Chapter 24
"Sure. I always surf at Siamu Bay in Apia when I got time," pagpaalam ni Lebrandt kay Chantelle na halos hindi makapaniwala sa kanya.
"You're a surfer and a farmer. I think that's quite an odd combination," natatawang anito sa kanya.
Napatawa na rin lang siya. Gusto niya pang magkuwento sa babae. Gusto niya rin ito dahil sa mas lalo nilang makikilala ang isa't isa. He would do everything in his power to make this honeymoon an unforgettable one for the both of them. At gagawin niya rin ang lahat para magiging masaya ang babae sa piling niya. Isinumpa niyang magiging mabuting asawa siya kay Chantelle. Ayaw niyang magsisisi ito sa pagpapakasal sa kanya.
Naglakad pa sila sa baybayin. Kita nila ang ilang mga taong nagpapahangin doon. May ibang nakahiga kasama ang mga mahal nila sa buhay habang ang mga ilaw ng mga establisyemento sa hindi kalayuan ay nakatanglaw.
***
Dahil iisang kama lang, walang choice si Chantelle kundi ang magkatabi silang matulog ng kanyang asawa. Kabado siya nang humiga. Nasa banyo pa ang lalaki. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kanyang isipan. Katulad na lang ng nakatapis lang na tuwalya na asawa. Kita pa niya ang magandang katawan nito kanina. Grabe. Kakatulo ng laway. Unang beses pa naman niya iyong nakita at unang beses niya ring makakita ng halos hubad na lalaki. Sigurado siyang wala itong saplot sa likod ng tuwalya. Napapilig na lang siya ng ulo upang huwag mapaisip nito, lalo na sa kung "ano" ang nasa likod ng tuwalya.
Nang lumabas ang asawa, agad namang nanigas ang katawan niya. Napalunok siya at tila ina-anticipate kung ano ang maaaring mangyari. Nang umupo na ang lalaki sa kabilang bahagi ng kama ay napaupo naman siya na tila ba'y may spring siyang inupuan. Napatingin ito sa kanya nang may pagtataka.
"I thought you were already asleep," ang wika nito.
"Ah... um... I haven't called Ley today... since we got here." Inabot na niya kaagad ang telepono at dinayal ang operator ng hotel para makatawag siya sa Apia. Na-dead batt kasi siya. Hindi niya naalalang i-charge ito pagkabalik nila ni Lebrandt galing dinner. Hindi niya naisip na gamitin ang cell phone ng asawa. Pakiramdam niya kasi ay invading his privacy yaon. Kahit na mag-asawa na sila ay kailangang alalahanin niyang hindi sila tunay na mag-asawa at hindi sila close. Ni hindi nga sila magkaibigan nito.
"Chantelle!" Halos nagtitili ang bata sa kabilang linya.
Bahagya niya itong inilayo sa kanyang tainga habang pinagmamasdan lang siya ng asawa.
"Hey. How's school, Ley?" ang tanong niyang nakangiti sa telepono. "Are you doing good?"
"Oh, I'm great! I just did some normal stuff at school. Meron lang kaming mga assignments. Pero kaya ko naman. Kapag may mga tanong ako, nasasagot naman ni Manaia," bumungisngis pa ito.
"Ah, mabuti naman. Gusto mo bang kausapin ang uncle mo?" tanong niya sabay sulyap sa asawa.
"Sige, pero kuwentuhan mo muna ako kung ano'ng ginawa n'yo kanina," anang bata.
"Ah... Kumain lang sa restoran dahil kararating lang namin kanina just before dinner time. Tapos, naglakad-lakad kami sa baybayin. Tapos, pupunta raw kaming Pearl Harbor bukas at sa Diamond Head sa susunod na araw. 'Tsaka, sabi ng uncle mo, tuturuan niya akong mag-surfing. Tapos, magsho-shopping daw kami para sa mga pasalubong ninyo sa last day namin dito sa Oahu. Tapos, pupunta na kami sa Maui. Bibili rin kami ng pasalubong ninyo roon at gagala na naman kami kung saan," nakangiting kuwento pa niya sa bata.
Conscious na conscious siya sa asawang nakatitig sa kanya. Hindi na nga niya halos pinag-isipan ang mga salitang lumabas na lang basta sa kanyang bibig. Ewan na lang niya kung nag-make sense siya.
Sumulyap siya kay Lebrandt na nakikinig pa rin sa usapan nila na iniintindi ang Tagalog niya.
"So, Uncle is treating you well?" tanong ng bata.
"Oo naman! Ba't mo naman 'yan naitanong, Ley?" takang aniya.
"Wala lang. Mabuti naman at magkasundo na talaga kayo, Chantelle. Ayokong magkakahiwalay kayo, ha?" habilin ng bata.
Parang sinundot siya sa dibdib dahil dito. Napatikhim tuloy siya.
"Sino bang maysabi sa 'yong maghihiwalay kami ng uncle mo?"
"Wala naman. Naisip ko lang na baka magkakahiwalay rin kayo dahil sa 'kin."
"Ha?" Napatitig tuloy siya kay Lebrandt at napansing nakatitig pala ito sa kanya kanina pa. "Bakit naman?"
"Naisip ko lang na baka nagpakasal kayo dahil sa 'kin. Dahil naaawa kayong dalawa sa 'kin."
Hindi niya akalaing ganito ka-perceptive ang bata. Alam niyang matalino ito pero kung magsalita ito ay daig pa ang malaking tao.
"Ley, huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Gusto naming magpakasal ng uncle mo at walang kinalaman 'yon sa... sa awa sa 'yo. Pero siyempre, gusto naman namin ng uncle mo na ikaw 'yong... ano... baby namin at kami ang tatayong mga magulang mo. Ayaw mo ba no'n?" Napalihis na siya ng tingin dahil hindi na niya kayang makipagtitigan kay Lebrandt.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Talaga? Siyempre gusto kong meron din akong bagong mommy at daddy. So, ibig bang sabihin niyan, Chantelle mommy na ang itatawag ko sa 'yo at daddy naman ang itatawag ko kay Uncle Lebrandt?"
Tinabunan niya ng kanyang kamay ang mouthpiece at hinarap si Lebrandt. "She's asking if she can call me Mommy, and she'll call you Daddy," ang bulong niya sa lalaki. Ngumisi naman ito nang malapad at tumango.
"Of course! Why not?" Saka inagaw nito ang telepono mula sa kanya. "Ley, honey. Sure, you can do that."
Saka nakikinig din siya sa telepono kung kaya't halos magkadikit na ang mukha nilang dalawa ng asawa niya. Naaamoy pa niya ang aftershave at shower gel na gamit nito.
"Yay! I got a new mom and dad, Manaia!" ang narinig nilang balita ng bata sa katulong ng mga Olsen. "Oh, Manaia says I should say goodbye to you both now." "All right, Ley. Goodnight!" ang pagpaalam niya sa bata.
"Goodnight, honey! Kisses for you from us," ang pahabol pa ng asawa niya bago naputol ang linya.
Nagkatitigan sandali ang mag-asawa.
'What just happened?' tanong ni Chantelle sa sarili.