Chapter 10
"That's right!" nakangiti namang kumpirma ni Chantelle dito.
Tumili nang paimpit si Telila habang napahalakhak si Alofa.
"It originated in the Middle East. The one that's called raqs sharqi, meaning oriental or eastern dancing, it's the more familiar one to Westerners, which is performed in cabarets or restaurants. The other one, which is called raqs baladi or folk or local dance, is more folkloric, which is done by men or women of all ages in some Middle Eastern countries, especially during weddings. So, now, you know the origin of this dance. Shall we now start dancing?" nakangiting aniya sa mga ito na ipinagdaop ang mga palad.
Agad namang tumango ang dalawa. "Ioe!"
"Okay. First things first. We have to do the stretching. Criss-cross your arms like this. Swing your left arm overhead, and do it with your right. Repeat it. Rotate your wrist. Move that hand to the center and up, grab it and tilt to the side. Push your hip out. Yes, that's right. Stretch. Stretch. Okay, back to the center, with your arms parallel to the ground with your left hip out. Stretch, yes. That's it. Return to center. Right arm swing overhead and then the left. Do it repeatedly. Yes, just like that, with grace. Bend to the side, rotate your wrist. Re-center and grab your wrist above your head. Tilt to your left and push your hip out. Don't forget to breathe, ladies." Nagpatuloy siya sa pagbibigay ng instruksyon habang ginagawa iyon upang sundin siya.
"This is kind of dancing already," ang komento ni Alofa na humagikhik.
Ilang minuto ang lumipas ay nagpatuloy sa pagsasalita si Chantelle habang nag-eehersisyo sila.
"Now, I'll teach you first the basic twelve or the so-called core moves one by one. It will take a bit of time to learn these, so... bear with it," aniyang humarap na rin sa salamin. "The first three are the basic staccato hip moves. The hip twist, hip bump with hip thrust, and up and down hips. All right, let me show you the moves." Nag-demonstrate siya sa mga ito at suwabeng pinagalaw ang kanyang balakang.
Sumunod ang mga ito nang mag-umpisa siyang magbilang.
"Good! Keep it up, girls," himok niya.
Ilang minuto silang pabalik-balik sa mga galaw na iyon.
"All right. The next three are the basic rolling hip moves. The hip figure eight, basic hip circle, and vertical hip circle. And... this is how you'll do these moves." Nag-demonstrate na naman siya sa mga ito. "Okay, roll your hips like this, girls!" dagdag na aniya at sumunod naman ang mga ito.
Natutuwa siyang madali lang makakuha ang mga ito sa mga itinuturo niya. Nagbilang siya mula sa pinakaunang step hanggang sa pang-anim. Nakikita niyang nag-e-enjoy naman ang dalawa. Kaya ginanahan siyang magturo sa mga ito. 'Di baleng dalawa lang ang estudyante niya. Kasisimula pa lang naman niya. Umaasa siyang dadami rin ang mga ito.
"Very good! Now, I'll teach you the basic ribcage circle moves. These are the horizontal ribcage circle, diagonal ribcage circle, and vertical ribcage circle," aniyang nagde-demonstrate habang nagsasalita.
Tumango naman ang dalawang estudyante niya. Bumalik na naman sila sa pinakaunang step hanggang sa pang-siyam.
"Oohhh... It's like you're meant for belly dancing, Alofa, Telila!" puri niya pa sa dalawa.
"Fa'afetai, Chantelle!" halos sabay na nakangiting pasalamat ng dalawa.
Kapwa na sila pinagpapawisan.
"Alright. The last three basic moves for today. The basic arm, shoulder, and head moves. The first, arm waves," aniyang nag-demonstrate din para sa dalawang estudyante niya. "Then, the shoulder rotations with arm ripples or the so-called snake arms," nakangiting aniya sa mga ito. "And the head slide. Got them?"
Tumango ang dalawa. Nagbilang na naman siya para sa tatlong huling steps at saka bumalik sila sa pinakauna hanggang sa pinakahuli. Paulit-ulit iyon habang patuloy sa pagtakbo ang oras.
"Excellent! Now, let's do all those basic twelve with the music!" May pananabik sa kanyang ngiti.
"Yes!" nakangiting sang-ayon ng dalawa.
Nakita niyang tumutulo na rin ang pawis ng dalawa kahit naka-aircon ang dance studio niya. Kahit siya man ay ganoon din.
Pinatugtog niya ang tinatawag na Mezdeke Arabic belly dance music. Nakita niyang natutuwa ang mga ito pagkarinig sa magandang musika.
"It's a bit fast, but the movements should be accented. This is called the percussive movements. I thought it'd be more exciting if it's more upbeat. Right?" anang Chantelle.
"Aha. It's good, Chantelle. We like it," ang sabi ni Telila. Malapad ang ngiti nito.
"Right. Yeah! Let's do it!" ang sang-ayon naman ni Alofa habang pinapa-practice ang mga galaw na natutunan.
"Okay! So, we'll start from the very beginning. Let's do every step in eight counts. All right?" aniya sa mga ito.
Sabay silang tatlong sumasayaw kasabay ang tugtog nang dumating ang kaibigan ng dalaga upang manood sa session na iyon. Nakangiti itong nanonood sa kanila nang sulyapan niya sa malaking salamin.
Pagkatapos, inulit nila iyon nang dalawa pang beses bago nila tinapos ang session na iyon nang mga alas-sais ng gabi.
"I can see that they were enjoying your belly dance session," ang komento ni Carlie nang nauna nang umalis ang dalawang estudyante niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Oo nga, eh. Kaya lang apat lang ang tumawag sa 'kin para mag-enrol. Hindi dumating 'yong dalawa." Napanguso siya.
"First two days mo pa naman. Ano ka ba? Pasasaan ba at dadami rin ang mga estudyante mo, 'no?" pampalubag-loob nito.
Pinakunot niya ang ilong. "Oo nga. Dalawa rin kahapon at dalawa rin ngayon. Hindi ba't malulugi ako nito? At ikaw rin, dahil tinulungan mo akong makapag-umpisa."
Napatawa ito sa kanya. "Ano ka ba, Chantelle? Pasasaan din ba at magiging kilala rin ang studio mo. Alam mo naman ang advertisement through the words of mouth. Kapag nagustuhan ng customers mo ang sessions at ang pagtuturo mo, I'm sure dadami rin ang estudyante mo dahil irerekomenda ka nila at ang studio mo. Gano'n 'yon. Dapat alam mo 'yan."
Isinara na ng dalaga ang studio at patungo sila sa kotse ng kaibigan na nakaparada sa harap ng studio. Lumulan na sila roon at nagpatuloy sa pag-uusap.
"Sana nga, Carlie. Target ko talagang magkaroon ng kahit twenty-five people for this month para makabawi man lang kahit kaunti."
"Don't worry. Kaya mo 'yan," nakangiting anang Carlie na pinalalakas ang loob niya.
Dumating sila sa bahay ng kaibigan nang mapansin niyang ngumiti ito nang makita ang isang kotseng nakaparada sa harap. Napataas siya ng kilay sa kaibigan. "Carlie, may bisita ka?"