The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 45



Ash's Pov

Bago pa man tuluyang bumagsak si Skyler ay agad ko itong sinalo, pasensiya ka na Skyler kung nagawa ko ito sayo pero kailangan ko lang talaga kasi.

Nilagyan ko ng pampatulog ang ininom na tubig kanina ni Skyler kaya natagalan ako sa pagkuha nito, hindi ko naman ito ginusto pero ito na lang talaga ang paraan para mahalin din ako ni Thyra.

Simula ng napanood ko si Thyra sa TV noong ipinakilala siya ng kaniyang ama bilang kaniyang anak ay nahumaling na ako dito at alam ko sa sarili ko na lahat ng bagay ay gagawin ko para lang mapasaakin siya.

Kahit na alam kong napakalabong magustuhan ng isang prinsesa ang katulad kong isang katulong lamang sa palasyo, siguro ganito talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao yung mga bagay na akala kong hindi ko magagawa ay nagagawa ko na.

Binuhat ko si Skyler patungo sa kaniyang silid kung saan nag-aantay doon si Thyra at isasagawa na namin ang kaniyang mga plano para mapaghiwalay si Skyler at Alexander.

Nang makarating kami sa silid ay agad kong inihiga ang walang malay na si Skyler.

"Very good Ash ngayon hubaran mo na siya" agad na sabi sa akin ni Thyra.

"Teka kailangan pa ba yun? bakit hindi mo na lang kami picturan ng magkatabi?" tanong ko rito.

"Kailangan yun Ash para maging totoo at magalit talaga sa kaniya si Alexander kaya ano pang hinihintay mo? Hubaran mo na siya at maghubad ka na rin ng pang-itaas" mahabang litanya ni Thyra.

Para naman akong aso na sumunod sa utos ni Thyra, dahan dahan kong hinubad ang pang-itaas ni Skyler at ng matapos ko iyon ay naghubad na rin ako ng damit ko.

"Nice, now humiga ka na rin doon sa tabi niya at yakapin mo siya" utos muli ni Thyra.

Wala na akong nagawa dahil inutos ito ng taong mahal ko, umaasa ako na pagkatapos nitong lahat ay magustuhan rin ako ni Thyra.

Nang tumabi na ako kay Skyler ay agad kaming kinuhaan ng litrato ni Thyra gamit ang cellphone ni Skyler na ninakaw niya.

Nagpanggap pa akong tinutulungan ko si Skyler na maghanap ng cellphone niya eh ang totoo naman ay alam kong si Thyra ang kumuha nito.

Nang matapos na ang lahat ay agad akong tumayo at isinuot ko ng muli ang aking damit.

"Ok na wala na akong kailangan sayo" sabi sa akin ni Thyra.

"Ibig ba sabihin nito Tayo na?" tanong ko.

"Eww No! Kailanman hindi magiging tayo" parang sinaksak naman ang puso ko dahil sa mga narinig ko.

"Pero ang sabi mo bibigyan mo ako ng chance kapag sinunod ko ang lahat ng mga utos mo?" wika ko rito

"Hahahaha inisip mo talagang gagawin ko yun? Uto-uto ka talaga pero salamat sa lahat ng effort mo ha, Bye!" saad ni Thyra at lumabas na sa silid ni Skyler.

Naiwan naman ako ditong nakatulala at ang daming pumapasok sa isip ko, nagsisisi ako na nagagalit sa sarili ko dahil nagpaloko ako sa babaeng iyon! Dinamay ko pa sa si Skyler na wala namang ginagawang masama sa akin.

Arghhh! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!!

*****

Skyler's Pov

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at agad na sumalubong sa akin ang sinag ng araw.

Umaga na pala pero wala akong maalala sa nangyari kagabi, ang huli ko na lang natatandaan ay ang pag-uusap namin ni Ash at maliban doon ay wala na.

Nagtaka naman ako kasi bakit ako nandito sa silid ko eh sa silid ni prince Alex ako lagi natutulog.

Ipinagsawalang bahala ko na ito kasi wala nga akong maalala sa mga kaganapan kagabi kaya bahala na.

Tumayo ako upang pumunta sa banyo pero bago ako makapasok doon ay may nakita akong papel sa lamesa ko at mukhang may sulat na nakalagay dito, kinuha ko ang papel at may sulat nga ito. Nagtaka naman ako ng mabasa ito dahil ang tanging nakalagay dito ay (I'M SORRY) at galing ito kay Ash, ano bang nangyayari sa lalaking iyon? Hays bahala na nga, siguro kakausapin ko na lang siya pagkababa ko. Pumasok ako sa banyo at naligo na rin ako para tuloy tuloy ang trabaho ko mamaya dito sa palasyo.

Pagkatapos kong magbihis ay lalabas na sana ako para tumulong sa mga gawain sa palasyo pero nagulat ako ng biglang pumasok si Thyra, Ang Reyna at ang Hari.

"So gising na pala ang magnanakaw" nagtaka naman ako sa sinabi ni Thyra at nakatingin ito sa akin.

"Magandang umaga po Hari at Reyna, ano pong dahilan at napadpad po kayo dito sa aking silid?" magalang na tanong ko sa kanila.

"Ang kapal din ng mukha mo no at nagawa mo pang mag maang-maangan diyan!" nabigla ako sa binanggit sa akin ng Reyna.

"Ho? Hindi ko po kayo maintindihan" ang tanging naisagot ko sa kaniya.

"Pwes hayaan mo akong ipaintindi sayo" sabi ni Thyra at dali dali siyang lumapit sa cabinet na lagayan ko ng mga damit.

Bigla niyang pinagtatapon ang mga damit ko hanggang sa wala ng matira at nagulat naman ako ng makita doon ang nawawalang kwintas ng Reyna.

"Ngayon naiintindihan mo na ba?" tanong sa akin ni Thyra at lumapit muli sa tabi ng Reyna.

"Pa-paano napunta iyan diyan?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi ako makapaniwala Skyler na ikaw pa mismo ang magnanakaw ng kwintas ko, mukhang mali si Alexander na minahal ka niya!" nagulat naman ako ng bigla ako nitong sinampal.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko dahil hindi pa ako nasasampal ng kahit na sino at nalulungkot ako dahil ang Reyna pa mismo ang sumampal sa akin.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"M-mahal na Reyna hindi ko po talaga alam kung paano napunta iyan sa cabinet ko, please po sana po ay maniwala kayo sa akin" umiiyak na sabi ko sa Reyna.

"At sa tingin mo maniniwala pa siya sayo magnanakaw" mataray na sambit ni Thyra pero hindi ko ito pinansin.

"Pinagkatiwalaan ka namin Skyler, kinupkop ka pa namin dito sa palasyo tapos ito lang ang igaganti mo sa amin?" saad ng Reyna.

"Hindi po ako ang nagnakaw niyan mahal na Reyna please po sana po ay paniwalaan niyo ako" umiiyak na wika ko at lumuhod sa harap nito.

"Hindi ko kayang makasama dito sa palasyo ang isang magnanakaw na tulad mo kaya lumayas ka na dito!" parang tinutusok naman ang puso ko sa sinabi ng Reyna. "Amalia hindi ba sobra na ata ito? Pag-usapan na lang muna natin ito" rinig kong banggit ng Hari.

"Kulang pa ito Lisandro hindi natin alam baka marami na iyang nanakaw dito sa palasyo❞ may diing sagot ng Reyna at wala namang nagawa ang hari kundi ang panoorin ako. "Ma-mahal na Reyna huwag po please, huwag niyo po akong paalisin dito sa palasyo" pagmamakaawa ko sa Reyna.

"Mga kawal! Paalisin niyo dito sa kaharian ko ang magnanakaw na ito at siguraduhin niyong hindi na siya makakabalik pa❞ napahagulgol naman ako dahil sa sinambit ng reyna. "Hindi ko po magagawa iyan mahal na reyna, hindi ko po kayang pagnakawan kayo" wika ko.

"Nagawa mo na Skyler kaya tanggapin mo na lang" nakangising sabi ni princess Thyra.

Kinuha na ako ng mga kawal at nagpupumiglas ako pero mas malalakas sila kaya wala din akong nagawa.

"Mahal na Reyna, Mahal na Hari hindi ko po iyon magagawa, huwag niyo po akong palayasin dito!" sigaw ko pero hindi man lang nila ako nilingon.

Patuloy akong hinila ng mga kawal hanggang sa makarating kami sa labas ng palasyo.

"Pakawalan niyo ako!" pagpupumiglas ko sa mga kawal

"Manahimik ka diyan magnanakaw!" sabi ng isang kawal at binigyan ako ng isang sapak sa katawan.

Labis na sakit ang naramdaman ko kaya napayuko na ako at pinagpatuloy pa ng ibang mga kawal na bugbugin ako.

Sa sobrang daming tadyak at suntok ang natamo ko sa kanila ay unti-unti na akong namanhid, unti-unti na ring nagdidilim ang aking paningin.

"Wala akong kasalanan!" mahinang sigaw ko.

Hinihiling ko na lang sa mga oras na ito na dumating si prince Alex at iligtas ako pero alam kong malabong mangyari iyon.

Sinapak muli ako ng isang kawal sa mukha at doon na ako unti-unting nilalamon ng dilim.

Napahiga na ako at sobrang labo na ng mga paningin ko nalalasahan ko na rin ang sarili kong mga dugo.

Naaninag ko na may humintong kulay itim na sasakyan sa harap ko at may lalaking bumaba mula rito.

"Prince Alex!" mahinang sambit ko at umaasang siya nga iyon.

"Itigil niyo yan!" huli kong narinig bago ako lamunin ng dilim.

Alexander's Pov

Hindi ako masiyadong nakatulog ng dalawang araw na pamamalagi ko dito at napansin iyon ni Khalix kaya pinipilit niya ako lagi na kumalma lang daw ako pero paano ako kakalma matapos kong makita ang mga larawan na iyon. May tiwala ako kay Sky kaya medyo hindi ako naniniwala sa larawang iyon pero kasi sa number niya mismo galing ang litrato na iyon kaya litong-lito na talaga ako.

"Pre kumain ka muna, dinalhan na lang kita dito kasi ayaw mo namang sumama sa akin sa baba" naputol naman ang pag-iisip ko ng magsalita si Khalix.

Gabi na dito ngayon at pangatlong araw na namin sa bansang ito pero ngayon palang ay gustong gusto ko ng umuwi para maka-usap ko si Sky at malaman ang totoo.

"Wala akong gana" sabi ko at tumingin sa cellphone ko kung saan naroon ang litrato na sinend sa akin ni Sky, mukhang totoo ang mga ito.

"Kumain ka muna pre at isa pa naniniwala ka ba diyan sa litrato na yan eh sa pagkakaalam ko hindi kayang gawin sayo ni Skyler yan" sambit sa akin ni Khalix. "Hindi ko na alam gagawin ko pre gusto ko ng umuwi para maka-usap siya pakiramdam ko kasi may hindi magandang nangyayari doon" sagot ko kay Khalix.

"Hindi pa tayo pwedeng umuwi Alexander siguro ay maghintay na lang muna tayo hanggang matapos ang pagpupulong na ito" wika niya sa akin.

Hindi ko siya sinagot, actually pwede naman akong umuwi pag gusto ko pero ayaw ko lang naman iwan dito si Khalix at kailangan muna naming tapusin ang pagpupulong para maka-uwi kami.

Tumayo at pupunta na sana ako sa pagkain na dinala ni Khalix dahil nagugutom na rin kasi ako kaya kakain muna ako pero pagtayo ko ay agad na tumunog ang cellphone ko kaya agad akong napatingin dito.

Isa na namang text message ito at galing muli ito kay Sky, bigla na naman akong kinabahan at hindi ko ba alam kung bubuksan ko ba ito o hindi pero hindi ko malalaman kung hindi ko bubuksan.

Unti-unti kong pinindot ito at hindi ko kinaya ang nakita ko, nakaramdam ako ng galit at pagkalungkot dahil sa litratong nakita ko.

Larawan muli iyon ni Sky at Ash pero ngayon ay magkatabi silang natutulog habang nakahubad, iisa lang ang pumasok sa isipan ko ngayon. KAILANGAN KO NG UMUWI!!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.