Chapter 13
"Well, in any case, he can't get you off his hair that easily, Chantelle. As it is, kailangan mong alagaan si Ley para sa kanya. You're already involved with him through this," lohikal na wika ni Carlie kay Chantelle. Ngumiwi siya. "Kahit sa ikli ng pagsasama namin ni Ley, napamahal na siya sa akin, Carlie. At hindi lang dahil sa naaawa ako sa kanya dahil ulila na siya. She's a sweet child. Wala naman sigurong taong hindi mapamahal sa kanya, 'di ba?" Kumibit ng balikat si Carlie. "Well, I agree with you, and the kid is smart. So, ano'ng gagawin mo pagkatapos mong alagaan ang bata sa ospital, aber? Do you still have to stay away? Or..."
"Hindi ko pa alam, Carlie. I'm sure that Ley's going to look for me afterward," sabi naman niya, problemado.
"Tama ka." Tumango ito at saka itinaas ang hintuturo. "Dahil sa tingin ko, gusto ka ng bata masyado para sa ikaiinis naman ni Lebrandt na gustong mawala ka sa landas ng pamangkin niya. Seriously, hindi ko alam kung ano ang problema niya kung magkalapit man kayo ni Ley. Maybe he doesn't want his niece to be attached to you for some reason. Kung gusto niyang umiwas sa 'yo, gawin na niya pero hayaan kayo ng bata. But... yeah, we'll see," makahulugang anito. Napataas siya ng kilay sa kaibigan ngunit hindi na siya nagtanong kung ano ang ibig nitong sabihin. Maybe she just read too much in between those lines. Kahit wala naman sanang dapat na basahin pa roon.
***
Kinabukasan ay binisita ni Chantelle ang bata dala ang pinamiling mga prutas. Sumaya si Ley nang dumating siya. Hindi niya naratnan ang tiyo nito. Buti na lang, dahil wala siya sa mood na makipag-away rito o makipagplastikan sa harap ng bata.
Umalis na si Manaia nang dumating siya para makapagpahinga naman ito umano at isang nurse lang ang sumisilip sa bata habang wala itong kasama.
"I heard you have already opened your dance studio," masayang anang bata sa kanya.
"Oo. One month na nga pero... iilan pa lang ang mga estudyante ko," turan niya at lumabi.
Humagikhik ito. "Gusto mo ba tutulungan kitang magkaroon ng maraming estudyante?" suhestiyon ng bata. "Ows? At paano mo naman gagawin 'yon, aber?" Tinaasan niya ito ng kilay at pinaningkitan ng mga mata.
"Eh, sasabihin ko sa mga kaklase ko ang tungkol sa 'yo at sa studio. Tapos, mag-e-enrol na sila roon."
Nakangiti siyang ngumuso rito. "Salamat sa tulong, ha? Pero, dapat pagaling ka muna. At pagkatapos, mag-ii-school ka na ulit. Siyanga pala, sinabihan ko na si uncle mo na ipapagawa ka ni Manaia ng baon sa school para hindi ka na bibili roon ng kahit na ano lang at hindi natin alam kung anu-ano 'yon. Hindi naman sa sinabi kong baka marumi 'yong pagkain nila o ano, pero mas mabuti na 'yong ligtas ka, 'di ba? Mas mabuti rin 'yong nakasisigurado tayo." "Pero gusto ko ring subukan 'yong ibang food doon, Chantelle. Puro kasi mukhang masarap," salungat ng bata.
Umiling siya sa bata. "Hindi kasi tayo sure na hindi mauulit 'yong nangyari sa 'yo kahapon. Kaya, magbabaon ka muna. Huwag matigas ang ulo, okay?"
Ley pouted but nodded. "Okay, Chantelle. Whatever you say."
Ngumiti siya. "Para naman sa kabutihan mo 'to, eh. 'Tsaka... para huwag nang mag-aalala sa 'yo ang Uncle Lebrandt mo, 'di ba?"
"Yeah, I know." Saka niyakap siya ng bata sa leeg.
Iyon ang nasaksihan ng tiyo nito nang pumasok ito sa pribadong kuwarto.
"How are you feeling, honey?" ang tanong nito sa bata na hinalikan ito sa noo pagkakalas kay Chantelle.
"Better, uncle. Thank you."
Tumayo si Chantelle upang lumayo sa dalawa. Sinulyapan niyang may dalang pagkain ang lalaki na galing sa isang fast food chain. Gusto niya sanang magsalita pero itinikom na lang niya ang bibig. Baka kung ano pa ang masabi niya sa harap ng bata.
"What?" he mouthed when he noticed the way she looked at the paper bag he was holding.
Tinaliman niya lang tingin ang hawak nitong pagkain na ngayon ay kinuha na ni Ley para kainin. Napairap na lang siya at hindi nagsalita. Wala na siyang nagawa dahil maganang kumain ang bata.
***
Nanatili pa ang bata nang dalawang araw sa ospital hanggang sa ma-clear na ito ng doktor. Sumama si Chantelle sa bahay ng mga Olsen para masigurong hindi muna magpapagod ang bata nang galing sa ospital. Binabasahan niya ito ng iba't ibang mga istorya mula sa ilang libro sa sariling library ng tiyo nito.
Kinagabihan, pagkatapos nilang mag-dinner nang sabay na tatlo ay agad na pinaakyat ni Lebrandt ang pamangkin sa kuwarto nito para makapagpahinga.
"Sleep tight, Ley. Bukas na lang kita bibisitahin, okay?" anang Chantelle sa bata.
"Okay!" ang masiglang sagot ng bata at nawala na ito para pumasok sa kuwarto.
"So, what do you want to talk about? I don't want to fight 'til you try, you know." Inunahan pa niya ang lalaki nang makapasok na silang dalawa sa library nito dahil may ipakiusap daw ito sa kanya.
"How much do I owe you?" ang tanong nito sa kanya, with a straight face.
Hindi agad nakasagot ang dalaga. Napamaang siya dahil sa tanong nito.
"Excuse me?" Napakurap-kurap siyang napatingin sa lalaki. "Huh!"
"Didn't you hear me the first time? I said, how much do I owe you?" His penetrating steely gaze bored into hers.
Nakapamaywang siya. "Mr. Olsen, did I tell you that you'll owe me for doing this for Ley? You can't just pay every damn thing on this Earth, you know? You should know that!" She stomped her foot to make her point.
Humugot ng malalim na hininga ang lalaki bago ito nagtanong sa kanya, "Then, how can I repay you for doing this?"