The Shimmy of Love

Chapter 14



"You know what? There's no point in discussing this matter with you. I'd better head back." Iniwan na ni Chantelle ang nakakainis na lalaki.

Nababanas siyang naglalakad sa mahabang private road hanggang sa sumabay sa kanya ang nakakotseng si Lebrandt.

"Get in the car, lady," ang utos nito sa kanya.

Tinaliman niya ito ng tingin. "Leai, fa'afetai (No, thank you.) I won't get in your car!" ang mariing aniya. "I might owe you," sarkastikang dagdag niya.

He snorted. "Really? Are we going to do this all night? Because I won't mind," wika nito.

Napatigil siya sa paglalakad. "You know what? You're really getting into my nerves, Lebrandt! Whatever did I do to you that was so bad? Because however I tinker my brain, I can't understand! I don't think I can ever." Naglakad siyang muli. Pansin niyang huminto ang kotse sa likuran niya. Iyon pala ay dahil hinabol siya ng lalaki at hinawakan sa kanyang braso. Medyo mahigpit ito.

"Just get in the damn car, Chantelle!" mariing sabi nito.

Sinalubong niya ng nanlilisik na tingin ang lalaki.

"I can just carry you if needed,” dagdag nito.

Wala na siyang nagawa nang pinangko nga siya nito. Napasinghap siya at napaawang ng mga labi. Halos pabalibag na isinara niya ang pinto ng kotse nito nang maiupo na siya sa passenger seat. 'Shit! Binuhat niya talaga ako!' Dama niya pa rin ang mga bisig nito. Grabe lang ang pagtibok ng puso niya.

Pinaharurot na nito ang kotse papunta sa direksyon ng bahay ni Carlie. Wala silang imikan habang nagbibiyahe. That was fine by her. Dahil ayaw niyang makipag-usap sa aroganteng lalaking ito. Biruin mo naman. Gusto pa siyang bayaran nito dahil inaalagaan niya ang pamangkin nitong tinatrato naman niyang isang kaibigan? Ano siya, mukhang pera? Ni wala siyang hiningi ni sentimo. Hindi rin siya nagpasaring. Hindi pa talaga siya nainsulto nang ganito katindi sa tanang buhay niya! Oo, mahirap lang siya pero hindi niya kailanman hinangad na magkapera sa maling paraan. Hindi siya iyong oportunista.

Bumaba siya kaagad nang walang imik at malakas na isinara ang kotse nito nang pumarada ito sa harap ng bahay ng kaibigan niya. Agad na rin siyang pumasok sa loob nang hindi man lang nagpasalamat o nagpaalam sa lalaki. Narinig naman niyang pinaharurot na nito ang kotse nang makapasok siya ng bahay.

Inis siyang napabuntong-hininga.

"You don't like him?" ang tanong ni Nafa sa kanya. Tinantiya siya nito ng tingin.

Ilang beses lang silang nagkausap nang sila lang dalawa at unang pagkakataon itong si Lebrandt ang paksa ng pag-uusap na iyon.

"Oh, I so like him, Nafa. To the point of strangling him unconscious!" inis na aniyang nakangisi sa kaibigan ni Carlie. Nakakuyom ang mga palad niya sa inis. Nagtaas-baba ang kanyang dibdib dahil dito. Napabungisngis naman si Nafa sa kanya. "You're the first woman to hate him."

"Huh! Too bad. If I could have just the sympathy of other women, then perhaps, we can murder him. Well, if it weren't a crime," inis na aniya kay Nafa na kumumpas pa saka napabagsak siya ng upo sa sofa. Napatawang naiiling ang kausap. "He's a powerful man around here. He's charming and very attractive. Why would somebody murder him?" tanong pa ni Nafa.

Napamaang siya kay Nafa. Talaga nga namang gusto ni Nafa ang taong iyon. Dapat na tandaan niya iyon.

She rolled her eyes. Saka napailing siya sa kausap.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Well, I don't see him that way, Nafa. What charms? I can't even see any. Anyway, there's no point of discussing him any further. I'm dead tired!" reklamo niya.

"Okay," ang tugon ni Nafa at tinalikuran na siya nito.

Napasunod na lang siya ng tingin sa babae nang nakataas ang mga kilay. Ewan na lang niya kung bakit inis na inis siya sa lalaking iyon na hindi naman nawawala sa isipan niya. Lalo na ang kulay-abong mga mata nitong parang makatutunaw sa kanya kung makatitig. 'Haay... Mabubuwang yata ako sa kaiisip. Kainis!'

***

Tinuturuan ni Chantelle ng shimmies ang kanyang mga estudyante.

"Okay, let's level up. I'll teach you the traveling steps, turns, and spins. All right, so... they're done this way." Nag-demonstrate na siya sa harap ng salamin at saka sumunod sa kanya ang mga estudyante niya. Napangiti siya at ini-encourage pa ang mga ito na igihan ang pagpe-perform ng bagong istilong iyon.

"Good. Spin to the right, ladies," ang instruksyon niya at gumaya sa kanya ang mga ito. "And then, spin to your left. That's it, ladies. Now, I'll show you the backbends. Like this." At nag-demonstrate siya ulit. She leaned backward pati ang ulo niya at nang bumalik siya ay biglang lumitaw sa kanyang paningin, sa repleksyon ng salamin, ang mukha ni Lebrandt na ikinagulat niya nang husto.

"Oh, shit!" nasabi pa niya at na-out balance kaya bumagsak siya sa sahig.

Napasinghap ang lahat at napalingon sa kararating lang na lalaki. Napamaang naman ang mga ito dahil kilala ng mga ito ang binata. Binigyan pa ang mga ito ng matipid na ngiti ng lalaki na parang ikinatunaw ng lahat ng anim na estudyante niya.

Napatagis naman siya ng bagang at sinamaan ng tingin ang lalaking nakatingin sa kanya nang kalmante lang. Ni wala itong ginawa para tulungan siyang tumayo o tanungin man lang kung ayos lang siya dahil ito ang dahilan ng pagbagsak niya.

'Buwisit talaga sa buhay ko ang Lebrandt na 'to!'

"Ladies, I think that's all for tonight. I'll see you all tomorrow," ang nasabi na lang niya sa mga ito pagkatayo niya.

Agad na nagbungisngisan ang mga ito patungo: dressing room para makapagbihis na. Hinarap naman niya ang lalaki at pinilit niyang balewalain ang mga mata nitong tila humahaplos sa kanyang kabuuan habang papalapit siya rito. Suot niya lang naman ang isang seksing magenta na belly dancing costume. Kitang-kita ang kanyang tiyan at likod, pati ang mga braso at hita.

"I don't think you made an appointment with me tonight for a belly dance session, Mr. Olsen," malamig na aniya sa lalaki. Her heart was racing when she was caught off guard by him like this, habang nagtuturo sa mga estudyante niya. "I've been thinking a lot lately, Chantelle," he quietly said, ignoring her snide remark, obviously.

Napataas siya ng kilay. It was not the first time he called her name, but there was something in his tone tonight that made her heart pump so hard against her chest. Kumabog talaga nang husto ang kanyang dibdib nang hindi niya maintindihan at nanunuyo ang kanyang lalamunan.

Was she attracted to this man, after all?

Siya namang paglabas ng mga estudyante niya mula sa dressing room nang magpatuloy sa pagsasalita ang lalaki nang tila sila lang dalawa, hindi alintana ang mga Samoan.

"I would like to make a marriage proposal to you. Will you marry me, Chantelle?" At saka inilabas nito ang isang halatang sobrang mamahalin at magandang singsing na may malaking diyamante. Nalaglag ang kanyang panga.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.