The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 49



Claude's Pov

FLASHBACK (9 YEARS AGO!)

"Yehey Birthday ng baby ko ngayon!" masayang wika ni nanay sa akin.

"Nay 11 na po ako ngayon hindi na ako baby" sabi ko at nagpout sa harap niya.

"No Claude, kahit tumanda ka na at mag-asawa ikaw pa rin ang Baby ko❞ nakangiting sambit sa akin ni nanay.

Kaarawan ko kasi ngayon at ala-una na ng hapon ngayon, nandito ako sa silid ko dahil nagbibihis pa ako ng susuotin kong damit para sa salusalo mamaya.

"Nay sabi niyo po inimbitahan niyo ang tunay kong tatay" saad ko sa kaniya.

"Oo anak, gusto ko kasi na makilala mo ang tunay mong ama habang bata ka pa" sagot niya sa akin.

"Pero nay baka po hindi niya ako tanggapin" malungkot na banggit ko rito.

"Anak wag mong isipin iyan, nagka-usap na kami ng tunay mong ama at gustong gusto ka niyang makilala dahil hindi niya nga nalaman na nagkaanak ako sa kaniya" sambit sa akin ni nanay. "Nay hindi ka po ba nagalit kay tatay kasi hindi niya tayo pinanagutan?" tanong ko sa kaniya.

"Nung una anak siyempre nagalit din ako pero napag-isipan ko na lahat ng pangyayari sa buhay natin ay may dahilan" pahayag ni nanay.

"Sa tingin mo ba kung nakilala ka ng iyong tunay na ama maaga pa lang ay makikilala mo si Albert ngayon?" dugtong pa nito.

Kahit bata ako ay nakuha ko naman ang punto ni nanay at siya rin ang nagturo sa akin na wag akong magalit sa tunay kong ama kaya nga wala talaga akong nararamdaman na kahit anong poot para dito. "Tama po kayo nay" tanging sagot ko sa kaniya.

"Ikaw talagang bata ka, oh sige na magbihis ka na para makababa na tayo at nagsisimula ng dumating ang mga bisita mo" wika sa akin ni nanay kaya pinagpatuloy ko na ang pagbibihis.

Matapos kong magbihis ay humawak ako sa kamay ni nanay at sabay kaming lumabas patungo sa baba.

Nang makarating kami sa baba ay namangha ako dahil marami ng mga bisita at yung mga kaibigan ko ay nandito na rin.

"Anak sige pumunta ka muna doon sa mga kaibigan mo alam kong gusto mo silang makalaro" napangiti naman ako sa sinabi ni nanay.

"Salamat po nay!" magiliw na sagot ko at tumungo na ako sa mga kaibigan ko.

"Kumusta kayo?" tanong ko sa kanila.

"Ok naman kami dito Claude, Happy Birthday pala sayo" sambit ni Zamuel sa akin.

"Happy Birthday Claude!" Sabay na bati sa akin nina Khalix at Alexander.

"Oh buti hindi na kayo nakabuntot sa mga magulang niyo" asar ko sa kanila.

Noong una kasi kaming magkakilala sa kaarawan ng tatay ni Khalix ay hindi kami umaalis sa tabi ng mga magulang namin dahil nga wala pa kami masiyadong alam. "Wag mo na paalala yun Claude mga bata pa tayo nun" sagot ni Alexander

"Eh bata pa rin naman tayo ngayon eh 11 yrs. old pa nga lang tayo" banggit ni Khalix

"Bahala kayo diyan basta ako Big Boy na ako" sabi sa amin ni Alexander at natawa naman kami dahil doon.

"Mukhang masaya ata ang mga babies namin ah" biglang sabat ni nanay sa usapan namin.

"Nay naman eh!" angal ko rito dahil ayaw na ayaw kong tawagin akong baby kasi tingin ko sa sarili ko malaki na ako.

"Hahahaha oo na Claude hindi na kita tatawaging baby" nakangiting sabi sa akin ni nanay at napansin ko na may kasama itong matandang lalaki na kasing edaran niya lang. "Boys pwede ko ba munang hiramin si Claude may gusto lang kasing kumausap sa kaniya" paalam ni nanay sa mga kaibigan ko.

"Ok lang po Tita kakain po muna kami dito ng Spajeti" bulol na wika ni Khalix

"Spaghetti yun hindi Spajeti!" sita sa kaniya ni Zamuel na ikinatawa naming lahat.

"Ang cute niyo para kayong mga baby" sabi ni nanay sa kanila

"Tita!" sabay sabay na angal ng mga kaibigan ko

"Oh Sorry hahahaha, tara na Claude" banggit ni nanay at umalis na kami doon.

Muli kaming tumungo sa silid ko at napansin kong nakasunod pa rin sa amin ang lalaking kasama ni nanay kanina.

Nang makapasok kami sa loob ay nakita kong pumasok rin yung lalaki kanina na hindi ko naman kilala.

"Anak diba sabi ko sayo ipapakilala na kita sa totoo mong tatay ngayon?" saad ni nanay.

"Opo" magalang na sagot ko..

"Ito si Claudio Dela Rio siya ang tunay mong Ama" wika ni nanay at tinuro ang katabi niyang lalaki.

Nabigla naman ako at nakaramdam din ako ng kaba kasi ngayon pa lang ang unang beses na makikita ko ito.

Lumuhod ito sa harapan ko at nagulat ako ng bigla ako nitong niyakap.

"Anak ko!" sabi nito habang nakayakap sa akin.

"Maiwan ko muna kayong dalawa dito para magka-usap kayo ng maayos" sabi ni nanay at nakita ko siyang lumabas ng silid ko.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Itay?" tanging sambit ko sa kaniya

Kumalas naman siya sa yakap niya at tumingin sa akin.

"Ako nga anak, hindi ako makapaniwala na kasama na kita ngayon❞ masayang banggit nito sa akin.

"Ako rin po itay at sobrang saya ko po dahil nakilala ko kayo" sagot ko sa kaniya.

"Talaga ba anak? Hindi ka ba nagalit sa akin dahil ngayon lang tayo nagkita?" tanong niya sa akin.

"Hindi po itay kasi pinaliwanag ni nanay sa akin ang lahat at sabi niya rin po sa akin na masama ang magtanim ng galit" paliwanag ko sa kaniya.

"Salamat naman anak kung ganun akala ko ay mahihirapan pa akong kausapin ka pero sa nakikita ko ay pinalaki ka ng maayos ng iyong ina, kung nandito lang sana si Skyler siguro ay matutuwa din iyon" wika niya sa akin "Sino po si Skyler Itay?" tanong ko rito.

"Si Skyler ay anak ko rin Claude" banggit niya

"Kung ganun ay may kapatid po pala ako?" tanong ko na may halong pagkamangha.

"Oo at gusto ko sanang ipangako mo na aalagaan mo ang kapatid mo kapag may nangyaring masama sa amin” nagtaka naman ako sa sinabi ni itay.

"Ho? Bakit niyo po sinasabi sa akin ang mga bagay na iyan? Aalis po ba kayo?" nagtatakang tanong ko rito.

"Hindi naman anak pero sana ipangako mo lang sa akin" pakiusap nito.

"Pangako po itay aalagaan ko po si Skyler kapag wala po kayo" sagot ko at natuwa naman siya dahil doon.

"Salamat anak, tara na at bumaba na tayo alam kong marami kang bisita ngayon" pag-aya nito sa akin at kapwa na kami lumabas patungo sa baba.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.