Chapter 21
"Easy-go-lucky na klaseng babae si Martina, Chantelle," agaw ni Carlie. "Hindi siya ang pangarap na mapapangasawa ni Lebrandt, I'm telling you. Isa pa, narinig kong mas gusto pa nga ni Lebrandt si Lindy kaysa sa Martina na 'yon. Wala sa kalingkingan noon si Martina."
"Sino naman si Lindy?" kunot-noong usisa niya.
"Ha? Hindi mo ba alam? Siya ang ina ni Ley." Pinalaki nito ang mga mata.
Nalaglag ang panga niya.
'May relasyon sila ni Lindy?'
Bigla siyang napaisip nang malalim.
'Teka, teka lang. Kung may gusto siya kay Lindy... hindi kaya anak nila si Ley kaya gustong-gusto niyang maging legal na ama ni Ley? Oh, shit! Ano 'tong kinasusuungan ko?'
Napasapo siya sa kanyang ulo.
"O, sumasakit ang ulo mo?" pansin ni Carlie.
Napalunok ang dalagang napatingin sa kaibigan. "I think I'm... screwed?"
Napatawa si Carlie.
"Hoy! Ba't mo sinasabi 'yan?"
Tumikhim siya at tumuwid ng upo. Ang mga kamay ay nasa kanyang mga tuhod. "Nagmahalan ba sina Lebrandt at Lindy?"
Umiling si Carlie. "Hindi ko alam. Sinasabi ko lang sa 'yo ang mga narinig ko."
Napangiwi siya. "Carlie, ano ang gagawin ko sa mga karibal ko?"
Tumawa ang best friend niya. "Iyan ba ang nagpapasakit sa ulo mo ngayon?"
"Sabihin mo sa 'kin. Hindi pa ako nakaranas ng love triangle."
"Aha. Love mo nga si Lebrandt, ano?"
Nagbukas-sara ang kanyang mga labi at napaiwas siya ng paningin. Tawang-tawa naman sa kanya si Carlie.
Hinampas niya ito sa hita. "Tigil-tigilan mo na nga ang katatawa riyan."
"Hindi lang love triangle ang kinakaharap mo, 'no? Buong Samoa kaya ang in love kay Lebrandt?"
Kumislot ang mukha niya.
"Basta, ang masasabi ko lang, ikaw ang nagwagi sa lahat ng mga iyon. Ikaw ang pakakasalan ni Lebrandt, kaya 'wag kang mag-aalala. Ibig lang sabihin niyan, mahal ka niya, 'di ba?" Napabuntong-hininga siya at lumiko ang nguso.
'Iyon na nga ang problema, eh. Hindi niya ako mahal. Kung alam mo lang, Carlie, marriage of convenience lang ito.'
Hindi mapakali ang dalaga sa gabing iyon dahil sa mga narinig niyang kuwento mula sa kaibigan. Dahil kaya sa anak ni Lindy si Ley kung kaya't gustong adopt-ahin ng lalaki ang bata? 'Iyon kung hindi siya ang tunay na ama ni Ley.'
Bakit parang nararamdaman niyang may humihiwa sa puso niya dahil sa rebelasyong iyon mula kay Carlie?
Kaya siguro ay ayaw nitong ibigay ang puso nito sa iba dahil sa ina ni Ley? Siguro ay mahal pa ito ni Lebrandt hanggang ngayon? At kaya ba inunahan na siya nitong wala siyang mapapalang pag-ibig mula rito sa umpisa pa lang ng proposal nito ng kasal? Why was she hurting inside?
'Dahil nga ay umiibig ka na sa kanya, shunga!' ang sagot naman ng kanyang isip at puso nang sabay.
Para siyang maririndi dahil dito. Pabalik-balik na lang kasi sa utak niya.
Inis siyang pumihit sa kanyang higaan at tinabunan ng unan ang kanyang tainga na para pang ayaw niyang makinig sa rebelasyon na iyon ng kanyang puso at isipan. Ayaw niyang mas saktan pa ang sarili.
Iyon nga lang ay wala na siyang kawala ngayon. Wala na itong atrasan. Naka-oo na siya kay Lebrandt.
'Hay, kung wala pa si Ley sa picture, hindi ako magpapakasal sa kanya kahit lahat pa ng kayamanan niya ang iaalok niya sa 'kin.'
'Kung wala naman si Ley, nunca rin naman siyang magpo-prose sa 'yo, shunga! Hindi ba ginawa niya lang 'to para magkaroon ng pamilya si Ley?'
Napabuga na lang siya ng hangin saka pabiling-biling sa kanyang kama.
***
Dumating ang araw ng kanilang kasal. Aprobado kina Nafa, Poli, at Carlie ang kanyang kasuotan.
"Ang ganda mo talaga, bruhita ka! Kaya siguro nahuhumaling si Lebrandt sa 'yo at gusto niyang pakasalan ka niya kaagad para wala nang aali-aligid sa 'yo," ang nakaismid na anang Carlie sa kanya habang inaayusan siya ng isang Samoan.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Hmm... tama na nga 'yang kaiintriga mo, Carlie. Ang galing mo talaga sa ganyan, eh."
Napatawa ito. "Siyempre naman hindi ako titigil, 'no? Ngayon pa? Ako pa naman ang Maid of Honor mo. Minsan lang itong mangyayari sa buhay nating dalawa."
Napatawa na lang siya. Subalit kinakabahan naman siya. Sigurado na ba talaga siyang magpapatali kay Lebrandt? Kunsabagay, kung gusto nitong makipag-divorce sa kanya, wala siyang magagawa dahil sa klaro naman ang usapan nilang marriage of convenience lang ang lahat sa umpisa pa lang. It was mutualism para sa kanilang dalawa. Magagawa niya ang gusto niya kasama si Ley, sa dance studio, at kahit na anong bagay na gusto niya ay mapapasakanya. At walang ibang hiniling na kapalit ang lalaki sa kanya kundi ang maging asawa siya upang magkaroon ng pamilya si Ley. Pero bakit kulang na kulang pa rin sa kanya ang kondisyon ni Lebrandt?
'Hmm... Dahil gusto mo ring mapaibig mo siya. Ang gusto mo ay kalimutan na niya sina Martina at Lindy. Ang gusto mo ikaw lang ang nasa paningin, puso't isipan niya mula ngayon dahil magiging mag-asawa na kayo.' Napahugot siya ng isang malalim na hininga.
***
Nagtungo na sila sa simbahan. Nakaabang na ang lahat ng mga taong imbitado sa kasal. At naroroon na rin si John bilang Bestman ni Lebrandt.
Lalo siyang kabado nang itinugtog ang wedding march para siya na ang maglalakad patungo sa altar. Nakita niyang nakangiti ang lahat ng mga estudyante niya habang naglalakad siya sa aisle na may red carpet patungo sa altar. Magaganda rin ang mga dekorasyon sa simbahan.
Nakita niya si Ley malapit sa altar. Napakaganda nito sa suot nito ngayong gown bilang nag-iisang flower girl. Isang malayong kamag-anak naman ni Nafa ang ring bearer na nasa tapat ni Ley.
Tumingin siya kay Lebrandt nang palapit nang palapit na siya sa lalaking naghihintay sa kanya sa may altar. Nakangiti ito nang matipid at titig na titig ito sa kanya. Nagtama ang kanilang paningin kahit sa suot niyang belo. He looked so gorgeous. She could not take her eyes off him saka nakita niyang inilahad nito ang kamay para sa kanya.
Bahagyang nanginginig ang naka-gloves na lace na kamay niyang humawak sa lalaki ngunit kumapit ito sa kanya nang mahigpit, as though to reassure her. Kahit papaano ay kumalma siya pero kumakabog pa rin ang puso niya habang nagpapatuloy ang seremonya ng kasal.
Tipikal na Catholic wedding ceremony ang nangyari ayon sa kagustuhan niya. Alam niyang kapag nalaman ito ng mga madre ay matutuwa ang mga ito para sa kanya at sa kanyang desisyon.
Everything seemed to blur. Parang napakabilis natapos ng misa at ng seremonya ng kasal at narinig na lang niya ang sinabi ng pari.
"Now, Mr. and Mrs. Lebrandt Olsen may share their first kiss in public."
Nagkaroon ng hiyawan at palakpakan kahit hindi pa hinawi ng lalaki ang belo niya. Nakita niyang nakangiti ito sa lahat ng mga bisita nila bago ito bumaling sa kanya at itinaas na ang belo. Tumitig muna ito sa kanyang mga mata at parang naging jelly bigla ang kanyang mga tuhod nang papalapit na ang mukha nito sa kanya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at naramdaman na lang niya ang pagdampi ng mga labi nito sa kanya. He gently opened her lips and kissed her deeply in front of their guests!