The Shimmy of Love

Chapter 20



Naging busy si Chantelle sa mga sumunod na linggo dahil sa paghahanda ng kasal nila ni Lebrandt. Mga papeles na kakailanganin niya, nagpatahi ng trahe de boda, at nagpagawa ng sapatos. Lahat ng iyon ay pinapabilis ang pagpagawa ayon sa request ni Lebrandt. Tapos, siya ang nag-supervise sa lahat ng mga detalye sa sariling kasal kahit na may wedding planner na kinuha ang binata para roon.

Gusto niyang hands on sa kasal. She wanted it to be perfect. Para sa sarili at para kay Ley. Alam niyang masisiyahan ang bata kapag ginawa niya ito. Ayaw pa niyang aminin na para rin kay Lebrandt itong ginagawa niya. Binalewala na lang niya ang bawat tudyo ng kanyang sariling isip sa kanya.

Ikinagagalak naman ni Carlie ang ginawa niya para sa kanyang kasal. Halos hindi ito makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Kahit siya man ay iyon din ang nadama. Ni hindi niya na-imagine ang sariling magpakasal nang ganito kabilis sa isla kung saan ay bagong salta pa lang siya. Para siyang nililo sa bilis ng lahat ng ito.

Magiging Mrs. Lebrandt Olsen na siya. At para iyong panaginip.

Hindi niya alam pero kabado rin siya kapag napapaisip nito. Hindi niya rin ma-imagine kung ano ang gagawin niya kapag asawa na siya ng tiyo ni Ley. Everything was just unexpected. Ni hindi niya mapaniwalaan ang sariling sumang-ayon siya sa proposal ni Lebrandt sa kanya. She must be out of her mind. But then again, she thought it was for Ley, whom she cared about.

'At para na rin sa sarili mo, ayaw mo lang aminin. Ipokrita ka!' anang isip niya.

"Hmm... uunahan n'yo pa talaga kami ni John, ha?" ang susog ni Carlie sa kanya minsan habang nasa sala sila ng bahay nito.

“Bagal n'yo kasi, eh," ang balik na biro niya sa kaibigan.

"So, naka-first base na ba si Lebrandt sa 'yo? Or second base?" excited itong marinig ang kanyang sagot. Bigla itong napasinghap. "O third base na?"

Napataas naman siya ng kilay rito at napatawa nang malutong.

"Anong base-base ba ang pinagsasabi mo riyan? Tigilan mo nga ako, Carlie!" sansala naman niya.

"Bakit, hindi pa ba?" mistulang na-disappoint ang kaibigan niya.

"Excuse me? Dalagang Pinay ito!" umismid na aniya.

"Hus! Hindi na uso 'yan!" Inismiran din siya ng kaibigan saka napatawa ito.

"Bakit, nakailang base na ba si John sa 'yo?" pabalik na aniya sa kaibigan.

Humagikhik naman ito at pinamulahan ng mukha.

"OMG! Ang landi mo!" natatawang aniya sa kaibigan na hinampas ito sa braso.

"Hoy! Normal lang iyong kissing and petting sa magkasintahan, ano? Abnormal ang relasyon n'yo kapag wala ang mga bagay na 'yon. At isa pa, hindi na uso 'yang chastity belt hanggang sa kasal n'yo." "Hoy, mahiya ka nga sa mga madre. Kapag narinig ka ng mga iyon."

"Wala naman sila rito, eh," ang kumibit na anang kaibigan. "Isa pa, malalaki na tayo. Hindi na tayo mga teenagers. We have a sense of responsibility now. Don't we?"

Napakagat-labi ang dalaga. Iyon na nga. They were already adults. Parang kailan lang at mga bata pa sila ni Carlie sa bahay-ampunan. Ni hindi niya talaga naisip na aabot sila sa ganito. Kung may mga magulang ba siya ay hindi ito ang magiging direksyon ng buhay niya?

'Malamang hindi. Malamang hindi ko nakilala si Carlie, si Ley... at si Lebrandt.'

Napabuga na lang siya ng hangin.

"O, naiisip mo na naman ang mga hindi mo nakilalang mga magulang, ano?" hula nito. "My friend, just go on with your own life. Dapat nasanay ka na all these years na wala sila sa tabi mo," payo ng kaibigan niya. "Kung patuloy mong iisipin ang mga walang kuwenta mong magulang, ikaw lang din ang magiging miserable. Malay mo, masaya ang mga iyon dahil wala ka sa piling mo."

"Ang harsh mo naman."

"I'm just being realistic. Kaya dapat na maging masaya ka rin sa buhay mo. You deserve it, Chantelle."

"'Di ba, iba pa rin 'yong ihahatid ako sa altar ng nanay o ng tatay ko. Iyon ang dream wedding ko, Carlie," malungkot na aniya.

"Hay, naku. Basta si Lebrandt ang lalaking pakakasal sa 'yo, dream wedding na 'yon. Iyon na iyon. Isipin mo na lang na mas masuwerte ka pa kaysa sa lahat ng mga babae rito sa Samoa dahil kahit bagong salta ka pa lang dito, mapapasaiyo na ang madulas na bachelor na iyon!" May panunudyo sa mga mata at ngiti nito. "Talaga bang lahat ng mga babae rito ay nahuhumaling sa kanya?" Ngumiwi pa siya.

"Bakit, nagseselos ka na ngayon?" taray pa ng kaibigan.

Kumibit naman siya. Hindi niya masabi.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"May isang babaeng akala namin ay gusto ni Lebrandt kaya panay ang iwas niya sa lahat. Wala na nga lang dito ang babaeng iyon."

"Huh? Bakit, sino ba 'yon?" Kahit papaano ay naku-curious siya.

"Isa sa mga mayayaman din dito sa Apia. Kaya lang malandi ang babaeng iyon. Buti nga't umalis iyon dito dahil sa isang eskandalo. Baka nadamay pa si Lebrandt kung nagkataon." "Eskandalo? Bakit? Ano bang nangyari?" Gusto niya ring malaman ang tungkol doon. Hindi pa niya narinig ang kuwentong ito.

"Ayon sa narinig kong sabi-sabi noon, nagkamabutihan sila ni Martina Jackson."

"Iyan ang pangalan ng babae?"

Tumango ang kaibigan. "Madalas silang nakikitang magkasama na dalawa, eh. Tapos, may new guy na dumating. Half French and half Irish. It was said that she turned to him whenever Lebrandt was not around. Dahil sa busy naman palagi ang Lebrandt na iyon dahil sa farm niya. Nagkataong may problema siya sa kopra ba 'yon? Basta. So, 'yon na nga. Naghahanap yata ng ibang kasiyahan si Martina kaya sumama siya sa cruise sa half-French guy na iyon. Tapos, nang bumalik siya rito, nalaman ni Lebrandt ang tungkol doon. Hindi niya kasi alam kung anong ginawa ni Martina, until he found out the truth from that half-French guy, dahil kinausap umano siya noong lalaki. Hindi ko alam kung bakit naman siya kinausap noon ng taong iyon. Baka naman siguro ay seryoso 'yon kay Martina. So, that was the end of their relationship. Wala nang nagsasalita pa tungkol doon pagkatapos niyon. Parang inilibing na lang sa limot ang lahat ng iyon." "So, posible kayang sila sana ang nagkatuluyan ni Martina kung hindi iyon ginawa ng babaeng iyon?"

"No. Hindi rin, eh. I don't think she was for Lebrandt." Umismid pa si Carlie na umiling.

"Pero sabi mo, madalas silang magkasama. Kaya baka naman!"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.