Chapter 9
Napapreno si Lebrandt sa gitna ng daan, kahit malapit na siya sa bahay niya. Hindi pa siya tumuloy. He slammed his fist on the wheel. Inis na inis siya. Why did he feel this way? Bakit guilty siya? Hindi naman sa gusto niya lang proteksyonan ang pamangkin. He just realized that he was doing it for himself. Because he knew right from the start that he was attracted to that woman! At hindi niya kayang tanggapin iyon.
Napaisip siya kay Lindy. Bakit parang malabo na ang alaala niya sa babaeng unang minahal niya sa buhay niya? Bakit ang lumilitaw ngayon ay ang magandang anyo ni Chantelle? In just a few days, that woman invaded his damn thoughts! Napalunok siya at napatiim-bagang saka nagpatuloy na sa pagmamaneho pauwi. He did not like this idea of not being able to kick a woman out of his head. He felt helpless, and so, he was pissed.
Diretso na siyang tumungo sa kanyang silid sa pangatlong palapag ng malaking bahay pagkatapos niyang silipin sa sariling kuwarto ang pamangkin. Mahimbing na itong natutulog samantalang ang housekeeper niya ay may last-minute na nililigpit sa kusina.
He took a shower to calm his nerves, hoping his thoughts about Chantelle would also go away. Kaya lang ay lumilitaw pa rin ito sa balintataw niya. Nakatukod sa basang dingding ng shower cubicle ang kanyang mga palad habang dumadaloy ang maaligamgam na tubig mula sa shower head. Nagkiskis ang kanyang mga bagang habang naaalala ang malungkot na mga mata ng bata at ni Chantelle nang magpaalaman ang dalawa kanina.
Hinuha ng binata ay alam ng pamangkin ang nangyayari. Hindi niya mapigilan ang sariling huwag makonsensiya.
'Why am I separating them anyway? I'm so stupid! I'm doing the wrong thing, again!'
Subalit dahil sa pride niya, ayaw niyang bawiin ang nasabi na niya sa dalagang layuan ang pamangkin niya. It was just a pretext, though. He wanted to protect himself to not get involved with a woman. He thought he was perfectly fine living like this. No romantic relationships, no complications. Nadala na siya noon, bago pa niya nakilala si Lindy, bilang girlfriend noon ni Clay. By then, he concluded that women were complicated human beings. Akala niya mahal siya pero hindi pala. Akala niya masaya sa piling niya pero may iba palang agenda.
***
"Yes, John. What about the adoption papers?" ang nakasimangot na tanong ni Lebrandt sa telepono, Lunes ng umaga. Maagang tumawag sa kanya ang kanyang abogado at tinanggap niya iyon sa kanyang library. "What else do I need?" Nagpaliwanag ang kanyang abogado.
"So, it will go smoothly, right, John?"
"Sure, it will. You can provide for your niece, she's legally an orphan, and even though you're single, it's still doable to adopt her according to the law."
"But do you think it's okay for me to do that, John? I mean, maybe Ley needs a mother figure. I doubt if I can do that myself."
Napatawa si John. "If you care about that, then you just have to marry, Lebrandt," ang tugon ng abogado nang malumanay.
Batid niyang alam na nito ang magiging reaksyon niya. "What?" Pabagsak siyang naupo sa kanyang swivel chair. Hindi siya makapaniwalang iyon ang natatanging paraan para maaayos ang kanyang pagiging legal guardian kay Ley. Oo't inihabilin ito sa kanya pero gusto niyang mapasakanya ang pamangkin bilang anak. Naipangako na niya ang tungkol dito kay Lindy noon pa mang hindi nito sinabi sa kanyang may cancer ito. Gusto nitong malagay sa tahimik ang anak kapag siya ang nag-aalaga rito. He wanted everything to be legal and perfect.
"If you don't want to marry yet, then you just have to give up on the idea of having a new mother for your niece. Anyways, you still have the right to adopt!"
"I want her to be my daughter, legally, yes. I promised... her parents I'd do it for them, if they're gone. Besides, I want to do it, too," he butted in. "Now, Ley is a girl, and I'm sure she needs something more than I can give her. I care for her needs, John."
"Right. At her age, she does need to have a second mother to guide her well," ang nasabi na lang ni John sa kabilang linya.
Napabuntong-hininga ang binata. "This is insane."
"No, not really."
Bumuga siya ng hangin. "I'll call you about this thing some other time. I must think this through, John." Nagkiskis ang kanyang mga bagang at napahigit siya ng hangin. "Fine. You do that, Lebrandt. There's no rush, man."
Inilapag na ng binata ang telepono sa lalagyan nito. Napahilamos siya ng kanyang mga palad sa mukha habang nakasandal sa kanyang upuan at ang mga siko ay nakapatong sa armrests. Iba't ibang mga babaeng kakilala niya ang lumitaw sa isipan saka napailing siya. He could not simply marry any of them! It was not right. He did not even like any of them.
Saka biglang lumitaw sa isipan niya si Chantelle, ang kaibigan ng bata. Naiiling pa siyang lalo. There was no way he could ask her to marry him! Sinabi na nga nitong ayaw na nitong makipagkita sa kanya o sa bata. He knew deep inside his heart that she was true to her word.
'Now, what? What am I going to do? I just can't break my promise to Lindy. I've already let her down by not going to her funeral and not seeing her for the last time. And I hated myself for that!'
Because at the time, he was a coward. He could not see the woman he loved be buried. He could not say goodbye to her. That was the truth. He preferred to just remember her when she was still alive, not someone who was laying in a box, buried six feet under the ground.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Napahilot siya sa kanyang sentido at napamura sa isipan. Alam niyang puwede naman siyang tumayong magulang para kay Ley pero iba pa rin iyong 'ika nga "a woman's touch." At gusto niya ang lahat ng ikabubuti para sa pamangkin.
***
Napasimangot si Chantelle nang magbukas siya ng kanyang dance studio. Apat lang ang tumawag sa kanya upang mag-enrol sa belly dancing lessons. Kada araw ay may lessons siya ayon sa gusto ng kanyang kliyente. At sa mga oras na ito nang alas-kuwatro ay may dalawa siyang college students na mga babae na tuturuan ng basic belly dancing.
Inayos na lang niya ang lahat na kailangan. Ang costume na ipagbibili niya para sa mga ito, refreshments para mamaya, at sample music sa flash drive para naman ganahan ang mga ito sa pagsasayaw.
Ilang mga minuto pa ang lumipas ay dumating na ang dalawang Samoan ladies na gustong matuto ng belly dancing. Ang isa ay mataba, si Alofa, samantalang ang isa naman ay parang malnourished sa sobrang kapayatan, si Telila.
Agad niyang pinabihis ang mga ito sa mga nagawa niyang costume para sa mga ito sa nakaraang araw. Adjustable naman ang mga iyon ayon sa size ng magsusuot kung kaya't walang problema. Pinaharap na niya ang mga ito sa malaking salamin ng studio. Kita niyang natutuwa ang mga ito sa suot na costume dahil sa pagngiti sa kanya.
"This is good, Chantelle!" anang Telila.
"Thanks!"
Nagsimula na siya sa pagtuturo. "So, what is belly dancing?" tanong pa niya sa dalawa habang nakaharap sa mga ito at nakatalikod naman sa malaking salamin.
Nagkatinginan ang magkaibigang estudyante niya nang nakangiti saka kumibit at umiling.
"Dancing with your belly?" ang anang payatot na babae. Hindi sure sa sagot.