Chapter 8
"Well, I was like any other women around here. I fell for that man. I told him about how I felt, then he rudely turned me down." Napangisi ang kanyang kaibigang kumibit naman na animo'y wala lang iyon. "Anyway, matagal na iyon." "Pero, wala ka namang ibang hangad sa kanya, 'di ba?" ani Chantelle dito.
"Of course not. But don't worry. I got over him after a year or so. And that was like... six or so years ago. I can't really remember exactly." Kumibit ang kaibigang ngumisi sa kanya. "I was just young and impulsive. Alam mo na. Once in a while in our life, we live and act like stupid idiots, 'di ba? Natural lang 'yon."
"Bakit, ano bang sinabi niya no'ng sinabi mo ang naramdaman mo para sa kanya?" Curious siya kahit papaano.
Tumalikod sa kanya ang kaibigan. Tumawa nang mapakla. "Better not dig that dirt, my friend. I've forgotten all about it."
Nasaktan siya para sa kaibigan. Lumapit siya rito at niyakap ito mula sa likuran.
"I'm so sorry to hear that, Carlie. Hindi ko man lang alam. Sana... tinanong kita noon pa man tungkol sa love life mo," pabirong aniya.
Tumawa ang kanyang kaibigang nakahawak sa kanyang kamay. "Kahit si Nafa ay nasaktan din dahil sa lalaking iyon. Alam mo bang gusto rin siya ni Nafa? Siguro, walang babae ritong hindi nagkakagusto sa Lebrandt na 'yon. I just wonder whose hands he's going to fall."
Bumitiw na siya sa kaibigan. "I don't care. Wala akong pakialam sa kanya. Ipapakita ko sa 'yong ako lang ang babaeng hindi magkakagusto sa Lebrandt na 'yon!" sumpa pa niya.
Napatawa sa kanya ang kaibigan. Nakatitig ito sa kanya nang may pagdududa sa mga mata.
"Well, better be that way, my friend. Ayokong masaktan ka rin ng lalaking iyon. Because I know, it'll hurt like hell!" Hinaplos nito ang kanyang pisngi.
Napangiti siya sa kaibigan. "I won't fall for a man like him, Carlie. I'll make sure of it." May conviction sa tono niya.
Pero tama bang magsalita siya nang patapos? Well, she had to. Ayaw niyang gegewang ang kanyang pangako sa lalaking iyon. Hindi naman na siya magpapakita rito at sa bata kahit kailan. She would get on with her life, and those two would do good on their own. That was it. Closed chapter na iyon sa buhay niya.
Subalit ewan niya dahil mabigat pa rin ang loob niya dahil kay Ley. Gusto niya talaga ang bata. Siguro ay may affinity silang dalawa dahil kapwa orphan silang dalawa. O kaya ay may mahigit pa iyon na dahilan. She just cared so much about the girl, even though they just knew each other for a very short time. Paano na kaya kung tumagal iyon?
Napapilig na lang siya ng ulo.
"Buti na lang nagkakilala kami ni John. Siguro, siya na nga ang para sa 'kin."
Narinig ni Chantelle na share ng kaibigan. Tila lumabas pa ang mga puso sa mga mata nito nang tunghayan niya.
"Teka, teka. John? Hindi ko alam na may nobyo ka na pala, malanding babae ka!" nakangiting aniya sa kaibigan. Bahagya niya pang kinurot ito sa tagiliran at bumungisngis ito.
"Hindi. Ang totoo ay kailan lang kami nagkakilala. Siguro a year ago or so. Sa isang beach resort dito sa Apia. Isa siyang abogado. Nakatira rin siya rito pero madalas ay pumupunta siyang Hawaii dahil may pamilya siya roon," ang kuwento nito sa kanya.
Umupo muna sila sa mahabang sofa nang magkaharap. Gusto niya pang makinig sa kuwento ng kaibigan. Excited din siya sa love life nito.
"I think it was love at first sight. Hindi ko talaga maalis-alis ang paningin ko sa kanya, eh. At siya rin sa akin. O, 'di ba? Grabe ang kabog ng dibdib ko noon. Sabi ko sa sarili ko, siya na!"
Napangiti siya at naalala tuloy ang unang titigan nilang dalawa ni Lebrandt. Hayun na naman siya. Sumisiksik na naman sa kukote niya ang guwapong mukha at ang magandang mga mata nito. Pinilit na lang niyang makinig sa kuwento ng kaibigan. Kailangang iwaksi na niya sa isip ang lalaking isnaberong iyon. Wala siyang mapapala roon kundi inis sa kanyang dibdib at lungkot para kay Ley.
"Tapos, lumapit si John sa 'kin. Hindi ko na nga napansin kung nasaan si Nafa sa pagkakataong iyon, eh. Iyon pala, nakamasid lang siya sa 'min na para bang nanonood ng shooting ng isang love team sa pelikula?” Saka humagikhik si Carlie. Kilig na kilig ito habang nagkukuwento.
Napangiti na rin lang siya dahil dito. Masaya siya para kay Carlie at nai-in love na ito at kitang-kitang masaya sa love life nito. Siya kaya, kailan pa kaya iyon mangyayari?
"Yun. Tapos, sinabi niya ang pangalan niya at kahit bago pa siya makatanong sa pangalan ko, sinabi ko na rin ang pangalan ko sa kanya," pagpatuloy ni Carlie. Mas lumapad ang ngiti nito habang nagsasalita.
"Teka nga lang. Bakit sa pag-iisang linggo ko na rito, hindi ko pa siya kailanman nakita o narinig na tumawag sa 'yo?"
"Ah, kasi busy siya. Pero tumatawag siya palagi sa 'kin sa gabi. May... inaasikaso siyang adoption papers. Iyon ang huling sinabi niya sa 'kin. Pero, paminsan-minsan, binibisita niya ako sa taro plantation. Hindi rito sa bahay kasi hindi naman ako madalas na naririto kundi sa gabi lang."
"Bakit, 'di ba kayo nagde-date 'pag gabi? Like dinner? Movies?"
"Kapag gabi kasi, may programa siya para sa mga obese people dito sa Apia. Fast-paced dance programs para sa kanila. Kapag weekends naman, volleyball. Kaya paminsan-minsan, sinasamahan ko siya kapag hindi ako pagod." "Ohh... May gano'n?" nausal niyang namangha.