Chapter CHAPTER 52
Skyler's Pov
Maaga akong nagising kinabukasan dahil hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko, dumiretso ako sa banyo upang maghilamos.
Alas-diyes pa lang ng umaga ngayon at mamaya pa namang alas tres kami pupunta sa kaharian ng Monte Verde kaya marami pa akong oras para maghanda.
Nang makapag hilamos na ako ay bumaba na ako at dumiretso ako sa mahabang lamesa kung saan kami kumakain.
Nagulat pa ako dahil nadatnan kong nandoon sina kuya Claude pati na rin si Ash at may pinag-uusapan silang dalawa.
Hindi ko alam kung paano pakikitunguhan si Ash dahil sa mga ginawa niya sa akin pero siguro ay iiwasan ko na lamang siya dahil ngayon lang naman namin siya kailangan.
"Kuya ang aga naman ata niyan❞ sambit ko sa kaniya at napatingin naman silang dalawa sa akin.
Lumapit ako sa kanila at umupo ako sa tabi ni kuya Claude.
"Ah oo Skyler, pinag-uusapan kasi namin ni Ash ang mga mangyayari mamaya sinisigurado ko kasi na hindi tayo papalpak" sagot nito sa akin.
"Mabuti kung ganun kuya kasi ayaw ko rin na pumalpak tayo mamaya" sambit ko sa kaniya.
"Pero Skyler magpapapunta ba ako ng mga pulis para hulihin si Thyra at paano naman si Ash?" tanong nito sa akin.
Napatingin ako kay Ash at nakatingin lang din naman siya sa akin, hindi ko alam isasagot ko.
May pinagsamahan naman kami ni Ash kaya iniisip ko kung kaya ko ba siyang ipakulong kabila ng mga ginawa nila sa akin at si Thyra, prinsesa pa rin siya at hindi ko gustong makasira ng buhay ng isang tao. Masiyadong mabait ang puso ko para sa mga ganitong usapan kaya nalilito ako.
"Ah Skyler ok lang kung ipakulong mo kami kasi deserve naman namin iyon sa lahat ng ginawa namin sa iyong masama" sabi sa akin ni Ash.
Tumingin ako kay kuya Claude at nakatingin lang din ito sa akin na para bang hinihintay kung ano ang magiging sagot ko.
"Ah-eh kuya Claude ikaw na ang bahala sa gagawin mo sa kanila at ok lang sa akin kahit anong maging pasya mo" sambit ko kay kuya Claude. Tumango naman ito bilang pag tugon.
"Kung iyan ang gusto mo bunso" sabi ni kuya.
"Sige kuya kakain na muna ako para meron akong lakas mamaya" paalam ko sa kaniya at tumayo.
"Mabuti pa nga Skyler" tanging sagot nito.
Lumakad na ako papunta sa kusina at doon ako naghanap ng pwedeng makain, nakita kong may pagkaing nakatakip ng plato dito kaya agad ko itong binuksan.
Nakita ko naman dito ang mga ulam na niluto marahil ng mga katulong, merong Spam, Sausages, eggs at hotdog.
"Skyler pwede ka ba maka-usap?" Napabalikwas naman ako ng tayo dahil sa biglang pagsulpot ni Ash sa likod ko.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kaniya
"Bakit parang hindi ka na nagagalit sa akin ngayon katulad ng galit na ipinakita mo sa akin kagabi?" bigla niyang tanong sa akin.
"Bakit ba tinatanong mo pa? Dapat ay matuwa ka na lamang" inis na sambit ko rito.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Gusto ko lang malaman Skyler" wika nito sa akin.
"Wala ka ng pakialam doon Ash, pwede ba wag mo akong kausapin na
parang wala kang ginawa sa akin!" sigaw ko rito.
"S-sorry" paumanhin nito.
Inis ko itong tiningnan at dali dali akong umalis at umakyat sa aking silid, nawalan na ako ng ganang kumain baka mamaya na lang ako kakain kapag may gana na ako.
Mabilis na lumipas ang mga oras at hindi ko mapigilan na hindi ako kabahan dahil 2:30 na ng hapon pero nandito pa rin kami sa palasyo at hindi pa kami nakaka-alis. "Kuya baka hindi na natin maabutan yung ganap doon sa kaharian ng Monte Verde" nag-aalalang sambit ko kay kuya.
Narito kami ngayon sa opisina dahil nagkaproblema sa mga ebidensyang nakuha nila kailan lang, mga video iyon na kuha ng CCTV sa loob ng palasyo.
Hindi ko rin talaga alam na may CCTV pala sa loob ng palasyo, sinabi sa akin ni kuya Claude na meron din dito sa palasyo nila at hindi nila iyon sinasabi sa iba dahil para iyon sa seguridad nila. "Eto na naayos ko na!" masayang sambit nito at inalis na ang flash drive na naglalaman ng mga ebidensya namin.
"Ano pang hinihintay natin kuya? Tara na!" sabi ko kaya lumabas na kami papunta doon sa sasakyan na si kuya Claude mismo ang magmamaneho.
Nang makarating kami doon ay agad akong pumasok sa unahan ng kotse katabi si kuya Claude na driver habang si Ash naman ay nasa likod namin.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Iniwasan ko na lang si Ash para hindi kami magkaroon ng mga Awkward moments kasi hindi pa ako handang kausapin siya na katulad ng dati.
"Paandarin mo na kuya" wika ko kay kuya Claude.
"Eto na Skyler wag ka masiyadong excited haha" banggit nito at tumawa pa.
Hindi ko lang talaga mapigilan itong nararamdaman ko dahil makikita ko na ulit si Alex, isang buwan ko rin siyang hindi nakita at hindi biro iyon kasi sobra ko siyang namiss. Pinaandar niya na ang kotse at tinungo na namin ang kaharian ng Monte Verde.
Malayo-layo ang palasyo nila Alex mula sa kaharian nila kuya Claude kaya sinabihan ko si Kuya na bilisan ang pagpapatakbo para maabutan pa namin sila.
Lumipas ang mga oras at napansin ko na habang papalapit kami na papalapit patungo sa kaharian nila Alex ay unti-unti namang bumibigat ang daloy ng Trapiko.
"Sh*t ngayon ka pa nagkaganito❞ inis na sambit ni kuya habang nakatitig sa mga kotse sa harapan namin.
Bumagal na ang takbo namin at may mga oras na hindi na kami gumagalaw sa pwesto namin kaya naman sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon at mukhang napansin ito ni kuya. "Skyler kumalma ka lang diyan aabot tayo doon" pagpapakalma nito sa akin.
"Pero hindi ko maiwasang hindi kabahan kuya, kinakabahan ako sa mangyayari mamaya" banggit ko sa kaniya.
"Magiging ayos ang lahat Skyler kaya kumalma ka diyan at magdasal ka na lang na umandar na tayo" wika nito sa akin.
Huminga ako ng malalim at inalis ko muna ang lahat ng mga iniisip ko para Kumalma ako at sa tingin ko naging epektibo ito.
Napansin ko na unti-unting umaandar na muli ang daloy ng mga sasakyan kaya labis na tuwa ang naramdaman ko.