The Shimmy of Love

Chapter 16



"Are you joking right now?" inis na ani Chantelle sa lalaki nang hindi natutuwa.

"Alright. I'll give you five days."

"Or five years!" Sinamaan niya ito ng tingin.

Sumimangot sa kanya ang lalaki.

"Or, how about this? You can ask another woman to do it your way. Won't it be better?" mapaklang dagdag niya.

"I could've asked anyone, you know that. But I chose you."

"Oh, wow! Should I feel grateful for that, Lebrandt? Thanks so much for this privilege!" sarkastikang balik niya sa lalaking ipinagdaop ang mga palad. "Huh! Akala mo yata magiging masaya ako at maglulundag sa tuwa dahil guwapo at mayaman ka? Puwes, hindi!" Tinarayan niya talaga ito.

"Why are you so difficult to talk to, Chantelle?" Tila naiinis na ang lalaki sa kanya, nakikita niya iyon. Humakbang itong papalapit sa kanya at muling nagkadaiti ang kanilang katawan.

Napaatras tuloy siya. "Because I feel the same as you do. That's why!" angil niya sa lalaki nang pasutsot.

Kinuha nito ang kamay niya at inilagay na roon sa kanyang palad ang singsing at tumalikod ito nang walang pasabi. Napatawa na lang siya nang mapakla nang maisara nito ang pinto ng studio niya. Napamangha sa ginawa nitong pag-iwan ng singsing sa kanya.

"Did you say 'yes'?" ang excited na tanong ni Alofa nang bumalik ito sa loob kasama ang kapwa mga estudyante nito. Nakita pa ng mga ito ang singsing sa kanyang palad.

Hindi siya makapaniwalang naghihintay pala sa labas ang mga babaeng ito para lang malaman ang sagot niya sa proposal ni Lebrandt.

"Um... I'm thinking about it," tugon niyang agad na kinuyom ang mga palad para itago ang singsing.

"Oh, no wonder he's so pissed off!" ang bulong pa ni Telila sa mga kasama.

"No, he didn't look pissed off," sabi pa ng isa.

"Maybe he was just disappointed," ang sabat din ng isa.

"Really? Isn't it the ring he gave you?" ang punto ni Alofa.

"Huh? No, it isn't," deny niya sa babae at itinago ang dalawang kamay sa likod.

"Don't you like Lebrandt? He's like... the most gorgeous man on the island! Everyone likes him, and it's like every woman wants him as a husband material!" ang sabi pa ni Alofa sa kanya. Tumikhim siya. "I think that's too personal. I appreciate your thoughts, ladies. Let's go home now, shall we?"

"Oh, just when I thought there's love in the air," ang usal pa ni Telila na nanghihinayang.

Napangiwi si Chantelle.

'Anong love in the air na pinagsasabi nito? Eh, feud in the air 'kamo!'

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Napabuga na lang siya ng hininga at ramdam ang singsing sa kanyang kaliwang palad. Tila naramdaman pa niya ang kamay ng lalaking humawak sa kanya para ibigay iyon. Ipinilig niya ang ulo at iwinaksi ang guwapong mukha ng lalaki mula sa kanyang isipan.

***

Hindi mapakali si Lebrandt sa kanyang higaan sa gabing iyon. Pabalik-balik sa kanyang isipan ang sagot ng dalaga. How could she not tell him straight away whether she would say yes or no to his proposition?

Iba nga talaga si Chantelle sa lahat ng mga babaeng nakilala niya. Alam niya na kung iba pa iyon, agad iyong sasagot ng oo sa kanya. Walang paligoy-ligoy at malamang walang sarkasmo mula rito.

Subalit nasa kamay na ni Chantelle ang singsing na pinili at binili niya noong isang araw. Ilang araw rin siyang hindi makatulog dahil tinimbang-timbang niyang maigi kung magpo-propose siya sa dalaga o hindi. Kaso, wala siyang mapagpipilian. Bulong ng isip at puso niyang ito ang perpektong pakakasalan kaya tinapangan na niya ang sarili kanina at pumunta sa studio nito.

Naratnan pa niyang sumasayaw ang dalaga at tila nabato-balani siya sa nakita. Napakaganda nitong tingnan at napakasuwabe ng bawat galaw ng balakang, baywang, mga braso, at ng buong katawan nito. Hindi niya mawari sa sarili pero bigla siyang napa-imagine na siya ang sinasayawan nito ng ganoon ka-sensual. Tuloy ay binangon nito ang pagnanasa sa kanyang katawan.

Napabuga siya ng hangin. Nakaunan siya sa kanyang bisig maliban sa unan niya. Para siyang matilihan sa sagot ng dalaga kanina. Sinipa-sipa niya pa ang kanyang kumot. Pero wala siyang ibang babaeng gustong pakasalan maliban kay Chantelle. Wala siyang maisip na ibang babae na ihaharap niya sa dambana maliban dito. Gusto niya ang nakikita niya sa kanyang balintataw na ito ang nakasuot ng bridal gown na naglalakad patungo sa kanya sa altar kung saan siya naghihintay. He was sure she would be the most beautiful bride in the whole world.

Bigla siyang napakapa sa sarili. Ano itong nararamdaman niya? Bakit ganito na lang siya kung makapag-imagine sa dalaga? Napalunok tuloy siya. Gusto niya ba ito?

Napamura siya sa sarili nang mapagtanto ito. Kaya naman ito pala ang naisipan niyang pakasalan kung mag-aasawa man din lang siya at wala na siyang ibang gusto kundi ito lang. Gagawin niya ang lahat para mapa-oo lang ang dalaga. 'But how? She clearly hates me.'

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Bigla siyang napabalikwas ng kanyang kama. Pinuntahan niya ang kuwarto ng bata.

"Honey, are you still awake?" katok pa niya sabay bukas ng pinto nito.

Nakita niyang kinusot ng bata ang isang mata nito.

"Uncle?" Nakaupo na ito sa kama nito.

"Sorry to bother you at this time, honey," hinging-despensa niya sa bata at umupo sa tabi nito. "I... uhm..." Tumikhim siya. "I was just wondering what Chantelle likes the most." Nakuha niya ang atensyon nito pagkarinig sa pangalan ng dalaga.

"Oh! Well... she likes a lot of stuff, Uncle," inosenteng tugon naman nito na napapaisip. "Like?"

"She likes lovely stuff, healthy stuff..."

"Like?" Parang gusto na niyang yugyugin ang bata kung ano talaga ang gusto ng dalaga. Napakurap-kurap ang batang napatitig sa kanya nang husto.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.