Chapter CHAPTER 51
Skyler's Pov
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak dito sa silid ko at hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa akin.
Pagod na pagod na ako, kung nandito lang sana ang aking mga magulang edi sana meron akong taong nasasandalan ngayong oras.
Kinukwestiyon ko ang sarili ko kung ano bang nagawa kong pagkakasala at bakit ako minamalas ng ganito katindi ngayon.
Kaya pala hindi ako hinahanap ni Alex ngayon ay dahil galit ito sa akin sa pag-aakalang totoo ang mga pinadala sa kaniya ni Thyra na larawan namin ni Ash.
Sobrang miss ko na si Alex, gusto ko na siyang mayakap at mahalikan muli, siya lang ang lalaking minahal ko ng ganito at hindi na magbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya kailanman. Napatingin ako sa pinto ng aking silid ng may kumatok mula rito.
"Skyler ako to, pwede ba akong pumasok?" tanong ni kuya Claude mula sa labas.
Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko alam kung hahayaan ko siyang pumasok at makitang ganito ang kalagayan ko.
"Skyler alam kong naririnig mo ako sana naman ay buksan mo ang pinto, kapatid mo ako Skyler at tayong dalawa na lang ang magkakampi dito kaya wag mong isipin na nag-iisa ka lang" sambit ni kuya Claude mula sa labas. Tama ang mga sinabi niya siya na lang ang taong malalapitan ko sa mga ganitong problema ko kaya dapat hindi ko siya binabalewala.
Tumayo ako at dahan dahang lumakad papunta sa pinto, binuksan ko ito at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni kuya Claude.
"Kuya!!" umiiyak na sigaw ko rito at niyakap siya.
"Shh, andito lang si kuya Skyler wag kang mag-alala" sabi nito sa akin.
"Kuya ang sakit! Sobrang sakit! Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sa akin?" tanong ko sa kaniya.
"May plano ang diyos Skyler, lahat ng bagay ay may dahilan kaya huwag ka ng umiyak diyan at isa pa hindi matutuwa si Alexander kapag ganiyan ang itsura mo" pagpapakalma nito sa akin.
"Miss ko na siya kuya, gusto ko na siyang makita" banggit ko sa kaniya.
Kumalas ito sa yakap naming dalawa at tumingin sa akin.
"Alam ko bunso kaya nga bukas na bukas din ay magtutungo tayo sa kaharian ng Monte Verde at ipapaalam na natin sa kanila ang katotohanan" nakangiting saad nito sa akin.
"Ano bang meron doon sa palasyo bukas kuya?" nag iba naman ang reaksyon ng mukha nito dahil sa tanong ko.
"Isang buwan kang nawala doon Skyler at pinagkasundo na ng mga magulang ni Alexander at Thyra na pag-isahing dibdib sila kaya bukas ay iaanunsyo na nila na malapit na silang magpakasal dahil malapit ng maging ganap na prinsipe si Alexander" nagulat naman ako sa tinuran ng aking kuya.
"Hindi ito pwede Kuya!" may diing sambit ko sa kaniya.
Hindi siya pwedeng magpakasal sa ibang tao lalo na kay Thyra dahil nandito pa ako at mahal na mahal ko siya kaya hindi ako papayag na sa iba siya ikasal.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Alam ko Skyler kaya nga isasama din natin si Ash bukas para managot na si Thyra sa lahat ng kasalanan niya sayo" sabi sa akin ni kuya.
"Pero handa na ba si Ash kuya? Baka pumalpak tayo at hindi nila tayo paniwalaan bukas" nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
"Handa na siya Skyler at siya ang pinakamatibay nating ebidensya kaya alam kong magtatagumpay tayo bukas" sagot nito sa akin.
Kitang kita ko kay kuya Claude na punong puno ito ng determinasyon at napag isip-isip ko na dapat ay tularan ko siya at manalig lang ako na magiging successful ang lahat bukas.
"Sana nga kuya magtagumpay tayo at gusto ko siyang magbayad sa lahat ng kasalanan niya sa akin" banggit ko rito.
"Oo Skyler pero ang tanong ay handa ka na ba? Handa ka na bang makita muli si Alexander?" natigilan ako at hindi agad ako nakasagot sa tanong ni kuya Claude sa akin.
Alam ko sa sarili ko na gustong gusto ko na siyang makita muli pero ang tanong handa na ba talaga ako? Paano kung hindi siya maniwala sa sasabihin namin, paano kung mas mahal niya na si Thyra kesa sa akin? Ang dami kong tanong pero kailangan ko ng ilaban to dahil mahal ko siya, sabi nga nila kapag mahal mo ang isang tao handa kang ipaglaban ito.
"Oo kuya handa na ako" puno ng determinasyong sabi ko sa kaniya.
"Mabuti kung ganun kaya wag ka ng magmukmok at mag isip ng kung anu-ano diyan dahil sigurado akong magiging masaya ka na ulit bukas" nakangiting sabi sa akin ni kuya Claude.
"Opo kuya!" magalang na sagot ko rito at sinuklian ito ng ngiti.
"Oh sige na magpahinga ka na para may lakas ka bukas matutulog na rin ako" saad sa akin ni kuya at aalis na sana ito ng hawakan ko ang kaniyang mga braso. "Kuya salamat ha" wika ko rito
Ngumiti naman ito at ginulo ang aking buhok.
"Tss, wala iyon at isa pa kapatid kita kaya gagawin ko lahat para lang sumaya ka❞ gusto kong umiyak ngayon pero pinigilan ko.
Napakaswerte ko at meron akong kapatid na katulad niya na handa akong tulungan kapag may mga problema ako.
"Ang saya ko kuya kasi dumating ka sa buhay ko, hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan sa lahat ng tulong na ginawa mo sa akin" seryosong pahayag ko rito. "Maging masaya ka lang Skyler ok na sa akin iyon pero alam ko namang magiging masaya ka lang kapag kasama mo na ulit si Alexander" banggit ni kuya na ikinatawa ko. "Sige na bunso una na ako at magpapahinga na rin para bukas" huli nitong sabi bago umalis.
Sinarado ko ang pinto at umupo ako sa kama ko.
Bukas ay sisiguraduhin kong matatapos na ang lahat ng lungkot at hirap na nangyari sa akin, simula rin bukas ay magiging masaya na lang ako lagi dahil alam kong magtatagumpay kami at babalik na ang lahat sa dati. Hintayin mo ako mahal kong prinsipe dahil parating na ako!
Sana mahal mo pa rin ako!