The Shimmy of Love

Chapter 23



Chantelle looked so beautiful, and she smelled so good after the shower. Was it her shampoo? Her shower gel? Perfume? Right now, he was mustering all his self-control not to embrace her, kiss her neck, and make love to her. Pero zipper lang ang kailangan niyang ayusin.

Nakikita pa niya ang makinis na likod ng kanyang asawa. Inayos na niya ang zipper nitong naipit ang tela hanggang sa maiangat at maisara niya ito. Kung siya lang ang masusunod ay ibinaba niya iyon at inalis na sa katawan ng asawa. Subalit alam niyang hindi pa handa ang babae.

'You think? Wouldn't she be ready if you just kiss her and seduce her to your honeymoon bed? She's your wife after all, you idiot!'

"It's good now," pagpaalam niya sa asawa nang halos pabulong. Parang namamalat ang boses niya sa sobrang pagpipigil sa sarili. Ramdam na kasi niya ang pagnanasang bumangon sa kanyang katawan. "Thank you," nakangiti ito sa kanya.

"I... I think I'm gonna take a shower myself," ang nasabi na lang niya. Kailangan niyang pahupain ang pag-iinit ng kanyang katawan.

"Okay," ang mahinang sagot nito sa kanya at tumalikod na.

Napabuntong-hininga ang lalaki na pumasok sa banyo. He took a quick shower to get rid of the heat from his body. Damn! He was way aroused than he could imagine he could just by zipping his wife's dress! Nakatapis lang siya ng tuwalya nang lumabas ng banyo. Nakita niyang agad na tumalikod ang asawa pagkakita sa kanya. Kahit papaano ay natutuwa siya sa reaksyon nito.

'So, I have that effect on you, huh?'

Agad din naman siyang nagbihis nang mabilis habang hindi nakatingin ang asawa at nakamasid lang sa labas ng bintana. Magaganda pa naman ang mga ilaw sa labas. Mukhang maganda rin ang panahon. Ilang minuto pa ang nakalipas at nakalabas na sila ng hotel. Gamit ang sasakyan ng hotel ay inihatid sila papunta sa restoran na gusto niyang subukan din ng asawa. Iba't ibang putahe ang in-order niya para sa babae.

"I think this is too much," ang reklamo nito nang dumating ang lahat ng pagkaing in-order niya. Kumislot ang mukha nitong nakatingin sa lahat ng iyon bago ito nag-angat ng paningin sa kanya.

"I just want you to enjoy the food. You're always watching your diet, Chantelle."

Nakita niyang napakagat-labi ito dahil sa punto niya.

"I just do it, because I'd never know if I have some food allergies or something. Not knowing my biological parents, who knows if a nut or a crab could take my breath away in a second? Or either of my parents could have a hereditary diabetes or hypertension... I can't be too careful," ang lohikong anito.

Oo nga naman. Naikuwento sa kanya ni Ley na lumaki sa bahay-ampunan ang asawa niya. Hinanap daw nito nang ilang taon ang mga magulang ngunit hindi nito matagpuan ang mga iyon. Naaawa rin siya rito.

'It must have been tough for her, living her life, not knowing where she really came from.'

Naturally, people wanted the sense of belongingness. He could not blame her. What she felt was instinct.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Chantelle, it's just a meal. It's not like you're going to do this everyday, every meal. I promise to take care of your food after the honeymoon. Besides, we'll never know if you have any food allergies if you'll not just eat anything. But then again, maybe you don't," malumanay niyang saad. Gusto niyang magiging positibo ito sa kabila ng nararamdamang agam-agam sa halos lahat ng bagay, lalo na sa pagkain.

Napatitig sa kanya ang babae. He knew that she was a smart woman, and she could get the gist of what he was saying.

"All right."

Para namang lolobo ang kanyang puso dahil ibig sabihin niyon ay may tiwala sa kanya ang babae.

"All right. We'll just enjoy our dinner. It's our honeymoon," wika niyang ngumiti sa asawa.

Natutuwa naman siya dahil naparami ang pagkain ng asawa niya kaysa dati. So far, so good. She did not choke or anything. Kaya wala itong food allergy.

Pagkatapos niyang mabayaran gamit ang debit card ang lahat ay naglakad sila patungo sa baybayin. Naglakad sila sa buhanginan.

Ilang beses na nagkabungguan ang kanilang kamay hanggang sa hinawakan na niya iyon. Tiningnan niya ang babae sa mukha para saksihan ang reaksyon nito ngunit napatingin ito sa kanilang mga kamay. Hindi naman ito nagpumiglas para makawala. So, he thought it was an excellent sign. He entwined their fingers together, and he smiled as she began to look up at his face. Ngumiti rin ito sa kanya.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa iba't iba na lang na bagay ang ikinukuwento niya sa babae pati na ang itinerary nila simula bukas.

"We'll go to Pearl Harbor tomorrow. And then, we'll check out the Diamond Head the following day."

"Diamond Head?" kunot-noong usisa nito.

"Haven't heard it before?" tanong pa niya sa babae.

Umiling naman ito. Ewan niya pero natutuwa siya at hindi iyon alam ng asawa. Ibig lang sabihin ay magiging memorable ito para kay Chantelle. Para sa kanya, mas magandang magkakaroon ito ng karanasan sa unang pagkakataon na kasama siya.

"It's a dormant volcano. Its vents are now extinct. It is believed to have been the home of the Hawaiian goddess of fire, Pele. You'll enjoy the aerial view of it."

Nakita niyang napangiti ang babae. "Oh."

"And then, I'll teach you how to surf," dagdag niya.

Nakita niyang namilog ang mga mata nitong napatingin sa kanya. "You know how to surf?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.