwalang gano'ng kadaling nagpaubaya. Maybe because I'm new to this, na kay hirap talikuran ang kasalanan. Pero gayun pa man, I'm aware for my actions. Hindi na ako bata, may sariling pang desisyon na. Hindi naman ako magpapaubaya kung hindi ko nagustuhan, ang tamang gawin ko na lang ay alamin kung wala akong taong maapakan.
At malinaw rin na sinabi niya na wala nga. Pero isang negosyante ang taong nakakuha sa virginity ko, a bachelor. Kaya ngayong napagtagpi tagpi ko na ang mga bagay bagay na nangyarai sa amin, ang dapat ko lang kailangang gawin ay ilayo muna ang sarili. I am here to work, siguro naman hindi na nakakapagtaka kong lalayo ako sa kanya. Dahil imposibleng ito ang kauna unahan niya, mali ko na nagpaubaya agad ako. Pero ngayong nasa matino na ako at hindi na napapaso, tama lang na maghugit ng isang warning na linya.
Ayokong malaman ng mga pinsan ko ang pangyayari at worst makarating pa sa hacienda. Kaya talagang kalkulado ko na dapat ang bawat galaw ko.
"Tulala tayo ah, wala ka sa sarili kanina pa. Imposible namang nabugahan ka ng apoy sa umaga e', wala naman si boss." Nagising ako sa sinabing 'yon ni Maria, hindi ko namalayan na kanina pala nila ako tinatawag. "Okay, ka lang? kaya pa?"
"Ha?" Napabuntong hininga sila.
"Kanina ka pa namin tinatawag, nandito ka nga sa aming harap. Pero isip mo ay nasa itaas." Napatingin agad sila kay Jonalyn.
"Alangan naman sa baba ang isip Jona? Bobo ka ba?" ngiwing ani Erissa.
Napailing ako at natawa sa sinabi ni Jona. Oo nga naman, tama naman si Maria.
"Grabe ka namang makabobo Maria! Pinapatawa ko lang 'tong si Constantine, iba ang awra e'. Kakaiba."
"Bakit na naman ba?" saad ko.
"Nasilip namin no'ng nakaraang araw na kinausap ka nung kapatid ni boss, magkakilala kayo?"
"Hindi." Tipid kong sagot at sinabayan pa ng iling.
"Naku, kung ako sa'yo mare huwag mong lalapitan 'yon." Si Erissa. Tumango naman ang dalawa sa sinabi niya.
"Dahil may saltik siya?" laglag naman ang panga nila sa sinabi ko.
"Hindi dahil do'n, bukod pa sa bagay na 'yan sa pagiging saltik. Dapat hinding hindi mo dapat 'yon lapitan dahil delikado, mas lalong hindi kung magsasama pa ang dalawang mukha." Nanlalaking matang pahayag naman ni Maria. "You mean, iyong kakambal niya? Anu, narinig ko nga no'ng araw na 'yon na nakalabas nan ga ito sa kulungan. May lahi ba silang mafia?"
"Mafi-pfft..." nagsitawanan na silang tatlo sa harap ko. Napakunot noo naman ako, may mali ba sa sinabi ko?
"A-alam mo hindi ka namin kukuwestiyunin sa mga bagay na nasa isip mo, pero mafia? Ang layo naman ng narating ng isip mo mare." Naluluha sa tawa pa na dagdag ni Jonalyn.
"Pero 'yon ang narinig ko sa araw n a'yon, sa mismong bibig pa nito."
"Hay naku mare, na misinterpret mo siguro. Iyong kulungan na sinasabi nito, alam mo kasi iyong nakilala mo dito 'yon ang panganay sa dalawa si sir Reign. Iyong si sir Rajih naman ang kakambal nito, siyang kalalabas rin sa hospital. Iyon siguro ang sinasabi mong lumabas na, hindi nga lang sa kulungan sa hospital." Si Erissa.
"Well, nakilala ko lang kasi ito sa hindi inaasahang lugar. Kaya naisip kong delikado nga ito."
"Malaking ekis ako diyan mars," tutol naman ni Maria. "Ang kambal maloko lang pero hindi delikado, alam mo ba kung sino ang mas delikado?" umiling ako at sinenyasan naman ako nitong mas ilapit ang tenga, kaya iyon ang aking ginawa. "ang CEO ang mas delikado. Mas nakakatakot ito kaysa sa mga kapatid, mas mabangis pa ito sa isang leon." Napangiwi ako dahil nasaksihan ko na nga ang mga bagay na 'yon, at naranasan pa.
"Pero kung magiging mabangis sa kama, mas ikakatuwa ko pa." ngising ani naman ni Jona at demonyong natatawa. Agad naman siyang siniko ni Maria at pinanlikahan sa mata, yumuko ito at may inginuso.
Napatingin ako sa inginuso nito at natigilan ako nung dumating na ang CEO, at sa tabi nito ay isang babae. Lumipad ang mata ko sa mga kamay nitong nasa bewang ng babae. Marahang napaismid si Maria at patagong inirapan ang mga ito. "Nar'yan na naman ang bruha," Gigil na ani nito. Hindi na ako umimik dahil nakukuha ko naman ang sinasabi nito, sa paraan pa lang ng paghawak nito sa bewang ng babae. Doon pa lang alam ko na, mas natamaan ako sa sunod na salitang binitawan ni Maria. "matagal ko ng crush si sir, hindi naman bago sa akin na hindi nga ito loyal. Pero nakakaloka, kahit nakakaturn off ang pagiging gago nito pero type ko pa rin, nga lang hindi ako ang type nito. Kaya kayo!" turo pa nito sa amin. "Huwag na huwag niyong isusuko ang mga iniingat natin sa mga taong kagaya nila, dahil ang mga kagaya nila ay hindi nagmamahal...mahal kung magparusa pero kung pagmamahal na literal ang pag-uusapan. Hindi niyo 'yan mahahanap sa kanilang katawan."
"Wow, expect yarn? Ano? Base ba sa experience 'yan Maria?" biro ni Erissa.
"Oo, kaya huwag na huwag mong isusuko ang vagina gaga!"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Kinailangan kong bumalik sa puwesto ko dahil nga narito na ang CEO, sakto namang pagbalik ko ay nag utos naman itong ipagtimpla ko nga ng juice ang bisita niya. Kumatok muna ako bago pumasok, pero muntik ko pang mabitawan ang tray sa nadatnan.
Naghahalikan ang dalawa, bukas ang butones ng lalaki at kulang na lang ay hubad na ang babae. Natawa ang babae nung nakita ako, at ma pang uyam na nginitian.
"Oops, my bad. We didn't feel your presence." Alanganin ko lamang itong nginitian pero nanginginig na ang kalamnan ko. Sa katotohanang, gago nga ang nakakuha sa kauna unahan ko.
"Do you want something else ma'am?" sinusubukang huwag isipin ang mga nakita ko.
"It's okay. I think what you brought is enough," naaasiwa ako sa pag ngisi nito. At sa pagtitig niya sa mukha ko. "I see, bago ka rito. Did you know why the former secretary left?"
"Althea." Tawag ng boss ko rito. Ayoko sa pangalan niya, malapit sa totoong pangalan ko.
"Yes honey? Hindi mo pa ba nasabi rito sa sekretarya mo na, ikinama mo 'yong sekretarya mo. Pagkatapos ay sinabi nitong buntis siya kaya tinaggal mo siya, but the thing is hindi naman talaga ito totoong buntis. But my point is, did you already do that to her? Bagong sekretarya mo, siguro naman hindi pa 'nu?" namutla ako sa sinabi nito.
"That's enough! Just leave it there, you may go now." Malamig na utos sa akin ni Rezoir, gusto ko siyang sigawan. Pero nasa trabaho ako, walang imik at lingon ko silang tinalikuran. Nang maisara ko na ang pinto, napasandal ako rito. Ang sikip sikip ng dibdib ko, at napakurapkurap dahil hindi ako makapaniwala.
See how men can be a beast Azeria? Ang tanga mo kasi, nakakilala ka ng taong sinubukan ka lamang pero walang balak hawakan. Sa banyo ako pumunta para magpakalma, pumasok ako sa isa sa mga cubicle at doon umupo ng ilang segundo.
Hindi ko lang inaasahan na magsisilabasan ang mga luha ko. I dream to give my first to my husband, all my first I will surely give it to him. Kumbaga nakareserba na talaga, hindi ko aakalaing pagkatapos ko 'yong ibigay sa istranghero. Mababalewala pala at nagagalit ako sa lalaki, how dare him to treat me like that?!
Sa Romblon, parang isang prinsesa kung ituring ako sa hacienda. It shocks me, ganito pala ang Manila...doon mo masasabing malayo ito sa probinsya. Mas napahikbi ako nung mag ring ang telepono ko, pangalan ni Papa ang nasa caller ID. Wala akong lakas para sagutin ang kanyang tawag, ayokong masabi ko sa kanya ang kamaliang nagawa.
Hinintay kong mawala ang tawag pagkatapos ay saka ko isinet sa airphone mode ang phone ko. Wala akong karapatang magreklamo sa lalaki, dahil una'y wala naman ang kami. Nung lumabas na ako ay inayos ko ang sarili ko, tiniyak kong walang bahid na luha ang aking mata. Tapos na, nangyari na.
Isa akong Tacata, ipinanganak na malakas at walang inaatrasan. Hindi ang tulad niya ang magpaparamadam ng ganito sa akin, marahil nakuha niya ang aking katawan pero hinding hindi niya malalaman ang aking katawan. Patawarin ako ng aking ina, pero ang pangalan nito ang kilala ni Rezoir. Kilala ako nito bilang isang Constantine at hindi Azeria, kung ganun ay aakto ako sa kung sino talaga ako.
Ipapakita ko sa lalaki kung sino nga ba talaga ako, kinakatakutan minsan ako sa hacienda dahil kapag nagalit ako...nakakapaso. Ipapamukha ko sa kanya na marahil nakuha niya ang aking katawan, ngunit hindi ibig sabihin no'n ay papatangay ako ulit sa kabaliwan. Ako, ako mismo ang magbabaliw rito. Siya dapat ang hindi makatulog sa gabi at hindi ang tulad kong immune na sa malamig na hangin.
Saktong pagbalik ko ay siya ring paglabas ng babae, agad itong lumapit sa akin. Kaya napatigil ako, pero ang akala 'ata niya ay hindi ko papatulan ang mga salitang binitawan niya.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Halatang halata sa mukha mo na nakatabi mo na sa kama ang isang Hillarca." Puno ng sarkasmo sa boses nito.
"Halata rin sa pananalita mo na hindi lang ikaw ang babae nito." Tumalim ang mata nito halatang nilalabanan ang galit.
"Sasabihin na nating isa kang panibagong putahe sa paningin nito, pero alam ko magsasawa rin siya."
"Paano mo naman nalaman na magsasawa siya? Sa tingin ko ba hahayaan ko siyang magsawa? Kung ang inihahain mo rito ay katulad nung una ay talagang magsasawa siya, kaya dapat kasi maghain ka sa umaga na paiba iba ang putahe... nakakasawa rin talaga ang paulit ulit." Puno ng pang-uuyam rin na saad ko.
"How dare you!" sigaw nito at sinubukan pa akong pagbuhatan ng kamay. Pero napigilan ko naman at mariin ang pagkakahawak ko sa braso niyang sinusubakang tanggalin. "Who do you think you are? Isa ka lamang empleyado, sa tingin mo ba mapapasayo ang boss mo?!"
"At sa tingin mo ba isang tulad mo ang hanap niya? Kung talagang ikaw ang mahal, hindi na siya maghahanap ng iba. Kaysa sampalin mo ako, sampalin mo na lang ang sarili mo para magising ka sa pagiging ilusyunada mo!" sabay bitaw ko sa kamay niya pero hindi ko inaasahan ang mabilisang pagsampal niya.
Nasa gano'ng tagpo kami nung bumukas ang pinto. Galit itong humakbang sa amin at marahas akong inilayo sa babae.
"What the fuck do you think your doing?!" sigaw nito. Napahimas ako sa pisngi nitong sinampal niya, at napatiim bagang ako sa galit. Inis kong sinalubong ang mata ng boss ko.
"Honey, she slapped me first!" giit naman ng bruha agad at sa tonong nagmamakaawa pa. Hindi agad ako nahawakan ni Rezoir, kaya mabilisan kong nabigyan ng pagkalas lakas na sampal ang babae niya.
"Hindi kasi ako na-inform na ako pala ang unang nanampal, mabuti at pinaalala mo. Kaya ayan tinupad ko lang ang iminungkahi mo, ngayon puwede na nating sabihing ako nga ang unang nanampal sa'yo." seryosong saad ko.
"You freaking bitch! I will kill you!" hiyaw nito at galit na humakbang papunta sa akin pero hindi nito nagawa dahil sa dagundong na sigaw ni Rezoir.
"You fucking stop there and fucking leave in my company!" hindi makapaniwalang natawa si Althea.
"Honey!" naluluhang tawag nito sa lalaki, napairap ako sa inis at galit.
"What?! Do you want me to fucking drag you out of here!" walang pusong sigaw nito sa babeng naabutan ko na kahalikan lang niya kanina. Kay bilis naman magbago ang ugali niya, at itinataboy na ang taong kulang nalang ay hubaran niya kanina. See how dangerous the man in front of you Azeria...this is what you called a totally beast.