Chapter 4
Kinabukasan ng hapon, pumunta sa flea market ang magkaibigan, pagkatapos nilang pumunta sa lokal na pamahalaan upang makapag-file ng kailangang papeles para sa itatayong belly dance studio ng dalaga. Iginala siya nito sa flea market. "Alas siyete ng umaga, bukas na sila at sasarado naman nang alas singko," wika ni Carlie. "Puwede kang tumawad hanggang ten percent kapag marami kang bibilhin pero depende rin iyon sa nagtitinda. Mayroon ding ayaw magpatawad." Ngumisi pa ito sa kanya.
"Pareho lang pala sa 'tin, eh." Nakangiting aniya.
Tumango ang kaibigan. "At... halos lahat makikita mo na rito ang mga kailangan mo. Mga tela, burluloy, at anu-ano pang kailangan mo sa studio mo."
"Sa tingin ko nga rin," aniyang palinga-linga sa paligid habang naglalakad sila sa pagitan ng stalls ng mga nagtitinda.
Pagkatapos niyon ay narinig na lang niya ang isang sigaw ng pangalan niya.
"Chantelle!" Boses iyon ng batang si Ley.
Napalingon ang dalaga at ang kanyang kaibigan. Napangiti siya sa batang tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya nito. "Hi, Ley! Okay ka lang ba sa bahay ng uncle mo?" ang tanong niya sa bata na 'di napansing nakasunod pala rito ang uncle nito. Kinalabit siya ng kaibigan at napalingon siya rito. Sa pamamagitan ng tingin ay sumenyas itong may kasama ang bata.
"Oh, so your uncle's with you," ang nasabi na lang niyang napatingin sa lalaki. Nakayakap pa rin sa kanyang baywang ang bata.
Ngayon niya lang napansing magandang lalaki pala ang tiyo ng bata. He was tanned dahil siguro sa outdoor activities nito. He was lean, and it was clear that he was muscled, kahit sa suot nitong slacks at polo shirt. He had gray eyes that she had never seen before. Magaganda talaga ang mga mata nito na tila hinihigop siya habang nakatitig ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang nag-jumpstart ang puso niya. She had never been affected by someone's stare like this, lalo na sa isang bagong kitang lalaki.
"Yup. That's my Uncle Lebrandt. Uncle, this is Chantelle," ang pakilala ng bata sa kanila nang pormal.
"Nice meeting you, Mr. Olsen," ang aniya sa lalaki na inilahad ang kamay.
Tinanggap naman nito ang kamay niya saka napasulyap ito kay Carlie.
"Miss Maurer. How do you do?" ang anitong nakipagkamay rin sa kaibigan ng dalaga.
Ramdam pa rin niya ang mainit nitong kamay.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Good, Mr. Olsen. Thank you. How about you?" ang tugon naman ng kaibigan niyang ngumiti nang matipid.
"Never been better, thank you," ang pormal na anitong ibinalik ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng dark gray slacks nito. Pagkadaka'y bumaling ito kay Chantelle. "May I have a word with you for a minute, Miss... umm... Chantelle?" Nagtaka man ay tumango siya. Napasulyap ang dalaga sa kaibigan at sa bata.
"Sasamahan ka muna ng kaibigan kong si Carlie, ha?" ang habilin niya sa bata at tumango naman ito kaagad.
Sumama siya sa lalaki na umalis. Naglalakad sila sa malapit na stalls ng handicrafts and souvenirs.
"I don't want to beat around the bush," umpisa ng binata. "I know how you took care of my niece during your flight, and I wish to invite you over to dinner in the weekend, if you don't have any prior engagement?" ang dagdag na anitong sumulyap sa mukha niya. Pormal pa rin ang mukha ng lalaki.
Hindi niya inasahan ang imbitasyong iyon. "Well... no. I don't have any. But you don't have to invite me to dinner toll"
"I know that my niece is so fond of you," he cut her off. "But as an adult, I don't want Ley to be so attached with you to the point of being dependent on you. After all, you're... a stranger."
Napamaang siya sa sinabi nito sa kanya. Hindi siya makapaniwalang mapagmata o kaya ay bastos ang uncle ng bata. Napakagat-labi siya sa inis. Para lang pigilan ang sariling huwag sumigaw rito ng kahit anong masamang salita. "Mr. Olsen. Are you implying that I might be a bad influence on your niece, that's why you want to?"
"No. I don't imply it that way, Miss Chantelle." He butted in again midsentence. Tila ayaw talaga siyang patatapusin sa pagsasalita sa tuwina. "Don't misunderstand. I'm just worried that if she's going to be attached to you, she'd find it difficult to get along with other children her age. You see, I just want what is good for my niece. I'm sure you'd understand this because I think you're a sensible young woman."
Napatawa nang mapakla ang dalaga. What was with him? Wala siyang problemang nakikita kung magiging magkaibigan man sila ng bata. Age doesn't matter, ‘ika nga. Isa pa, open-minded siyang tao.
"Fine. After the weekend dinner, neither you nor Ley would ever see me again." Saka tinalikuran na niya ang lalaki pagkabigay rito ng isang matalim na tingin.
Napabuntong-hininga naman si Lebrandt habang sinusundan ng tingin ang magandang dalaga. Napalulon pa siya ng laway. He thought this would turn out good. He believed this was for the best for Ley, or so he thought.
He could see why Ley was so fond of her. Mabait ito sa kanyang pamangkin. He could see that she was a good woman. Hindi katulad ng iba na ang habol sa kanya ay ang kayamanan niya at ang estado niya sa Samoa. 'Did I do or say something wrong to her? Was I too hasty and defensive?'