Chapter 2
"Oh. Yes, ma'am. She's in the lavatory," nakangiting tugon ng flight attendant.
Napabuntong-hininga nang maluwag si Chantelle. Akala niya kung nasaan na ito. Siya pa naman ang may responsibilidad sa bata. Bumalik na ang bata at nakabihis na rin ito. Nakangiti ito sa kanya nang bumalik sa upuan nila. "Excited ka na bang makarating sa Apia?" tanong niya sa bata.
"Opo. Matagal ko na rin kasing hindi nakikita ang uncle ko. Two years na rin," ang nakangiting sagot nito sa kanya.
"Palagi ba siyang kasama n'yo dati sa Pilipinas?" tanong pa niya.
"Every year siyang bumibisita sa 'min noon. Pero nang mamatay si Daddy two years ago, hindi na niya kami nabisita ni Mommy. Kahit noong pagkamatay ni Mommy ay hindi siya nakapunta. Sobrang busy raw siya sa trabaho. Hindi niya puwedeng maiwan." Lumabi ang bata pagkasalita.
"Ah, gano'n ba?" Nakadama siya ng awa sa bata.
"Kung hindi sana nagkasakit si Mommy, kami ang magkasama ngayong pupunta sa Apia at titira na roon kasama si Uncle Lebrandt."
"Oh... Sorry to hear that, Ley. Ano... nga palang sakit ng mommy mo?"
"Cervical cancer daw. Hindi ko naman alam kung ano 'yon." Kumibit ang bata, malungkot ang mukha. Halatang naaalala nito ang mahirap na huling mga sandali ng ina.
Hindi ma-imagine ng dalaga kung gaano iyon kasakit para sa murang edad nitong nawalan ng ina at siyang gagabay sana nito sa mundo hanggang sa ito ay lumaki.
Napalunok na lang ang dalaga. "At 'yong daddy mo, bakit siya namatay? I hope you don't mind me asking, Ley."
Bahagyang tumango ang bata. "Dahil sa isang car accident naman 'yong sa daddy ko sa Subic. May negosyo kami roon na isang restoran. Pero dahil wala na si Daddy, ibinenta iyon ng mommy ko. Pero iyon ay dahil pala sa sakit niya kaya gano'n. Sabi ng lola ko, hindi 'yon ma-manage ni Mommy."
Naaawa talaga siya sa batang ito. Ang agang nawalan ng mga mahal sa buhay. Talk about being an orphan. Orphan din naman siya noong nasa orphanage siya at mula pa noong ipinanganak siya. Kaya alam niya ang nararamdaman ngayon ni Ley nang wala nang mga magulang. It was tough to grow up and be raised by people who were not related to her by blood.
Now, Chantelle wondered what kind of man Ley's uncle was. Mukhang mahal ng bata ang uncle nito subalit mukhang napakaabalang tao nito dahil hindi man lang sinundo ang pamangkin at isinama sa Apia para mas ligtas ito. Tila open- minded din ito at may tiwala sa pamangkin kaya hindi man lang ito nagpadala ng tauhan para gawin iyon nang dahil lang sinabi ng bata na kaya na nitong magbiyahe nang mag-isa. Gayunpaman, hindi siya puwedeng mag-judge kahit hindi siya sang-ayon sa paraan nito. Some people just had their own beliefs and had inevitable circumstances that they could not get out easily.
Nauntag na lang ang pagdidili-dili niya nang magsalita ang flight attendant at lalapag na raw sila in twenty minutes.
Sabay silang bumaba ng eroplano ni Ley. Kinuha ang kanilang mga check-in baggage pagkadaan sa immigration.
Nakita ng dalaga ang kanyang kaibigang si Carlie na nag-aabang sa kanya sa labasan ng arrival area. Nagkayakapan sila at nagbeso-beso habang tumakbo naman ang bata patungo sa isang matangkad at makisig na lalaking nakasuot ng three-piece suit.
Napatingin ang dalaga sa bata at sa lalaki. Siguro ay ang uncle nito iyon.
Nakita niyang itinuro siya ng bata nang nakangiti ngunit hinawakan ito ng lalaki nang babalik sana ito patakbo sa kanya. Pinasakay na ito ng kotse ng lalaki na may malamig na ekspresyon sa mukha.
'Tch! Mukhang isnabero ang dating, ah.'
Nakaalis na ang kotseng kinasasakyan ng bata. Kumaway lang ito sa kanya sa bintana at kumaway rin siya rito.
Hindi niya alam kung magkikita silang muli nito.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
***
"Uncle, that's Chantelle. She was with me the entire flight, and she took care of me," ang turo ni Ley sa dalaga nang nakangiti.
Tiningnan ng treinta y singko anyos na si Lebrandt ang babaeng iyon. She looked attractive in her mid-thigh-length sleeveless dress na asul. Hanggang balakang ang mahaba nitong itim na buhok na nakalugay lang. Nakita niyang napatingin sa kanila ang babaeng nakangiti. At nakilala pa niya kung sino ang babaeng kasama nito. Si Carlie Maurer.
"I see. I assume you've thanked her." Hinawakan niya ang bata nang akma itong tatakbo pabalik sa tabi sana ng babae. "No. We have to go now. It's so hot out here. It's not good for you, Ley."
"Alright, Uncle." Napasimangot itong sumunod sa kanya nang pinasakay niya ito sa kotse niya.
"How's your grandma, Ley?" ang tanong niya sa bata na nasa tabi ng driver's seat.
"Oh, she still has her arthritis. It's so bad, Uncle. That's why she couldn't come with me. She's so pity!" Ngumuso ang batang nalulungkot para sa matanda.
"I'm sorry, honey. The long flight would have made her suffer more."
"I know," nawika naman ng bata nang malungkot.
"But you did great by coming here all alone. I'm so proud of you, Ley!" Bahagya niya itong nginitian.
Napansin niyang masaya ito nang dumating kanina dahil sa Chantelle na nakilala nito ngunit ngayon ay nag-iba na ang timpla ng mood nito. Paano na kaya kung dito na ito mag-aaral sa Samoa? Nag-aalala tuloy siya. Sana ay inisip niya ang kapakanan ng bata bago niya ito pinapunta rito. Pero ibinigay ng mga magulang nito ang responsibilidad sa kanya dahil matanda na ang lola nito at masakitin pa. Dapat sundin niya ang huling kahilingan ng mga magulang nito. Hindi lang iyon, mahal niya rin ang bata at tanging alaala niya sa namayapang nakatatandang kapatid.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"You'll make friends eventually, honey. Don't worry about it," ang dagdag pa niyang ngumiti sa pamangkin. "Also, there are plenty of things to do around here. 'Di ba gusto mo ng hiking and swimming?"
Ngumiti sa kanya ang bata. "You're going to take me, Uncle?"
"Sure, honey. If I'm not busy at work."
Mali yata iyong nasabi niya. Nakita niyang napalis ang ngiti nito sa labi saka napatingin na ito sa dinaanan nila. Hindi na ito kumibo.
Isang oras pa ang biyahe nila bago sila darating sa malaking bahay niya.
"Let's stop somewhere to eat. Maybe you're hungry," pag-iiba niya ng paksa.
"Okay," ang limitadong sabi ng bata.
Huminto sila sa harap ng isang fast food. Nag-order sila ng spaghetti, clubhouse, at hamburger saka soft drinks. Nakangiti siyang pinanoood ang batang kumain nang magana.
"What did you eat during your flight?" ang tanong niya sa bata.
"Some healthy stuff. Chantelle helped me out in choosing those healthy ones," kumibit na tugon naman nitong ngumiti.
What was about this Chantelle woman that his niece was so fond of her flightmate? Napaisip tuloy siya nang malalim. Maybe it was fine to give that woman a thank-you token after what she had done for his precious niece.