Chapter CHAPTER 47
Claude's Pov
Tatlong araw na ang nakalipas at nandito na ako at si Skyler sa kaharian namin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising.
Sabi ng doctor ay hintayin na lang daw namin ito gumising kasi pagod na pagod daw ang katawan nito at bumabawi pa ito ng lakas.
Sa loob ng tatlong araw ay wala akong inatupag kundi ang mamalagi dito sa loob ng kwarto ni Skyler sa palasyo namin dahil hinihintay ko itong magising. Mabuti ay pumayag ang mga magulang ko na dito ko muna patuluyin si Skyler tutal ay kapatid ko naman raw ito sa Ama.
"Anak ayos ka lang ba wala ka bang kailangan?" tanong sa akin ni nanay, nakaupo ako rito sa tabi ng kama ni Skyler at nakatitig lang ako sa kaniya.
"Wala po nay, sige po pwede niyo na ako dito iwang mag-isa at ako na lamang po ang magbabantay sa kaniya" sagot ko sa kaniya.
"Sigurado ka ba anak baka kailangan mong magpahinga?" wika nito sa akin.
"Opo sigurado po ako nay ok lang po ako dito" sambit ko at lumabas na siya sa silid na ito.
Kahit na tutok ako kakabantay kay Skyler ay sinisigurado ko pa rin na hindi ko mapapabayaan ang sarili ko at natutulog din naman ako kapag inaantok ako.
"Skyler gumising ka na please" mahina kong sambit sa kaniya at hinaplos ko ang mukha nito.
Sana sa mga oras na ito ay naririnig niya ako at gumising na talaga siya.
"Gumising ka na kapatid ko❞ muli kong sambit pero mukhang wala talaga kaya naupo muli ako at pinagmasdan na lang siya.
Nagulat naman ako ng biglang gumalaw ang kamay nito pero dahan dahan lang, agad kong tiningnan ang kaniyang mukha at unti-unti ng dumidilat ang kaniyang mga mata.
Napatayo ako at sa pagdilat niya ay halata sa kaniyang mukha ang pagtataka marahil nagtataka siya kung nasaan siya at bakit ako nasa harapan niya.
"P-prince Claude?" utal na sabi nito.
"Ako nga Skyler sandali lang at papapuntahin ko dito ang doctor para matingnan ang kalagayan mo" sabi ko at kinuha ko ang cellphone ko at agad na dinial ang number ng doctor.
Nang matapos ko itong tawagan ay sinabi nitong papunta na siya kaya tiningnan ko na muli si Skyler, nakita ko naman itong sinusubukang umupo kaya agad akong lumapit dito. "A-aray" pag daing ni Skyler.
"Dahan dahan lang hindi pa magaling ang mga pasa mo" sabi ko sa kaniya at tinulungan ko itong umupo.
Isinandal niya ang likod niya sa mga unan para hindi siya mahirapan sa pag-upo.
"Asan ako?" tanong ni Skyler
"Nandito ka sa Kaharian namin" sagot ko sa kaniya at nagulat naman ito.
"Anong ginagawa ko rito?" tanong muli nito
"Nakita kita sa labas ng palasyo nila Alexander na binubugbog ng mga kawal kaya iniligtas kita at dinala dito" wika ko
"Ikaw pala ang nagligtas sa akin" sabi nito sa akin at tila ba may panghihinayang
"Bakit akala mo ba si Alexander?" napatingin naman ito sa akin dahil sa sinabi ko.
"Oo pero salamat ha kasi niligtas mo ako" nakangiting saad nito sa akin.
"Siyempre gagawin ko yun kasi kapatid kita eh" kita ko ang pagtataka sa mukha niya dahil sa sinambit ko.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Sasabihin ko na agad sa kaniya kung ano ba talaga kami para hindi na ako mahirapan pang itago.
"K-kapatid?" naguguluhang tanong nito.
"Uhm Skyler wag ka sanang magugulat pero Magkapatid tayo" diretsong sambit ko
"Hahaha huwag mo nga akong biruin ng ganiyan prince Claude hindi nakakatawa" sagot nito sa akin
"Hindi kita binibiro Skyler" seryoso kong sabi dito.
Kinuha ko ang brown envelope na nasa gilid niya at inilabas mula rito ang papeles na naglalaman ng DNA test naming dalawa, inabot ko ito sa kaniya at seryoso niya itong binasa. "Ako ay anak ng iyong ama sa ibang babae at ayan ang DNA test natin na pinagawa ko at makikita mo diyan na magkapatid talaga tayo" litanya ko kay Skyler.
"Totoo ba ang mga ito?" di makapaniwalang tanong sa akin ni Skyler
"Totoo lahat iyan Skyler, kung napansin mong hindi ako masiyadong nagpupunta sa palasyo ng mga Monte Verde ay dahil inaasikaso ko ang mga bagay na ito" paliwanag ko sa kaniya. "Hindi ako makapaniwala na kapatid pala kita" manghang wika nito sa akin.
"Noong una kong makita ang mga mata mo ay namukhaan ko na agad sayo ang iyong Ina dahil parehas kayong berde ang mga mata" sambit ko sa kaniya.
"Naniniwala ka na bang ako ay tunay mong kapatid?" dugtong ko pa
Nakita ko naman na napatingin muli ito sa hawak niyang papel bago tumingin sa akin. "Kuya!" nakangiting banggit nito at hindi ko naman napigilang yakapin siya dahil doon.
"Masaya ako dahil tanggap mo ako Skyler" masayang wika ko rito.
"Paano naman kita hindi tatanggapin eh kuya kita, akala ko ako na lang talaga mag-isa sa mundong ito pero natuwa ako ng malamang may kapatid pa palang natitira sa akin" sagot ni Skyler sa akin. "Hayaan mo Skyler hindi kita pababayaan at pagbabayarin natin ang may gawa nito sayo" napansin ko namang hindi nakasagot si Skyler sa sinabi ko kaya kumalas ako ng yakap at tiningnan ito. "Kuya hindi ko kayang pagnakawan ang Reyna" nagulat naman ako sa biglang pagluha ni Skyler.
"Shh tahan na alam ko naman hindi mo magagawa iyon" pagpapakalma ko sa kaniya.
"Kuya gusto kong malaman kung sino ang nagplano nitong lahat, gusto kong panagutan niya ang mga nangyari sa akin" sabi sa akin ni Sky.
"Ako ang bahala Skyler papaimbestigahan ko ang mga nangyari sa iyo pero sa ngayon ay kailangan mo munang magpahinga at pagalingin muna natin ang mga sugat mo" banggit ko sa kaniya. "Paano si Alexander kuya? Sigurado akong hahanapin niya ako" tanong nito sa akin.
"Patawad Skyler pero hindi mo muna siya pwedeng makita hanggat hindi pa tapos ang pag-iimbestiga natin sa nangyari sayo" sambit ko sa kaniya.
"Pero kuya hahanapin niya ako" sagot nito sa akin.
"Sa tingin mo ba matutuwa siya kapag nakitang ganiyan ang kalagayan mo? Magpagaling ka muna Skyler bago mo siya makita" may diing sabi ko sa kaniya.
"Sorry kuya pero tama ka nga kailangan ko munang bumawi ng lakas at magpagaling para sa muling pagkikita namin ay may sapat na lakas na ako" buti naman at pumayag na ito sa gusto ko.
Kapag kasi nalaman ni Alexander na nasa akin si Skyler ay alam kong kukunin nito siya sa akin at ayaw kong mangyari iyon dahil ngayon pa lang kami nagkakasama at ayaw ko muna siyang mawalay sa tabi ko. "Pero Kuya pwede mo ba munang ikwento sa akin ang pagkikita niyo ng mga magulang ko at kung paano ka talaga kita naging kapatid?" paki-usap sa akin ni Skyler.
"Oo naman pero huwag kang mababagot dahil mahaba itong kwento ko❞ nakangiti kong sambit sa kaniya na ikinatawa niya lang.
Umupo na ako sa tabi nito at sinimulang magkwento ng mga pangyayari sa buhay ko.