Chapter 12
Napabaling muna ng tingin si Chantelle sa tiyuhin ng bata bago niya iyon ibinalik sa pasyente. Lumapit siya sa bata para umupo sa gilid ng kama nito.
"Kumusta ka na, Ley? Narinig ko ang nangyari sa 'yo. Kawawa ka naman," ang aniya sa bata na may pag-aalala pa rin sa kanyang mukha. Hinaplos niya ang buhok nito.
"May nakain lang ako kaya sumama ang pakiramdam ko at tapos, nagsusuka na ako. Medyo okay naman na ang pakiramdam ko ngayon, eh, kaya 'wag na kayong mag-aalala ni Uncle Lebrandt," ang pahayag ng bata. "Ano ba kasi ang nakain mo? Sa school ba?" tanong niya sa bata.
Kumibit ang bata at umiling. "Di ko alam, eh. 'Di ko na matandaan dahil marami akong kinain sa araw na 'to. Tapos, may binigay sa akin 'yong kaklase ko."
Bumaling ang dalaga sa lalaki. "She doesn't know what she ate that made her sick!"
Bumuntong-hininga nang marahas ang tiyuhin nito. Alangan namang sisihin nila ang kaklase nito? Hindi nila alam kung iyon na nga ang pagkaing siyang dahilan ng pagkasakit nito.
"Ley, sa susunod huwag kang basta-basta kumakain ng kahit na ano, ha? Lalo na 'yong hindi mo alam na putahe at saka 'yong 'di mo alam na ulam lalo na kung nasa school canteen ka lang. Pinabaunan ka ba ng pagkain ni Manaia?" mahinahong sabi ni Chantelle sa bata.
Umiling ang bata. "May canteen naman kasi sa school, eh," ang paliwanag ng bata.
Binigyan niya ng matalim na tingin ang tiyuhin nito. Mamaya, she would give him a piece of her mind, pangako pa niya sa sarili.
"Um... oobserbahan ka pa raw ng doktor, kaya dito ka muna matutulog, ah? Tapos, uuwi ka na rin kaagad 'pag sinabi na ng doktor na okay na. Huwag kang mag-aalala. Aalagaan kita habang naririto ka pa sa ospital, okay?" mahinahong sabi niya sa bata at binigyan ito ng isang matipid na ngiti.
Bigla siya nitong niyakap sa leeg. "Salamat, Chantelle! I'm so happy to see you! I missed you, you know?" Kita niya ang nanunubig na mga mata nito.
Hinagod niya ang likod ng bata at saka inalalayan itong makahiga.
"You just take a rest for now, okay? Babalik din ako bukas, ha? Si Manaia na muna ang bahala sa 'yo rito. Kailangan din kasing magpahinga ng uncle mo dahil may trabaho siya sa farm, 'di ba?"
Tumango ang bata at ngumiti sa kanya. Lumabas sila ng lalaki sa kuwarto ng bata habang binabantayan ito ng katulong.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"I think Manaia has to prepare Ley's food for school from now on. I thought you knew the basics about raising a kid!" Hindi niya maiwasang huwag itong pagalitan.
After all, he wanted Ley all for himself dahil ayaw nitong makipagkaibigan siya sa pamangkin nito at ito pa ang nangyari sa bata. Sure, she had nothing to do with how he was going to raise his niece, but she could not help but care... and criticize him, dahil pareho sila ni Ley na ulila na. Alam niya kung ano ang pakiramdam ng isang batang ulila. Pero ayaw niya munang isipin ang tungkol sa sarili niya. Ley was different. May kapamilya ito, 'di tulad niya. Kailangan niya iyong ipaalala sa sarili.
"I don't think I need a lecture from you on how to raise my niece, Chantelle," matigas na pakli sa kanya ng binata. Madilim ang ekspresyon sa mukha nitong nakatitig sa kanya. His eyes looked darker than before. "Oh, right. We don't know each other!" taray pa niya sa lalaki. "Why am I even here?"
Galit na napasuklay ng kamay sa buhok ang lalaki. "Maybe I should send you home, so I can think clearly on how to deal with this problem," wika pa nito na nagtatagis.
She snorted. "Huh! Believe me. You don't have to think so clearly but just think practically. And I don't need you to take me home. I can go home on my own, thank you." Saka tinalikuran na niya ang lalaki. Pumara siya ng taxi sa labas at nagpahatid na sa address ng bahay ng kanyang kaibigan.
Inis pa rin siya sa lalaki. Kung hindi sana ito nagpabaya, hindi sana ito nangyari sa bata. Ito talaga ang sinisisi niya, kahit sa kailaliman ng kanyang lohikong isip ay nagsasabing hindi niya dapat gawin iyon. Tuloy ay nakonsensiya siya kung bakit iyon ang sinabi niya sa lalaki. Sa sarili na naman siya naiinis ngayon.
"Wala ka na sa studio nang dumaan kami ni John," ang sabi ng kanyang kaibigan nang makapasok siya ng bahay.
"Ah, ano... may... emergency lang," nawika niya.
"Ano? Bakit, may nangyari ba sa isa sa mga estudyante mo?" nag-aalala tuloy si Carlie.
Umiling siya at bumuntong-hininga. "No. It's about Ley." Napilitan siyang aminin iyon. "Na-food poison daw siya at nandoon sa ospital. Binisita ko kasama ang uncle niya." Napaawang ang mga labi ni Carlie. "Ah, kaya pala sinabi sa 'kin ni Nafa na tumawag dito si Lebrandt at tinanong ka. So, kumusta ang bata? Ayos lang ba?"
Ikinuwento na niya ang nangyari at pati na ang kanyang pagkainis sa uncle nito. Napangisi naman ang kanyang kaibigang nakakuros ang mga braso habang nakikinig.
"I don't think Lebrandt can get away from you that easily," naiiling na konklusyon nito at may panunudyo sa mga mata.
Napataas naman siya ng kilay. "Excuse me? 'Di ba't ako sana ang lalayo mula sa kanilang magtiyo dahil ayaw naman niyang makikipagkaibigan ako sa pamangkin niya?"