The Shimmy of Love

Chapter 18



Tumango ang mga estudyante ni Chantelle at sumunod sa kanyang instruction. Napangiti siya nang makuha ng mga ito iyon. Nagbilang pa siya nang ilang ulit hanggang sa nakuha na ng mga ito ang technique na iyon.

"So, the next one. Up and down hip movements. Stand in the basic stance. Then, move your right hip straight upward and downward. Move in a vertical line as much as possible. Don't twist forward, okay? Also, keep your torso still. When your right hip snaps upward, the left goes down. And vice versa. The muscles of your upper legs and lower torso will work together to push and pull the knees up and down."

Sinunod na naman ang mga ito ng kanyang mga estudyante. Medyo nahihirapan ang ilan sa mga ito ngunit patuloy siyang nagtuturo hanggang sa makuha ng lahat ang technique na iyon.

"Okay." Nagpatuloy siya sa pagde-demonstrate. "Now, follow me. This is the hip bump or the hip thrust." Natigilan siyang bigla.

Bigla na lang niyang narinig na namangha ang kanyang mga estudyante nang pumasok si Lebrandt sa dance studio. He was in a casual wear, jeans and polo shirt. Hindi ordinaryo iyon sa kalimitang slacks na suot nito o kaya ay sa pang-farm nitong get-up. Nakangiti ito sa lahat ng mga naroroon.

At pati sa kanya.

Bigla na lang niyang naramdamang tila lalabas sa kanyang dibdib ang puso niya sa kaba. Why did she feel this way whenever she set eyes on him? 'Hindi, hindi ito puwede. Siguro ay dahil may isiniksik si Carlie sa isip ko kanina. Ito lang ang dahilan.'

'Weh? Dahil nga gusto mo na siya, 'no? Dead ka na sa kanya unang kita mo pa lang sa kanya sa flea market,' kontra naman ng isang bahagi ng isipan niya. Napalunok tuloy siya. Pinilit niyang ignorahin ang nararamdaman at magpatuloy na sa kanyang session ngunit nako-conscious siya dahil nanonood ang lalaki.

'Peste 'to. Ba't ba kasi siya nanonood?'

"Isolate your lower torso. Thrust or bump your right hip straight out to the side and slightly upward. Do it to the other side. Keep your torso still and the feet flat on the floor. Concentrate on your upper leg, pelvic, and buttocks region to make your hips move," instruksyon niya.

Nakita niyang inspired ang kanyang mga estudyanteng matuto dahil nanonood si Lebrandt sa kanila. Kahit papaano ay natutuwa siya dahil sa energy ng mga estudyante niya.

Pagkatapos niyon ay nagpatugtog na siya ng isang Egyptian staccato music. Sa bawat galaw niya at ng mga estudyante ay sumasabay ang tunog ng maliliit na mga bells at coins na naka-attach sa kanilang kasuotan.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

***

Natutuwa si Lebrandt na masaksihan sa personal sa unang pagkakataon na nagtuturo ng belly dancing si Chantelle na may kasamang musika. Noong una ay puro lang counting ito at tanging ang mga maliliit na burluloy lang na suot ng mga ito sa balakang ang tumutunog sa bawat galaw ng mga ito.

He never thought she could be this attractive and desirable at this very moment.

Nagpipigil lang siya sa sarili na huwag itong lapitan at yakapin saka pupugin ng maiinit na halik sa harap ng mga estudyante nito. Nai-imagine na niyang magugulat ito kapag ginawa niya iyon.

Napasimangot siya nang bahagya nang ma-imagine din na sasampalin siya ng babae sa mukha kung gagawin niya naman iyon. Mapahiya pa siya sa harap ng mga estudyante nito. Hindi naman sa nag-alala talaga siya sa reputasyon niya pero hindi lang sa pisikal siya masasaktan kundi ang damdamin niya rin dahil rejection iyon.

Nakasandal siya sa dingding habang nakakuros ang mga braso at pinapanood ang shimmy na ginagawa ng dalaga. Parang sa paningin niya ay ito lang ang nakikita niyang sumasayaw at kasalukuyan itong sumasayaw sa harapan niya habang nang-eenganyo ang mga tingin nito sa kanya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Napalunok tuloy siya dahil sa nanunuyong lalamunan. He had never imagined such erotic things as this. Kahit pa noon sa ina ni Ley. Maybe he was just being stupid at the time, but it was entirely different now. Sabagay, kakaiba nga naman si Chantelle. Sigurado siyang wala nang makapagpapalit nito sa isip at puso niya.

Aminado na siyang nahuhulog na ang loob niya sa babae kahit noong una pa niya itong nakita sa airport. Iyon nga lang, ayaw niyang aminin sa sarili iyon. Who would fall at first sight, anyway? He believed love develops over time. And yet, here he was. It seemed that the very foundation of his belief just collapsed at his feet, and there stood this beautiful and incredible woman. Chantelle.

"So, what do you think of my proposal? Will you please say yes to me now?" ang kulit niya sa dalaga nang maiwan na lang silang dalawa sa dance studio.

Inubos na ng mga estudyante nito ang mga pagkaing regalo niya para rito. Hindi pa nakapagbihis ang dalaga dahil mas inuna nitong ayusin ang ilang mga gamit.

Napatitig sa kanya ang dalaga. Bahagya itong napatingin sa mga labi niya.

It was like the longest moment of his life. He had already anticipated this very moment.

"Okay. I'll marry you, Lebrandt," ang marahang sagot nito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.