Chapter CHAPTER 50
Skyler's Pov
Lumipas ang isang buwan at heto narito pa rin ako sa palasyo nila kuya Claude, unti-unti na akong nasanay na tawagin siyang kuya dahil araw-araw ay pinapaalala ko sa sarili ko na magkapatid kaming dalawa.
Magaling na ako at nagpapasalamat talaga ako kay kuya Claude pati na rin sa doctor ko dahil talagang nakita ko kung gaano sila katutok sa pagpapagaling sa akin.
Ngayong buwan na ang kaarawan ni Alex at malapit na siyang maging ganap na prinsipe kaya sinasabihan ko na si kuya Claude na kailangan ko ng magpakita sa kaniya dahil gusto ko naroroon ako sa tabi niya kapag kinoronahan siya bilang isang prinsipe.
Nalulungkot ako kasi hindi man lang ako nagawang hanapin ni Alex, hindi ko man lang narinig kahit kanino dito sa palasyo na hinahanap ako ni prince Alex pero mahal ko siya kaya hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sa kaniya. Napatigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng aking silid, agad akong tumayo at binuksan ito.
"Magandang Hapon po prince Skyler pinapatawag po kayo ni prince Claude sa kaniyang opisina" sabi sa akin ng isang katulong dito sa palasyo.
"Sige po ate pakisabi susunod po ako" sagot ko at agad naman siyang umalis.
Hindi ako sanay na tinatawag bilang Prince Skyler pero si kuya Claude ang nagsabi sa kanila na tawagin ako bilang ganun, sinubukan ko namang tumutol pero sinabihan niya ako na tanawin ko na lang ito bilang pasasalamat ko sa pagligtas niya sa akin kaya wala na akong nagawa pa.
Lumabas na ako sa aking silid at agad na dumiretso sa opisina nito sa baba, di naman masiyadong malaki ang opisina ni kuya kasi madalang lang naman siya pumunta doon kapag may mahahalagang bagay lang na kailangang pag-usapan. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng opisina niya ay agad akong kumatok.
"Come in!" Sigaw ni kuya Claude mula sa loob.
Binuksan ko na ang pinto at nakita ko naman itong nakaupo habang nakapatong ang kaniyang mga kamay sa lamesa, pumasok na ako sa loob at sinarado ko ang pinto.
"Maupo ka Skyler" wika nito sa akin sabay turo sa upuang nasa harap ng lamesa niya.
"Bakit mo ako pinatawag kuya?" tanong ko rito pagkaupo ko.
"Mukhang matutupad na ang kahilingan mong magpakita na kay Alexander bago ang kaniyang kaarawan" nakangiting sambit nito sa akin.
"Pero paano kuya hindi ba hindi pa kayo tapos sa ginagawa niyong imbestigasyon sa nangyari sa akin kasi nahihirapan kayong kumuha ng mga ebidensya doon sa kaharian ng Monte Verde?" mahabang tanong ko sa kaniya
"Oo pero noon iyon Skyler dahil ngayon ay nakahanap na kami ng isang taong tetestigo sa mga nangyari sayo at ikekwento niya raw lahat ng alam niya" sabi sa akin ni kuya Claude.
"Totoo ba iyan kuya? Magandang balita nga yan pero pwede ko ba siyang makilala?" masayang tanong ko sa kaniya.
"Ang totoo niyan ay narito siya at hindi pa niya sinasabi sa akin ang nalalaman niya dahil gusto niya ay narito ka kapag sinabi niya ito" sagot sa akin ni kuya.
"Asan siya kuya? gusto ko na siyang makausap dahil gusto ko ng malaman kung ano ang totoong nangyari sa akin❞ banggit ko sa kaniya.
"Kumalma ka muna diyan Skyler papapasukin ko na siya" sabi nito sa akin, bigla nitong kinuha ang kaniyang telepono at may tinawagan ito.
"Kuya pwede niyo na po siyang papasukin dito" sabi ni kuya Claude sa kausap niya.
"Sige salamat❞ huli nitong sambit bago binaba ang telepono.
Ako naman ay napatingin agad sa pinto at inaabangan kung sino ang taong papasok mula rito, desperado na akong malaman ang totoo dahil ayoko ng magtago dito at gusto ko ng puntahan si Alexander, hindi ako sanay na malayo ako sa kaniyang tabi.
Maya maya lang ay dahan dahang bumukas ang pinto at ng tuluyan itong bumukas ay nagulat ako sa taong iniluwa nito.
"A-ash?" di makapaniwalang saad ko.
Unti-unti itong lumapit at umupo sa harapan ko, ako naman ay nagtataka pa rin kung bakit siya nandito.
"Siya nga Skyler at hindi ko rin alam kung ano ang kinalaman niya dito kaya naman Ash pwede ka ng magsimulang magkwento" sabi ni kuya Claude kay Ash.
Huminga muna ito ng malalim at tumingin sa akin.
"Skyler una sa lahat sana sakabila ng mga malalaman mo ay magawa mo pa akong mapatawad" seryosong sabi niyo sa akin.
"Ano ba to Ash? Bakit mo sinasabi ang ganiyang mga bagay?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Skyler si Thyra ang may dahilan kung bakit ka napalayas sa palasyo at kung bakit galit sayo ngayon si prince Alexander" banggit nito sa akin
"Si Thyra? Paano naman? At bakit mo nasabing galit sa akin si Alex?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
"Napansin mo bang hindi ka hinahanap ni prince Alexander ngayon? Yun ay dahil nagpadala si Thyra ng mga larawan nating dalawa na naghahalikan tayo at magkatabi tayong matulog kaya galit na galit siya sayo ngayon" nabigla naman ako sa sinabi ni Ash.
"Totoo ba ito Ash? Pero saan niya naman nakuha ang mga larawan natin eh hindi naman natin kailanman ginawa iyon" sagot ko kay Ash.
"A-ako ang dahilan Skyler" malungkot na wika nito sa akin
"Paanong ikaw Ash? Hindi ko maintindihan please naman ipaliwanag mo sa akin kasi litong-lito na ako" namumuo na ang mga luha sa mata ko dahil sa mga rebelasyon niya.
"May gusto ako kay Thyra at sinabi niya sa akin na mamahalin niya ako kapag tinulungan ko siyang mapaghiwalay kayo ni prince Alexander" natigilan naman ako sa sinabi niya.
So plano na pala ni Thyra na paghiwalayin kami ni Alex at dinamay niya pa si Ash.
"Naalala mo ba noong gabing tumambay tayo sa hardin ng palasyo? Tinanong kita kung pwede ko bang hawakan ang mga pisngi mo kaya lumapit ako sa harap ko at pumwestong parang hinahalikan kita, yun yung oras na kinuhanan tayo ni Thyra ng litrato at alam ko lahat yun" kumirot ang puso ko dahil sa sinabi ni Ash.
Hindi ako makapaniwalang magagawa nila sa akin ang lahat ng iyon!
"At noong mga gabing kumain ka sa kusina? Ako ang kumuha ng tubig mo at nilagyan ko ito ng pampatulog at nang makatulog ka ay agad kitang dinala sa silid mo at hinubaran ng damit, tumabi ako sayo at kinuhanan muli tayo ng litrato ni Thyra" dugtong pa nito.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! Hindi ko na kinakaya ang mga sinasabi niya sa akin at naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko.
"Patawad Skyler pero kasabwat ako ni Thyra sa lahat ng masamang nangyari sayo at pinagsisisihan ko na iyon❞ hindi ko napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya. "Bakit? Bakit Ash? Tinuring kitang kaibigan tapos ito lang ang isusukli mo sa akin?" umiiyak na tanong ko sa kaniya.
"Skyler pasensiya ka na talaga, nabulag lang ako sa pagmamahal ko kay Thyra kaya ko nagawa iyon" bigla itong lumuhod sa harapan ko at nagmakaawa.
"Ang sakit Ash! Hindi niyo alam kung anong paghihirap ang naranasan ko dahil sa ginawa niyo nung babaeng iyon!" sigaw ko sa kaniya
"Patawad talaga Skyler hindi ko naisip agad" napansin kong lumuluha narin ito habang nakaluhod sa harapan ko.
"Kayo rin ba ang naglagay ng kwintas sa cabinet ko kaya ako napalayas sa palasyo?" tanong ko sa kaniya.
Unti-unti itong tumango.
"Siya ang nagnakaw ng kwintas ng Reyna at inilagay niya ito sa silid mo dahil gusto niyang mapalayas ka sa palasyo at maging sa kaniya si Alexander" umiiyak na sambit nito sa akin. Kaya pala alam ni Thyra na nasa cabinet ko ang kwintas dahil siya pala ang naglagay nito sa doon.
"Patawarin mo ako Skyler hayaan mo at handa akong pagbayaran lahat ng kasalanan ko sayo" wika nito sa akin.
Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko at hindi naman kami pinakialaman ni kuya Claude at alam kong nagulat din siya sa mga rebelasyon.
"Hindi kita mapapatawad! Umalis ka dito! Ayaw kong makita ang pagmumukha mo!" sigaw ko at tinulak ko ito kaya napaupo siya sa sahig.
"Skyler kailangan pa natin si Ash para managot si Thyra sa mga ginawa niya" sambit sa akin ni kuya Claude.
Hindi ko ito pinansin at agad akong tumakbo palabas at nagkulong ako sa aking silid.