Chapter CHAPTER 46
Claude's Pov
Kumusta? Namiss niyo ba ako? Magpapakilala muna ako muli sa inyong lahat, ako si Claude Silvestre ang prinsipe ng Kaharian ng Silvestre. Narito ako ngayon sa kotse ko dahil papunta ako ngayon sa Kaharian ng Monte Verde at gusto kong makita si Skyler upang makamusta. Matagal rin akong hindi nakapunta sa kanila dahil may inasikaso pa akong makakatulong sa aming dalawa ni Skyler.
Hindi ako tunay na anak ng kinikilala kong Ama ngayon na si Albert Silvestre, Ako ay anak ni Claudio Dela Rio pero sa ibang babae.
Tama kayo kapatid ko si Skyler sa Ama, nang una kong makita si Skyler ay alam kong siya na ang tinutukoy ng tunay kong Ama dati noong una kaming magkita.
Pero kailangan kong makasiguro kaya pina-imbestigahan ko si Skyler at nito ko lang nalaman na totoo nga ang hula ko na siya ang kapatid ko sa Ama.
Ang nanay ko ay si Evelyn Silvestre at ang kwento sa akin ng nanay ko noon daw ay hindi siya pinayagan ng mga magulang ng totoo kong tatay na sabihing buntis ito at si Claudio ang ama kaya walang nagawa si nanay at lumayas siya sa kaharian na yun at napadpad siya dito sa Kaharian ng Silvestre kung saan napangasawa niya ang hari ngayon na si Albert Silvestre.
Simula pagkabata ko ay alam ko ng hindi ko tunay na ama ang kasama ko dahil sinabi naman agad sa akin iyon ni nanay pero masaya ako dahil tinuring ako nitong totoo niyang anak.
Doon kami tumuloy sa Palasyo at naging maganda naman ang paninirahan namin doon hanggang sa dumaan ang mga taon at unti-unti na akong nagkakaroon ng isip.
Nang tumuntong ako sa ikalabing isa kong kaarawan ay doon ko nakilala ang tunay kong ama na si Claudio Dela Rio at nung mga panahon na pala na iyon ay alam niya na ako ay anak niya. "Kawawa naman yung binubugbog nila" napatigil ako sa pagbabalik tanaw ng magsalita ang driver ko.
Narito na pala kami sa harapan ng palasyo nila Alexander, napatingin naman ako sa sinasabi ng driver ko at totoo nga dahil pinagtutulungan ng dalawang kawal ang isang lalaki na bugbugin.
Pero habang tinititigan ko ang nakahandusay na lalaki ay unti-unti ko itong namukhaan, Si Skyler!!
Biglang kumirot ang puso ko at nakaramdam ako ng galit dahil sinaktan nila ang kapatid ko, pinatigil ko ang sasakyan at agad akong lumabas para pigilan sila.
"Itigil niyo yan!" Matigas na saad ko at napatingin naman sa akin ang dalawang kawal.
"Kayo po pala prinsipe Claude" sabi ng isang kawal
"Bakit niyo binubugbog ang lalaking iyan? Sigurado akong magagalit ng husto si Alexander kapag nalaman niya to" sambit ko sa dalawang kawal.
"Napag-utusan lamang po kami ng Reyna prince Claude" sagot ng kawal.
"Ng Reyna?" takang tanong ko
"Opo prince Claude dahil ninakawan niya po ng kwintas ang Reyna" hindi naman ako nakasagot dahil sa sinabi ng kawal, alam ko sa sarili ko na hindi ito magagawa ng kapatid ko dahil mabait itong tao. Kahit saglit ko pa lang siyang nakakasama ay ramdam na ramdam ko na maganda ang pagpapalaki sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya lumaki siyang mabuting tao.
"Paumanhin po prince Claude pero ilalabas na po namin siya sa kaharian dahil utos ng Reyna na huwag na itong pabalikin pa dito" sabi sa akin ng kawal
"Hindi pwede, ako na ang bahala sa kaniya at isa pa tingnan niyo ang lagay niya! Hindi na siya gumagalaw pa kaya umalis kayong dalawa diyan" may diing sabi ko sa mga kawal at wala naman silang nagawa kundi ang tumabi. Lumuhod ako at hinawakan ang mukha ni Sky at mahina ko itong tinapik para gumising.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Skyler! Gumising ka!" malungkot na sigaw ko
Hindi ko kaya na makita ang sarili kong kapatid na ganto ang lagay niya, hindi man ako sigurado sa nangyari pero mananagot sa akin ang may pakana nitong paghihirap niya. Dali-dali kong binuhat ang katawan ni Skyler at sinakay ito sa kotse ko.
"Kuya umalis na tayo at idiretso mo kami sa pinakamalapit na Hospital dito" mabilis na sabi ko sa driver ko pagkasakay namin sa loob.
"Sige po mahal na prinsipe" sagot nito.
Please lumaban ka Skyler, marami pa tayong pagsasamahan hindi mo pa nga ako nakikilala bilang kuya mo eh.
May luhang namumuo sa mga mata ko pero pinipigilan ko ito dahil kailangan kong maging matapang para kay Skyler.
Mabilis kaming nakarating sa pinakamalapit na Hospital at agad siyang inasikaso ng mga doctor at nurses dahil sa akin.
"Mahal na prinsipe pasensya na po pero hanggang dito na lamang po kayo" sabi sa akin ng isang nurse at agad niyang sinarado ang emergency room.
Kinakabahan ako baka kung anong mangyari kay Skyler, ipinangako ko pa naman sa aking tunay na ama na aalagan ko si Skyler kapag nakita ko ito at ipaparamdam ko sa kaniya ang pagmamahal ng isang kuya. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa kaniya pero sana lumaban si Skyler dahil alam kong hinihintay din siya ni Alexander.
Alam kong wala si Alexander sa palasyo dahil kasama nito si Khalix sa isang pagpupulong na ginanap sa ibang bansa at kapag nandito sana si Alexander ay alam kong hindi mangyayari ito kay Skyler.
Mga ilang oras pa akong naghintay sa labas ng emergency room hanggang sa lumabas na ang doctor kaya agad akong lumapit dito.
"Doc kamusta po ang kapatid ko? Ayos lang ba siya?" tarantang tanong ko sa kaniya.
"Kumalma na po kayo prince Claude dahil malugod ko pong sasabihin sa inyo na maayos na ang lagay ng pasyente pero nagtamo ito ng mga pasa at kailangan niya po talagang magpagaling" paliwanag sa akin ng doctor. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
"Pwede ko ba siya makita?" tanong ko.
"Yes prince Claude pwede na po pero huwag niyo po muna sanang yakapin o hawakan ang pasyente dahil marami siyang pasa sa katawan" paalala sa akin ng doctor at tinanguan ko ito bilang pag tugon. Pumasok ako sa loob ng emergency room at nakita ko si Skyler na nakahiga at medyo maayos na ang itsura nito kumpara kanina.
Pero lumalabas ang galit ko kapag nakikita ko ang mga pasa niya sa katawan, hindi ako makapaniwalang mangyayari ito sa kaniya.
Lumapit ako rito at kitang kita ko sa mukha niyang natutulog ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
"Bukas na bukas din Skyler ay ilalayo na kita dito at hindi na kita hahayaan pang masaktan kahit kailan❞ sambit ko kay Skyler.
Bilang isang Kuya ay masakit na makita ko siyang nasa ganitong kalagayan kaya dapat gumawa ako ng paraan para hindi na siya maghirap pa tutal ay isa rin naman siyang prinsipe.