Chapter 3
"Kasama mo ba 'yong batang 'yon sa flight mo, Chantelle?" naitanong ni Carlie sa kanya nang makalulan na sila sa kotse nito.
Napatingin siya sa kaibigan saka tumango. "Oo. Pareho kami ng connecting flights mula Pilipinas pa, eh. Kawawa naman siya, walang kasama sa biyahe. Ano lang, nagkuwentuhan kami. Wala na pala siyang mga magulang." "Kasama mo ang pamangkin ni Lebrandt Olsen sa buong flight mo papunta rito?" Nanlaki ang mga mata nito.
"Oo," nakasimangot na kumpirma niya sa kaibigan.
"Oh, my God! That means, may utang na loob sa 'yo si Lebrandt!" Parang excited itong nagsalita sa kanya na ikinasimangot niyang lalo.
"Kilala mo siya? Teka, bakit parang iba ang excitement mo? Something I missed?" ang aniya sa kaibigan nang nakakunot-noo.
"Friend, most-sought bachelor kaya si Lebrandt Olsen sa buong Samoa? May-ari siya ng niyogan at noni rito. At alam mo ba ang ibig sabihin niyon? Naku, kopra, coconut cream, coconut oil, at noni juice na pang-export. Bukod iyon sa iba pa niyang mga negosyo. Napakayaman niya!"
Umarko ang kilay niya saka napatingin sa dinaanan nila. "I didn't come here to seek a bachelor, Carlie. Narito ako para makapag-umpisa ng panibagong buhay, kasama ka. Hindi ko na talaga matatagpuan ang mga magulang ko. Sumuko na ako," malungkot na aniya sa kaibigan. Napailing siya.
"In our twenty-eight years on Earth, huwag mo nang pag-aksayahan 'yon. I maybe heartless to say this, but they abandoned you since you were a baby, Chantelle. Kaya ayos lang kung gawin mo na rin iyon ngayon. Hindi mo na sila kailangang hanapin. Kung hindi ka nila kailangan, puwes, hindi mo rin sila kailangan. You can be happy without them. Not all orphans found their parents, so maybe they either passed away or it's just fate. That's it. Mas mabuti pang tayo na lang ang magsasama, Chantelle." May himig pabiro ang tono ng kaibigan.
Napabuga siya ng hangin. Aminado man siya o hindi, may katuturan din naman ang sinasabi ng kanyang kaibigan.
"Buti ka pa. Natagpuan ka na ng dad mo noong fifteen pa lang tayo."
"Oo nga. Suwerte ako kahit inabandona ako ng ina ko. Pero namatay naman si Dad kaagad pagkatapos niyon, and I had to deal with all the people here all by myself. Wala akong mga kaibigan. Ikaw lang."
"Hmm, huwag mo na akong utuin. May naging kaibigan ka na rito, alam ko! Matagal ka na kayang nakatira dito, 'no?" Inismiran pa niya ito.
"Oo nga. Pero after a year naman iyon nangyari nang naging magkaibigan kami ni Nafa. Noong nakitira na siya sa bahay ko. Buti na lang at naroroon palagi ang housekeeper kong si Poli. Lagi akong tinutulungan." Ang ibig sabihin din nito ay ang pag-aasikaso sa taro, banana, at cocoa plantations na iniwan ng ama nito sa kaibigan niya kahit sa bata pang edad nito noon.
***
Nakilala ni Chantelle ang housekeeper nang dumating siya sa two-story house ng kaibigan. Napag-alaman niyang anak ng housekeeper ang kaibigan nitong si Nafa. Ipinakilala rin sila nito. Dahil sa suot na mini-skirt ng babae ay nahalata niyang mayroong tattoo ito sa likuran mula sa upper thigh nito pababa sa likod ng tuhod at binti. Itinanong niya ang ibig sabihin niyon dahil curious siya.
"Ah, that's what they call here the traditional malu for women following their puberty," ang sabi ng kanyang kaibigan. "Mayroon din sa mga lalaki na tinatawag nilang pe'a. Iba naman iyon. Mula sa ribs at baywang pababa sa kanilang hita at tuhod."
Napa-ah na lang ang dalaga. She was fascinated by these tribal tattoos. Pakiramdam niya ay nasa bagong reality siya ngayon. Kahit papaano ay excited naman siyang harapin ito, salamat sa supportive niyang matalik na kaibigan. "Halika na. Punta ka na sa kuwarto mo," ang himok ni Carlie sa kanya at pumanhik na sila sa malapad na hagdan papunta sa itaas. "Sa baba ang kuwarto nina Poli at Nafa. Walang lalaki rito sa bahay, FYI." Napasingasing siya. "Pero mga lalaki ang mga trabahador mo sa plantation, 'di ba?" ang punto niya sa kaibigan.
Ngayon pa lang sila nakapag-usap ng ganito tungkol sa plantation ng kaibigan. Dahil kalimitan kumustahan lang naman silang dalawa kapag nagtatawagan o kaya ay sa pag-e-email-an nilang dalawa. "Oo. Maraming mga lalaki rito. Mas marami pa kaysa sa mga babae ang populasyon."
"Ay, gano'n? Additional pala kaming dalawa ni Ley rito sa populasyon ng mga babae," napangising aniya sa kaibigan.
"Oo, gano'n na nga," ang natatawang anang kaibigan.
Pumasok na sila sa magiging kuwarto niya. Light blue ang pintura sa kabuuan nito. Favorite color niya. Napangiti tuloy siya sa kaibigan niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Salamat, Carlie. I love the room," nakangiting aniya sa kaibigan.
Niyakap naman siya ng kaibigan niya.
"Kung hindi mo man natagpuan ang mga magulang mo, maybe it's for the better, Chantelle. Ang Diyos lang ang nakakaalam sa hinaharap natin. Malay ba natin, lilitaw rin ang mga iyon isang araw kung iyon talaga ang kapalaran mo?" Saka hinagod nito ang kanyang likod bago sila kumalas sa isa't isa.
Tumango siya sa kaibigan. "Siguro nga ay tama ka."
"I'll let you rest, friend. Tatawagin na lang kita kapag pananghalian na. Okay?" "Sige. Salamat ulit, Carlie. I owe you for a lifetime." Seryoso siyang nakatitig dito. "Huwag ka na ngang magpasalamat. Matagal na tayong magkaibigan, eh, 'di ba?"
Nagtungo siya sa kanyang sariling banyo sa kuwarto bago siya nagbihis at nagpasyang umidlip nang saglit bago niya aayusin ang lahat ng gamit sa closet. Kahit papaano ay excited na siyang makapag-umpisa sa kanyang belly dance studio. Subalit napaisip siya ulit kay Ley. She thought Ley was a pitiable child.
Naalala niya ang pagpigil ng matangkad na lalaki sa bata. Hindi niya nakitang masyado ang mukha nito dahil agad naman itong pumihit at tumalikod. She wondered again if she would ever see Ley again and if she was all right.