Chapter 5
Naalala tuloy ni Lebrandt ang kawawang ina ni Ley. Kung hindi sana nauna itong nakilala ni Clay, siguro ay sila ang nagkatuluyan ni Lindy. Pero bakit naisip niya ang ganito? Bakit naalala niya si Lindy? Ni hindi nga siya pumunta sa libing nito dahil sa sobrang busy siya noon sa Samoa dahil nagkaroon ng problema sa produktong in-export nila na noni. Kinapos sila noon ng target number na ide-deliver sa kanilang suki. And he had to resolve it by himself as soon as possible para hindi mawala sa kanya ang suking iyon sa Europa.
'Yeah, that was so wrong of me. I regretted it so much. I should've been there for Ley.'
Ni hindi man lang niya naihatid sa huling hantungan ang babaeng gustong-gusto niya noon. Kaya naman hanggang ngayon ay nakokonsensiya pa rin siya.
'It's just right that I carry this burden for the rest of my life. I chose and did the wrong thing.'
Subalit ipinangako naman niya sa sariling kahit na ano ay tutubusin niya ang sarili at aalagaan niya nang mabuti si Ley. He had decided to put Ley first before himself.
Sumunod na siya sa babae at agad itong nagpaalam sa kanila ni Ley. Napasunod na naman siya ng tingin dito.
"There was something wrong with Chantelle's face. Something happened, Uncle?" ang tanong ng batang nakatingala sa kanya.
"No. Nothing, honey. In fact, she's going to our house for dinner this weekend." Matipid ang ngiting sabi niya sa pamangkin.
"Really, Uncle? That's awesome! Thank you, Uncle!" ang masayang sabi pa ng bata at niyakap siya sa baywang.
Hinawakan niya sa ulo ang bata at nginitian ito nang matipid.
***
"So, Ley, do you think you know what kind of dishes she'd like for dinner?" tanong ni Lebrandt sa bata nang lulan na sila sa kotse pagkatapos nilang bumili ng ilang souvenirs na gusto nitong ipapadala sa lola nito sa Pilipinas. "She's a belly dancer, Uncle. I think she won't mind so much dishes. She just eats healthy stuff, like veggies," nakakumpas na sagot ng bata.
Napasulyap siya sa pamangkin. Ngayon niya lang ito nalaman. "You say she's a belly dancer?"
"Yes! And she said she's going to have a studio soon. Her friend is gonna help her out," paliwanag naman ng bata. "She also promised me that she's going to teach me how to belly dance!" Lumapad ang ngiti ng pamangkin. Sadyang nag-a- anticipate na itong matuto ng belly dancing.
Napaiwas ng tingin ang binata mula sa bata patungo sa daang binabaybay nila pabalik sa malaking bahay. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngayon.
"But you need to study, Ley," paalala niya lang nang simple sa pamangkin.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"I know, Uncle. So, she can teach me belly dancing during the weekends, right?" punto rin ng bata.
Hindi siya nakakibo. Napatiim-bagang na lang siya. Napaisip kung ano'ng gagawin pagkatapos ng weekend dahil sinabi na ng dalaga na hindi na ito magpapakita sa kanilang dalawa ni Ley. Ano na ang sasabihin niya sa pamangkin? 'I'm such an idiot! For sure, Ley will be adamant about this whole thing. Will she hate me then?'
Ayaw niyang magkaroon sila ng hidwaan ng kanyang pamangkin. Kararating pa lang naman nito sa Apia. Paano kung pipiliin nitong bumalik sa Pilipinas? Hindi naman iyon pupuwede dahil walang mag-aalaga sa bata dahil masakitin ang lola nito.
Napakiskis na lang siya ng bagang habang nagpapatuloy sa pagmamaneho. Naisip niyang titimbangin niya ang lahat mamaya.
***
"Ano? Sinabi iyon ni Lebrandt sa 'yo?" Napasimangot ang kaibigan ni Chantelle habang nagmamaneho ng kotse pabalik sa bahay nito.
Nakapamili na rin sila ng ilang mga bagay na gagawing dekorasyon nila sa studio niya kapag nakapagbukas na siya. Mayroong mga gawang local rugs, vases, jingly chains, shawls, scarves, at ilang mga magaganda at makukulay na telang gagawin niyang costume.
"Hindi naman ako na-offend, pero naiinis, oo! Naisip ko lang si Ley. Siyempre, sinabi ko sa bata na puwede kaming magkaibigan. Tapos, itong uncle niya gano'n pala? Ang sama lang talaga ng ugali niya. Ewan ko kung ano ang iniisip no'n," himutok ng dalaga.
"Siguro naisip ni Lebrandt na isa ka rin sa mga babaeng naghahabol sa kanya sa buong Samoa dahil sa kayamanan niya, Chantelle," pagdududa ni Carlie.
Napasingasing siya. "That's ridiculous! Ni hindi ko nga siya kilala nang makilala ko si Ley sa eroplano, eh. I don't even want to have anything to do with him after what he told me! Yes, I care for the kid, pero ang 'yong uncle niyang masungit at mapangmata yata, 'no! Parang gusto ko siyang ipakulam, eh. Kainis!"
Napatawa tuloy si Carlie. "Pero kahit na. Hindi naman kayo magkakilala kaya puwede mo nang balewalain iyon. Kaya lang, baka iniisip niyang sinabi ko na sa 'yo ang tungkol sa lahat at baka tina-target mo na siya sa umpisa pa lang. There's that."
"I so hate judgmental people with trust issues!" inis na aniya at napabuntong-hininga. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang naramdaman niya nang tumitig ito sa kanya, with those steely eyes of his. "I just want this weekend to come fast to get it over with. I swear, if he doesn't want anything to do with me, the feeling is mutual. Tch! Kahit na mayaman at guwapo siya, hindi naman ako maghahabol sa kanya, 'no? Ano siya, sinusuwerte? Kung makaasta siya, parang umiinog lang ang mundo sa kanya! Ang kapal ng mukha niyang pagdududahan ang magandang intensyon ko sa pamangkin niya," mahabang litanya ni Chantelle.
"Trust me, you're not going to get over him so soon." Napangisi pa si Carlie sa kanya, tinudyo siya.
Naiiling na lang siyang kumislot ang mukha. Pero sa mga sumunod na araw, ina-anticipate na niya ang weekend. She wondered what the weekend would bring. Ayaw niyang saktan si Ley pero siguro nga ay dapat na maging tapat siya sa bata. Sana nga lang matanggap ito ni Ley.
"Hmm... ‘andiyan na ang sundo mo," ang pagpaalam ni Carlie sa kanya sa araw ng Sabado.
Sinilip ni Nafa sa labas ang kotse ni Lebrandt at pinapasok na ang lalaki sa loob ng bahay ng kaibigan. Nagkatitigan silang dalawa ng lalaki. Nagsusukatan ang mga mata nang walang salitang namutawi sa kanilang mga labi. 'Now what?' sa isip ng dalaga.