The Shimmy of Love

Chapter 17



"Fruit cocktail with beautiful designs? Red and yellow rose petals on liquid chocolate? I think the petals are edible. Try one of them. And... let's not forget the summer dresses?" Nakataas-kilay pa si Carlie. Nai-deliver ang lahat ng ito sa dance studio ni Chantelle isang hapon nang dumaan ang kaibigan doon.

Kumibit siya. "It's been like this the past few days," ang tugon niya sa kaibigan. She shrugged helplessly.

Napamaang ito at marahang napabaling ng tingin sa kanya na namilog ang mga mata. "So, totoo nga ang rumors sa plantation na nagpo-propose sa 'yo si Lebrandt? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" Pinandilatan siya nito. Napalunok naman siya habang inaayos ang ilang gamit sa studio bago siya mag-uumpisa sa kanyang session in a few minutes.

"Ah, pinag-iisipan ko pa," simpleng aniya.

Naalala niya pang hindi nga siya nakatulog noong gabing nag-propose sa kanya si Lebrandt. Para kasing panaginip lang iyon. Subalit nasa bedside table niya ang singsing at kumikislap iyon na parang nangingindat sa kanya nang matunghayan ito kinaumagahan.

"May isang araw pa akong natitira para sagutin siya." Kaswal lang ang tono niya nang sabihin ito sa kaibigan. Ayaw rin naman niyang masaktan o ma-offend ito dahil may gusto ito noon sa lalaking gusto siyang pakasalan. 'Pero mahal naman niya si John. Baka nag-o-overthink lang ako,' sa isip niya.

Hinawakan siya nito bigla sa magkabilang balikat at tiningnan sa mga mata. "Tell me. Don't you feel anything for Lebrandt at all? Kahit... kaunting crush man lang? Sabihin mo nga sa 'kin ang totoo. Nililigawan ka kasi niyang hindi mo man lang alam."

Napakurap-kurap tuloy siyang nakatingin sa kaibigan. Was he courting her this way? Habang inaantay ang sagot niyang pagpapakasal dito? Bigla siyang napalunok nang may bumara sa kanyang lalamunan na kung ano.

"Ano? H-hindi ko alam. Naiinis ako sa kanya dahil ayaw niya akong makipagkaibigan kay Ley. Tapos ngayon, inaalok niya akong magpakasal... dahil may kailangan siya."

"Good God! Are you blind? I think the man's falling for you, my friend. Ayaw mo lang aminin. Tapos, ikaw, gusto mo rin siya. Ayaw mo ring aminin 'yon. Gusto mo ba sabunutan kita at nang magising ka?" pagtataray pa ng kanyang kaibigan. "H-huh? Mali ka lang yata. 'Tsaka... ba't mo sinasabi 'yan? Hindi ka... nagseselos?" Napangiwi siya.

Napatawa nang malutong ang kaibigan niya. "Oh, is that what you're afraid of? Chantelle, I'm way over him! Siguro si Nafa, hindi pa. Pero matatanggap din niya iyon kalaunan kung nagmamahalan kayong dalawa ni Lebrandt! Sabagay, wala naman na talaga siyang pag-asa sa lalaking 'yon noon pa man."

Napakagat-labi siya saka napangiwi.

"Ano, gusto mo talaga si Lebrandt, 'di ba? Aminin mo na kasi!" kulit pa ng kanyang kaibigan na bahagya siyang niyugyog sa balikat.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Huwag mo nga akong pilitin. Sinabi kong hindi, ah!" Inirapan niya si Carlie.

Umawang ang bibig ng kaibigan niya. "Deny much?"

Umusli ang nguso niya.

"Wow! I think my calories and sugar are going up this week!" ang nakangising sabat ni Alofa habang nakatingin sa mga pagkain, lalo na sa liquid chocolate.

Ang mga estudyante niya ang pinapakain sa mga bigay ni Lebrandt sa kanya. Ang mga prutas lang ang kinakain niya. Ayaw nga niyang magka-diabetes nang wala sa oras. 'Gagong 'yon. Akala niya lahat ng babae gusto matatamis? Ang cliché niya, ah!'

Nagkangisihan naman ang mga kapwa estudyante kay Alofa. Padami nang padami ang mga ito sa dance studio niya lalo na't narinig ng mga kababaihan na inalok siya ng kasal ng most-sought bachelor sa Samoa. Walang ideya si Chantelle kung dahil ba ito sa proposal ni Lebrandt sa kanya o dahil tinulungan siya nito o dahil talagang gusto lang na makilala siya ng mga kababaihan doon at aalis din pagkaraan ng panahon.

Sabagay, hindi na rin masamang magkakaroon siya ng mga curious lang na estudyante. Malay niyang tatagal din ang mga ito?

Inalis na lang ni Carlie ang mga kamay mula sa balikat ni Chantelle saka binigyan siya ng weird look bago ito nagpaalam sa kanya.

Napaisip siya nang malalim ukol kay Lebrandt. Bakit nasabi ng kaibigan niyang gusto siya ni Lebrandt gayong 'di naman niya nakikita iyon sa lalaki? 'Di ba nga't sinabi nitong huwag siyang umasang makukuha niya ang puso nito kapag ikinasal na sila?

Napatingin siya sa mga regalo ng lalaki. Hindi ba't ginawa lang nito iyon dahil gusto nitong um-oo siya sa alok nito? Or was she really blind not to see his real intention? Na gusto talaga siya nitong pakasalan? Napapilig siya ng ulo. Hindi, hindi siya naniniwala na ganoon nga.

Marami man siyang katanungan, hindi naman niya alam kung pwede niyang itanong ang mga iyon sa lalaki mismo. Baka naman magmumukha lang siyang tanga at assuming. Isa pa, malamang dadagain siya kapag nagkaharap na sila. Kahit na hatid-sundo siya nito sa mga nakalipas na araw dahil wala naman siyang choice at baka magkaka-highblood siya kung lagi na lang siyang nakikipag-away rito, wala pa rin siyang lakas na loob para magtanong na lang ng kahit na ano sa binata.

"Okay. Let's start, ladies!" ang tawag niya sa kanyang mga estudyante na nakapaligid sa lahat ng regalo niya mula kay Lebrandt.

Nagtungo na sa kani-kanilang formation ang mga estudyante niya pagkatapos magbihis ng costume ng mga ito. Kahit matataba ang kalimitan sa mga ito ay natutuwa siyang pagmasdan ang lahat. Nagbibigay-confidence kasi ang ginagawa niya at walang discrimination sa dance studio niya. Hindi niya hahayaang magkaroon.

"All right, we'll do the belly dance isolation techniques today and proceed to staccato hip moves. So, first, the hip twist." Saka nag-demonstrate na siya para sundin ng mga ito. "Stand in the basic stance, you isolate the right hip and twist it. Or you can swivel it forward like this. Keep the hips level as you twist and put a little snap in the forward motion. Got it?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.