Chapter CHAPTER 44
Thyra's Pov
"Pinatawag mo raw ako" sabi sa akin ni Ash pagkapasok niya sa silid ko.
"Oo dahil kailangan mo ng gawin ngayong gabi ang huli nating plano at siguraduhin mong magtatagumpay ka❞ wika ko rito.
Tama kayo si Ash ang katawagan ko nung nakaraan at siya ang lalaking patay na patay sa akin at kita niyo nga naman na lahat ng ipinagawa ko sa kaniya ay sinunod naman niya masiyado siyang uto-uto. "Itigil na kaya natin to Thyra? Sagutin mo na lang ako at hayaan na natin sila maging masaya" nagpintig naman ang tainga ko sa sinabi nito.
"Itigil? Hindi pwede Ash nasa huling bahagi na tayo ng mga plano ko at hindi sila pwede maging masaya!" sagot ko kay Ash.
"Bakit mo ba to ginagawa Thyra?" tanong ni Ash.
"Dahil mahal ko si Alexander! Hindi pwedeng maagaw sa akin ng baklang iyon ang lalaking para sa akin" may diing sambit ko sa kaniya.
"Paano naman ako Thyra? Mahal kita pero paano naman magiging tayo?" sabi nito at tila malungkot siya pero wala akong paki sa kaniya dahil si Alexander ang mahal ko.
"Malalaman natin ang sagot diyan Ash kapag nagawa mo na ang huli kong ipinapagawa sayo" nakangiti kong sambit at hinawakan ito sa dibdib.
"Si-sigurado ka ba diyan Thyra?" Tanong niya sa akin.
"Oo naman baby Ash kaya ano pang hinihintay mo? Maghanda ka na at gawin ang huling plano" nang-aakit na wika ko rito at hinalikan siya sa pisngi.
Agad naman siyang lumabas sa aking silid pagkasabi ko nun, nakakatawa kasi napakabilis niyang pasunurin at naniniwala talaga siyang may chance na maging kami like eww katulong lang siya at prinsesa ako no. Ako rin ang nagnakaw ng cellphone ni Skyler at ako ang nagsend ng mga pictures nila ni Ash na parang naghahalikan sila kay Alexander.
Bukas na bukas din ay mapapalayas na ang baklang yan dito at mawawala na rin ang taong haharang sa pagmamahalan namin ni Alexander, nasa akin pa rin ang huling halakhak! HA HA HA HA *EVIL LAUGH
Skyler's Pov
Nang magising ako ay agad kong tiningnan ang bintana upang malaman kung inabutan na ba ako ng umaga sa pagtulog.
Pero nakita kong madilim pa lang ang paligid so ibig sabihin ay gabi pa lang, napasarap ata ang tulog ko ng kaunti dahil inabot na ako ng dilim.
Tumayo ako at nakita ko sa orasan na Alas-diyes na pala ng gabi at panigurado ako na ang mga tao ngayon sa baba ay natutulog na.
Kumalam bigla ang tiyan ko at dahil ito sa gutom dahil hindi pa ako kumakain ng kahit ano simula kanina pagkatapos naming maglinis ng palasyo.
Lumabas ako sa silid at bumaba patungo sa kusina, magpiprito na lang muna siguro ako ng kahit anong pagkain dito sa ref para maibsan ang gutom na nararamdaman ko. Binuksan ko ang ref at kumuha ako ng Sausages at egg mabuti na lamang dahil may kanin na dito para kakain na lamang ako.
Sinimulan ko ng magprito at habang nagpiprito ako ay biglang dumating si Ash.
"Gising ka pa pala?" sabi ko sa kaniya
"Ah oo narinig ko kasing may gumagamit ng kusina, lumabas lang ako para i-check kung sino pero ikaw lang pala ang gumagamit" sagot niya sa akin
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Pasensiya na ah naabala ko ata ang pagtulog mo nagutom lang ako kasi hindi pa ako kumakain simula kanina kaya eto at nagprito na lang ako" sambit ko kay Ash.
"Ok lang, samahan na lang muna kita dito" wika niya.
"Ikaw bahala" sagot ko at pinagpatuloy na ang pagpiprito.
Nang matapos na akong magluto ay nagsandok na ako ng kanin at inilagay ito sa plato ko at nagsimulang kumain.
Nandito lang ako kumain sa kusina at umupo ako sa mataas na upuan upang makakain ako ng maayos, habang kumakain ako ay napansin ko na nakatulala lang sa akin si Ash at para bang may malalim na iniisip. "Huy Ash!" mahinang sigaw ko rito at natawa naman ako dahil nagulat siya.
"Bakit ka ba nanggugulat Skyler?" Inis na saad nito.
"Hahaha sorry, kanina ka pa kasi nakatulala diyan ano bang iniisip mo?" tanong ko sa kaniya.
"Wa-wala yun wag mo na lang ako pansinin" simpleng sabi niya sa akin.
"Ok" banggit ko at nagpatuloy na sa pagkain.
"Skyler hindi mo na ba hahanapin yung cellphone mo?" biglang tanong niya kaya napatingin naman ako rito.
"Hindi na siguro Ash hihintayin ko na lang si Alexander na maka-uwi at alam kong magagalit iyon sa akin pero magpapaliwanag na lang ako" sabi ko at tumango naman siya. "Ah ganun ba" wika ni Ash.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Bakit mo naman nai-tanong?" saad ko
"Ah wala naman curious lang" sagot nito sa akin.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na muli ako sa pagkain, habang kumakain ako ay bigla akong naubo at napansin kong nakalimutan ko pa lang kumuha ng tubig, tatayo na sana ako para kumuha ng tubig ng pigilan ako ni Ash. "Ako na kukuha Skyler maupo ka na lang diyan" wala na akong nagawa dahil agad siyang kumuha ng tubig.
Naghintay na lamang ako sa kaniya at napansin kong ang tagal niya kumuha ng tubig eh nandito lang din naman sa loob ng kusina iyon.
"Ito na Skyler" sabi niya at inabot sa akin ang isang baso ng tubig.
Agad kong ininom ang tubig na binigay niya sa akin at parang iba ang lasa niya dahil may pagka mapait ito pero hindi ko na pinansin at baka dahil lang ito sa kinain ko.
"Ang tagal mo naman ata kumuha ng tubig" wika ko rito at napansin kong bigla siyang natigilan.
"Ah-eh n-naubusan kasi ng tubig eh ah oo tama kaya pinalitan ko pa yung tubig na nasa water dispenser" utal na sagot nito sa akin.
"Ah Ok, sige tapos na ako kumain kaya aakyat na ako" paalam ko sa kaniya at binitbit na ang pinagkainan ko at inilagay ito sa lababo.
Palabas na ako sa kusina ng makaramdam ako ng hilo kaya napahinto agad ako at napaluhod ako dahil sa hilo na nararamdaman ko.
Maya maya pa ay unti-unti ng dumidilim ang paligid ko at natumba na ako pero bago ako mawalan ng malay ay naramdaman ko pang may sumalo sa akin.