Chapter 22
Narinig ng bagong mag-asawa ang maraming best wishes at congratulations sa kanila habang papalabas sila ng simbahan. Niyakap pa sila nang mahigpit na dalawa ni Ley at hinalikan sa pisngi. Ang saya ng dalaga dahil sa kanyang pagpapakasal kay Lebrandt.
'And that kiss a little while ago...'
Hindi niya iyon kailanman makakalimutan. That moment when he kissed her, it was like she almost felt loved by him. Na para bang natagpuan na niya ang kanyang soulmate. Pero ayaw niyang umasa at masaktan sa huli kapag hindi siya magtatagumpay na mapaibig si Lebrandt. Pero maiiwasan nga ba niya iyon? Sa ngayon ay hindi na niya muna iisipin iyon.
Nagtungo na sila sa isang hotel kung nasaan ang reception ng kasal. Doon sila nagkaroon ng kasiyahan, kainan, sayawan, at inuman. Nauna naman silang umalis doon para maabutan ang kanilang flight papuntang Hawaii para sa kanilang ten- day honeymoon.
Hindi nga siya makapaniwalang sampung araw talaga ang pina-book ng kanyang asawa. Ang alam niya kasi ay busy ito sa farm o kaya sa opisina. Kaya naman ay nagtaka siya kung bakit nito pinahaba iyon.
Naisip na lang niyang para ito kay Ley. Siguro ay naisip ng lalaki na magiging makatotohanan ang kanilang pagpakasal kapag ganito. Subalit hindi niya alam kung ano ang gagawin nila sa sampung araw na iyon na magkasama. 'Siguro ay magtatrabaho lang naman siya,' sa isip niya.
"I'll call you everyday, okay?" ang pangako niya sa bata. Ngumiti naman ang bata at hinalikan siya sa pisngi.
"You should enjoy the honeymoon with Uncle Lebrandt, Chantelle," ang payo ng bata sa kanya. Para talaga itong malaking tao kung magsalita. Napaka-mature ng bata. Halos hind inga siya mapaniwala sa edad nito. Hindi niya maiwasang huwag mapasulyap sa lalaking nasa tabi niya. Tila amused itong nakatingin sa kanya at saka nakita niyang umiwas na ito ng tingin na tila ba ay bubunghalit ito ng tawa anumang oras. She just straightened her back and nodded at the child. "T-tama ka. E-enjoy-in ko ang honeymoon namin," mahinang sabi na lang niya. It was awkward, though. Bakit niya ba iyon sinasabi kay Ley? Tumikhim siya at pilit itinago ang pamumula sa kanyang mukha.
'Buwisit na Lebrandt na 'to.'
Ito pa ang sinisisi niya.
***
"And what are we going to do with this ten-day honeymoon?" ang paungot na tanong niya sa lalaki nang dumating sila sa kanilang hotel sa Oahu.
Agad na nag-unpack ang lalaki sa mga gamit nito saka tinulungan pa siya nitong mag-unpack sa sarili niyang gamit. Para pa itong nagmamadali na matapos iyon kaagad. Hindi niya alam. "There's a lot we can do around here. Five days here in Oahu and five days in Maui. You'll enjoy the scenery, the beach, and... other things." Medyo binitin pa nito ang mga huling kataga. Bakit bigla siyang kinakabahan? It was silly of her. He was her husband after all. Sigurado siyang bilang isang lalaki, may pangangailangan ito, tulad na lang ng...
Ayaw niyang isipin iyon. Nanunuyo na ang kanyang lalamunan kahit slight lang niyang isipin ang sagradong bagay na iyon sa pagitan ng mag-asawa.
Naalala na naman niya ang halik nito sa kasal nila. Kahapon ba iyon? Bakit parang dama niya pa rin ang mga labi nitong nakadampi sa kanya?
Muli siyang napalunok sa alaalang iyon.
'No, no, no. Hindi na iyon mauulit. Pakitang-tao lang ang halik na 'yon, eh. Iba ang purpose niya sa halik na 'yon. Wala lang 'yon para sa kanya kahit big deal 'yon sa 'kin. First kiss ko kaya 'yon!' Napatagis ng kanyang mga bagang si Chantelle. Ayaw mang isipin ay parang talo siya sa lagay na ito. And she felt cheated. Lalaking ayaw sa kanya ang first kiss niya.
"Come on. Change your traveling clothes, and we'll go to a restaurant that I know about. They have great food there." Saka natigil ito nang makapa ang underwear niya.
Hinablot niya iyon mula sa kamay nito at siya na ang naglagay ng mga maseselan niyang gamit sa closet. Nakita na lang niyang ngumisi ang asawa. Bakit ba siya tila binibiro nang ganito ng lalaking ito? Was he doing it on purpose? "My hands are clean, I assure you. I could've put those delicate undergarments in the closet for you," ang patuloy na anito.
Napamaywang siya sa lalaki. "My underwear, my responsibility. Kahit na malinis pa 'yang kamay mo, kadiri ka! Sinasabi mo pa talaga 'yan? Ano'ng gusto mong palabasin? Para iisipin kong hinawakan mo ang mga panties ko habang suot ko ang mga 'yon?" Namumula siya sa inis at hiya.
'Shit. Sinabi ko ba talaga 'to sa kanya?'
Napangisi sa kanya ang lalaki. "Is there something wrong if I 'marked' your underwear with these hands?" ang anitong itinaas ang mga kamay para ipakita sa kanya. Humakbang ito papalapit sa kanya. "I'm your husband, Chantelle." Napalunok siya at napaawang ng mga labi. Umatras siya at naramdaman ang shelves ng closet sa kanyang likod. Dumikit ang matigas nitong katawan sa kanya at parang hindi siya makahinga. Sobra ang paglakas ng tibok ng kanyang puso. "A-alam ko naman 'yon p-pero... wala naman sa usapan natin 'yong "
"The what? What's not in our agreement, Chantelle?" Yumuko ito para i-level ang mukha sa kanya.
Napalunok ang dalaga. Para siyang matutunaw sa klase ng tingin nito sa kanyang sobrang nang-aakit. Marahan nitong hinaplos ng tingin ang kanyang mukha at tumigil ang paningin ng lalaki sa kanyang mga labi. Itinikom niya ang mga labi at hindi nagsalita. Sa halip ay iniwas niya ang paningin at marahan itong hinawakan sa magkabilang balikat upang itulak. Subalit nanlaki na lang ang mga mata niya nang umakto itong halikan siya. "You might want to refresh my memory, Chantelle. What was not in our agreement?" tila nanggagad na bulong nito.
Nasamyo niya pa ang mabango at medyo mainit nitong hininga.
Talaga bang sasabihin niya?
'Hindi, hindi. It's a trap!' sigaw ng kanyang utak.
Napalunok siyang muli at ngayon ay itinulak na niya ang lalaki. Napaatras ito nang dalawang hakbang at napangisi sa kanya nang nanunudyo. Sumasayaw sa kasiyahan ang mga mata ng lalaki. "Don't tease me like that!" Dinuro niya pa ito at napahingal siya.
Tinalikuran niya ito at saka pumasok sa banyo. Nag-shower siya at agad na nagbihis pagkatapos. Ngunit na-stuck ang zipper sa gitna sa may likuran niya at hindi niya ito maibaba o maiangat.
Napakagat-labi siya. Sana hindi na niya pinili ang damit na ito. Ito pa ang nadala niya. May marami sana siyang bago na bigay sa kanya ng lalaki. Ito pang bigay ng isang madre ang natipuhan niyang isuot. "Are you done?" ang tanong ng lalaki mula sa labas ng banyo.
Wala siyang nagawa kundi ang buksan iyon at lumabas. Pilit niyang ignorahin ang pagkatitig nito sa kanya at sa kanyang suot.
"My zip's stuck. Could you help me with it?"
"Oh, sure!" mabilis na anito.
Tumalikod na siya at naramdaman ang mga kamay nito sa kanyang likod. She suddenly felt a tingling sensation she had never felt before. Napalunok tuloy siya.