Chapter CHAPTER 39
Skyler's Pov
Kinaumagahan ay mas nauna akong nagising kay prince Alex marahil siguro ay napagod ito dahil nakadalawa kami kagabi.
Ayaw ko na munang isipin dahil baka di ko na naman mapigilan ang pamumula ng pisngi ko.
Dumiretso ako sa banyo upang maghilamos at maipaghanda si prince Alex ng kaniyang almusal.
Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako sa silid at bumaba papunta sa kusina, akala ko madadatnan ko si manang doon pero si Ash ang naabutan ko roon. "Mukhang masaya ang gising natin ngayon ah?" bungad sa akin ni Ash.
Teka halata ba? Ganito ba ang naidudulot ng pag-ibig?
"Sakto lang" simpleng sagot ko rito
"Kamusta naman ang relasyon niyo ni prince Alexander?" Nagulat naman ako sa tanong niya kasi hindi ko pa naman sinasabi sa kaniya kung anong meron kami ni Alex. "Alam mo?" takang tanong ko sa kaniya
"Paano ko hindi malalaman eh halata naman sa mukha mo at isa pa nakatira din ako dito sa palasyo kaya nakikita ko kayo kapag naglalandian kayo" diretsong sagot nito sa akin.
Bigla naman ako nakaramdam ng pagkahiya dahil sa sinabi niya, ibig sabihin ba nun ay maaaring alam na rin ng iba pang mga katulong dito ang tungkol sa amin ni Alex? "Ganun na ba kahalata?" tanong ko sa kaniya
"OO, pero hayaan mo na alam mo namang tanggap ko ang relasyon niyo eh" nakangiting saad nito sa akin
"Salamat ha❞ pasasalamat ko dito
"Walang anuman, sige na iwan na kita dito alam kong may gagawin ka pa kaya hindi na kita aabalahin" sabi niya sa akin at umalis na siya.
Masaya naman akong naghanda ng almusal ni prince Alex, hindi ko alam kung bakit pero napakaswerte namin ni prince Alex sa mga taong nakapaligid sa amin dahil wala kaming narinig na panghuhusga sa kanilang lahat. Pagkatapos kong maghanda ng almusal ni prince Alex ay umakyat na ako sa silid niya, pagkapasok ko ay naabutan ko siyang gising na at naka-upo na siya sa kinakainan namin.
"Gising ka na pala" sabi ko at inilagay na ang pagkain sa lamesa.
"Oo nga eh pero wala man lang akong natanggap na Morning kiss" sabi nito at nag pout pa sa akin.
"Di mo ako madadaan sa pagpapa-cute mo Alex" wika ko rito at nakita ko naman siyang sumimangot
"Hays! Sige na nga" sabi ko at wala na akong nakagawa kundi ang halikan siya sa labi pero smack lang. "Mmm Sarap mo talaga Sky" masayang sabi nito
"Kumain ka na lang Alex, gutom lang yan" sabi ko sa kaniya
Nginitian niya lang ako at nagsimula ng kumain.
Ang cute niya tingnan habang kumakain kaya hindi ko mapigilang ngumiti habang nakatingin sa kaniya.
"Inlove ka na naman sa akin no?" Mayabang na saad nito sa akin.
"Kapal mo natutuwa lang ako kasi ang cute mo kumain" sagot ko rito
"Matagal na akong cute no" parang batang sambit nito sa akin.
Pagkasabi niya nun ay bigla namang tumunog ang Cellphone niya kaya agad siyang tumayo upang sagutin ang tawag.
Sino kaya ang tumawag na iyon?
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Ngayong buwan na ba yon?" tanong ni prince Alex sa kausap niya.
"Sige sige, salamat at pinaalala mo sa akin ha muntik ko ng makalimutan" sagot ni prince Alex bago niya binaba ang tawag.
Ano naman kayang pinag-usapan nilang dalawa? Tsaka ano yung mangyayari ngayong buwan?
Lumakad na ito papunta sa akin at umupo na muli siya sa harap ko at pinagpatuloy ang pagkain na para bang walang nangyari. "Sino yun?" tanong ko sa kaniya
"Secret" nainis naman ako sa sagot nito kaya hindi ko na ito pinansin.
"Biro lang ito naman" biglang wika nito sa akin ng mapansing hindi ko na siya pinansin.
"Si Khalix yun, pinaalala niya sa akin yung pagpupulong na pupuntahan naming dalawa sa ibang bansa" sagot nito sa akin
"Ibang bansa?" gulat na tanong ko rito
"Oo at sa susunod na dalawang linggo na iyon magaganap" sabi niya
"Ibig sabihin aalis kayo papuntang ibang bansa?" tanong ko
Kung ganun ay hindi ko siya makakasama ng ilang araw? Ano ba kasing pagpupulong iyan.
"Oo sky, pero kami lang ni Khalix ang kasama hindi kasama sina Zamuel at Claude, pasensiya ka na ha kasi kahit gusto kitang isama hindi talaga maaari" paliwanag nito sa akin. "Ano bang klaseng pagpupulong iyan?" tanong ko rito
"Ito ay isang pagpupulong sa isang bansa na dadaluhan ng iba't ibang prinsipe pero kami lang ni Khalix ang napili para sa bansa natin" saad nito sa akin.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Ilang araw naman kayo doon?" tanong ko
"Isang linggo❞ natigilan naman ako sa sinagot ni prince Alex.
Napatayo ako at lumakad ako papunta sa kama, ibig sabihin ba nito hindi ko siya makakasama ng isang linggo? Isipin ko pa lang ay parang hindi ko na kakayanin. "Sky, gusto talaga kitang kasama pero hindi talaga pwede eh, ayaw ko rin namang mapalayo sayo eh" sabi nito at lumakad rin papunta sa tabi ko "Kung gusto mo huwag ko na lang daluhan ang pagpupulong na iyon" wika nito kaya napatingin ako sa kaniya.
"Alex hindi ko naman sinabi na huwag kang pumunta, nalulungkot lang ako kasi isang linggo kitang hindi makakasama" paliwanag ko sa kaniya. "Nalulungkot din ako Sky kasi kahit ako ayaw kong mapalayo sayo baka pormahan ka ng ibang lalaki dito sa palasyo" saad niya sa akin.
"Huwag kang mag-alala Alex dahil sayo lang tumitibok ang puso" napansin ko namang napangiti siya dahil sa sinabi ko
"Sky naman, mas lalo mo tuloy pinapamukha sa akin na huwag na lang ako pumunta doon" sabi niya sa akin.
"Minsan lang iyon Alex kaya pumunta ka na❞ wika ko
"Sige po pupunta na ako" parang batang sabi nito sa akin.
"Mabuti pa Alex sulitin na lang natin ang mga araw na narito ka pa sa palasyo dahil dalawang linggo pa naman bago ka pumunta sa ibang bansa eh" sambit ko sa kaniya "Magandang ideya yan Sky kaya maligo ka na at enjoyin natin ang katawan ng isa't isa" nakangising saad nito
"Bastos! Hindi yun ang tinutukoy ko" banggit ko na tinawanan niya lang.
Hindi ko naman kailangang maging malungkot eh at isa pa may Cellphone naman pwede ko siyang tawagan kapag gusto ko siyang maka-usap.
Kaya mo to Sky, isang linggo lang naman na hindi kayo magkakapiling.