The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 38



Skyler's Pov

"Alex bakit mo kasi sinabi sa kanila ang tungkol sa relasyon natin?" tanong ko sa kaniya.

Gabi na at narito pa rin kami sa kaniyang silid dahil hindi ko pa kayang bumaba, hindi ko pa kayang malaman kung ano ang magiging reaction ng mahal na Hari at Reyna tungkol sa aming relasyon. "Ginawa ko lang naman yun para hindi na nila ako pilitin pang magpakasal kay Thyra" sagot nito sa akin.

"Pero kinakabahan ako" wika ko sa kaniya

"Sky, wag kang kabahan andito naman ako sa tabi mo at isa pa diba sabi ko naman sayo na tanggap na nila tayo" sambit nito sa akin.

"Ano tara na?" dagdag pa nito.

"Ano pa nga bang magagawa ko?" sabi ko sa kaniya at sabay na kaming dalawa lumabas ng kaniyang silid.

Pagkababa namin ay dumiretso kami sa hapag kainan at nadatnan namin doon ang mahal na Hari at Reyna, agad naman silang napatingin sa amin ng mapansin nila kami ni Alex.

"Maupo kayo" seryosong saad ng hari na nagpakaba sa akin.

Nasa dulo ng hapag kainan ang hari at nasa kaliwa naman nito ang Reyna, umupo ako sa kanan ng hari at si Alex naman ay tumabi sa kaniyang Ina.

"Totoo ba na kayong dalawa ay may relasyong higit pa sa magkaibigan?" tanong ng hari at sa akin ito nakatingin.

"Ama diba sina-" naputol ang sasabihin ni prince Alex ng magsalita ang Hari "Hindi ikaw ang gusto kong maka-usap Alexander" sita sa kaniya ng hari.

Wala namang nagawa si Alex kundi ang manahimik na lamang sa tabi.

"Uulitin ko Skyler, may relasyon ba kayo ng anak ko?" tanong ulit nito

"O-opo mahal na hari" simpleng sagot ko

"Alam mo namang siya ay malapit ng maging prinsipe hindi ba?" tanong sa akin ng Reyna.

"Alam ko po iyon mahal na Reyna" sagot ko dito

"Kung ganun ay handa ka ba sa sasabihin ng mga tao tungkol sa relasyon niyo? Ipaglalaban mo ba ang aking anak gaya ng kung paano ka niya ipinaglaban sa amin?" Diretsong tanong sa akin ng Reyna. Napatingin naman ako kay Alex dahil sa sinabi ng reyna, ipinaglaban niya ako sa kanila? Ibayong tuwa ang nararamdaman ng puso ko ngayon.

"Opo mahal na Reyna, handa po akong ipaglaban ang anak niyo at hindi rin po ako gagawa ng mga bagay na alam kong ikakagalit niya at isa pa po kapag nagmamahal ang isang tao wala na itong pakialam sa sasabihin ng iba❞ mahabang sagot ko sa Reyna.

Napansin ko naman na napangiti ang mahal na prinsipe dahil sa sinagot ko.

"Kung ganun ay payag na kami sa relasyon niyong dalawa❞ masayang sambit ng hari

"Talaga po ba Ama?" di makapaniwalang tanong ni prince Alex.

"Oo naman, masaya ako dahil si Skyler ang makakatuluyan mo sigurado ako na kung nandito lang sina Claudio at Aurora ay matutuwa din silang malaman na ang mga anak namin ay may relasyon" natigilan naman ako dahil sa sinabi ng Hari. Siguro nga tama ang hari, kung nandito lang sana sina Inay at Itay ay matutuwa silang dalawa sa relasyon namin ni Alex.

"Pasensiya na Skyler hindi ko na dapat pa sinabi ang mga bagay na iyon" biglang saad ng Hari.

"Ok lang po iyon mahal na hari" sagot ko rito

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Mabuti pa ay kumain na lang tayo" sambit ng reyna.

Masaya kaming kumain ng sama-sama at hindi ko talaga maalis sa aking mukha ang ngiti dahil hindi pa rin ako makapaniwalang tanggap na kami ng mahal na hari at reyna. Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming umakyat ni prince Alex sa loob ng kaniyang silid, umupo kaming pareho sa kaniyang kama.

"Alex salamat ha, ipinaglaban mo pala ako sa mga magulang mo" sabi ko rito

“Mahal kasi kita Sky kaya gagawin ko talaga ang bagay na iyon" simpleng sagot nito sa akin

"Mahal din kita Alex" sabi ko at hinalikan ko siya sa labi.

Napansin kong nagulat pa siya dahil ako ang unang humalik sa kaniya pero agad niya rin namang nilabanan ang mga halik ko.

Kapwa kami naghalikan at kapwa namin dinama ang pagmamahal namin sa isa't isa.

Nang matapos kami sa paghahalikan ay inihiga niya ako sa kama at pumaibabaw siya sa akin.

Nang gabing iyon ay muli niya akong inangkin at pinagsaluhan namin ang init ng katawan naming dalawa.

Thyra's Pov

Hindi ito maaari! Kailangan may gawin ako upang mapaghiwalay ko silang dalawa!

Ano bang nakita ni Alexander sa baklang yon at siya ang mas pinili nito kesa sa akin.

May naisip na akong plano kung paano ko sila mapaghihiwalay pero kailangan ko ng tulong ng isang tao patay na patay sa akin, agad kong kinuha ang Cellphone ko at tinawagan ito. "Hello Thyra?" sabi nito mula sa kabilang linya

"Ako nga" sagot ko rito

"Anong kailangan mo sa akin? Sasagutin mo na ba ako?" tanong nito

"Kung gusto mo talagang sagutin kita ay susundin mo ang ipapagawa ko sayo" wika ko

"At ano naman iyon?" tanong nito sa akin

"Tutulungan mo akong mapaghiwalay sina Alexander at Skyler" sagot ko at alam kong nabigla ito dahil hindi ito nakasagot agad.

"Hindi ko yan magagawa Thyra alam mo yan" sambit nito sa akin

"Well baby yan lang ang paraan para sagutin kita" wika ko

"Hayaan mo na lang silang dalawa Thyra, masaya na sila" nainis naman ako sa sinagot nito sa akin

"Yan ang dahilan! Ayaw ko silang maging masaya habang ako ay nalulungkot dito sa isang sulok!" sigaw ko rito at hindi naman ito sumagot sa akin

"Bibigyan kita ng isang araw para mag-isip, isipin mo na dito nakasalalay kung sasagutin kita" sabi ko rito at pinatay ko na ang tawag.

Mahal na mahal ko si Alexander at hindi ko matanggap na hindi niya magustuhan ang tulad kong magandang babae na parang nasa akin na ang lahat, mas pinili niya pa yung baklang yon na hindi naman siya kayang bigyan ng sariling pamilya.

Sisiguraduhin kong maghihiwalay silang dalawa at alam kong sa dulo ay sa akin pa rin babagsak si Alexander makikita niyo!

Hahayaan ko muna kayong dalawa na magsaya pero kapag handa na ang lahat ng plano ko ay sisiguraduhin kong katapusan na ng relasyon niyo.

*Evil Laugh HA HA HA HA


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.