The Shimmy of Love

Chapter 7



Napatingin si Chantelle sa bata.

"Of course, Ley," aniya rito at umupo na sa designated seat niya, sa tapat ng bata.

Nasa kabisera naman ang tiyuhin nito. Tahimik itong umupo at itinabi nila kapwa ang baso ng bourbon na hawak kanina.

Napatingin si Chantelle sa shellfish, breadfruit, saging, taro (pe'epe'e: boiled taro root with salted coconut cream), karneng baboy at manok, half-moon pie, isda, Koko Samoa (cacao beans drink with water and brown sugar), at kung anu-ano pang hindi niya kilalang pagkain. Subalit mukhang puro masasarap ang mga iyon kaya naman isa-isa niyang tinikman ang mga ito.

Busog siyang masyado dahil sa lahat ay masasarap. Pinuri pa niya si Manaia na siyang naghanda sa lahat na iyon, ayon sa utos ng lalaki nang sinabi ito sa kanya.

Kumain din sila ng coconut taro ice cream pagkatapos dahil gusto ni Ley.

Napatingin na lang si Chantelle sa lalaking nagsasalin ng Koko Samoa sa baso nito.

"You think we're going to get fat here?" ang bumungisngis na tanong ng bata sa kanya nang nasa living room na sila ulit pagkatapos nilang mag-dinner.

Nakaupo silang dalawa sa mahabang sofa na kulay-tsokolate. Samantalang ang tiyuhin nito ay nakatayo malapit sa bintana at sinisimsim na naman ang natirang bourbon nito kanina.

"You bet, we will," ang nakangiting aniya sa bata at nagkatawanan silang dalawa.

"So, we really need to do the belly dancing to flush out all those delicious things we ate, right?" ang wika nito sa kanya na excited pa.

Napasulyap tuloy siya tiyuhin nitong nakatingin din pala sa kanya kanina pa. Hindi naman ito nagbawi ng paningin tulad ng inakala niya kaya siya na ang gumawa niyon.

Tumikhim siya bago nagsalita. "Uhm... about that, Ley," aniyang bumaling sa bata. "When... you're not too busy with your studies... maybe we can put it off in the meantime. As for now, I think you'll need to... uh... adjust... to your new school, and... and you have to find someone your age... you know... make friends with them? I think it'll be good if you know more about the culture of the people here, as you're going to settle here for good... with your uncle, right? Besides..." sa bawat sandaling nagsasalita siya ay napasimangot nang palalo ang bata.

Napalunok ang dalaga dahil mabigat din ito sa puso niya. Hinawakan ang bata sa isang balikat. Tinitigan niya ito sa mga mata.

"Ley, I'd promised that I'd teach you the belly dance. I'll not break it. I won't go back on my word, that's for sure. But for the moment, you need to focus on adjusting yourself in this new environment. I know it won't be easy for you. It's not going to be easy for me, too. Believe me. But..."

"I understand," ang mahinahong sabi ng bata at napatingin ito sa tiyuhin na tahimik lang.

Napatingin din siya sa lalaki at napaangat ito ng tingin mula sa bata patungo sa kanya, habang inikot-ikot nito ang basong may laman pang bourbon. Pansin niyang kaunti na lang iyon.

There was something in his eyes that she could not read. Parang nag-jumpstart na naman ang puso niya dahil sa mapang-akit na kulay-abong mga mata nito nito, tulad ng dati. Why did she feel this way? Bahagya pa siyang napakiling ng ulo. "Good, Ley." Nasabi na lang niya sa bata at siya na ang nagbawi ng paningin dahil hindi na siya naging komportable sa titig ng lalaki sa kanya. Hindi siya sanay na titigan nang ganoon. Isa pa, hindi sila on good terms nito.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"You'll be busy preparing some things for the studio, won't you? I guess... I'll not see you for some time, then," malungkot na anang bata. Yumuko pa ito. Tumango siya nang malungkot pero ngumiti siya rito nang matipid nang tumingin itong muli sa kanya.

Nagpaalam na siya kay Ley at nag-offer na namang ihahatid siya ng lalaki.

"You don't have to take me home. You're drunk," ang wika niya sa binata.

"No, I'm okay. I can drive you home. I should ensure your safety after coming over to say your goodbye to Ley," anito na medyo matigas ang boses.

She let go a long breath when the car left the house. Kumaway pa sa kanila si Ley, nakita niya iyon sa salamin.

"Remember, you promised," paalala sa kanya ng lalaki. Hindi man lang ito tumingin sa kanya kundi sa daang binabaybay nila.

Tiningnan niya ito ng masama. "I'll remember that we don't know each other, Mr. Olsen," she hissed. Napasulyap naman siya sa mga kamay nitong mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.

Kung galit ito sa sinabi niya, she did not care one little bit. Or, did she? After all, he was the one who suggested it. No, not just suggested it. He commanded it in such a subtle way. 'But you care, Chantelle!'

She tried to ignore that little voice inside her head. 'Di ba't ayaw na nitong makita siya ng pamangkin nito? Kahit medyo naaapektuhan siya dahil may kinalaman iyon sa isang inosenteng bata, dapat na magmo-move on na siya. Agad. Besides, kakikilala lang naman nila ng bata. As soon as her uncle could get rid of her, the better na nga siguro. Para hindi mas lalong masasaktan ang bata kapag nalaman ang katotohanan sa likod ng dinner na iyon. Kapag nagkaroon na ito ng mga kaibigan sa eskuwelahan ay makakalimutan din siya ni Ley.

Padabog niyang isinara ang pinto ng kotse nang inihimpil na ito ng lalaki pagkarating nila sa bahay ni Carlie. Agad namang umalis ang lalaki nang wala man lang paalam. Inis niyang sinundan ng tingin ang kotse bago siya pumasok ng bahay ng kanyang kaibigan.

"So, how did it go?" usisa ni Carlie nang makapasok siya at isinara na ang pinto.

"I can't say, really!" inis na aniyang kinuyom ang mga palad.

"Hmm... mukhang alam ko na ang istorya," kalmanteng anitong nagkuros ng mga braso sa dibdib.

"He's such a heartless, hypocrite jerk!" Nagtaas-baba ang kanyang dibdib dahil sa inis.

"Well, and more, if you should know," ang dagdag pa ng kaibigang kumibit ng balikat.

Napatitig siya sa kaibigan. "What do you mean, Carlie?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.