Chapter CHAPTER 37
Skyler's Pov
Nagising ako kinabukasan ng lumapat sa akin ang sinag ng araw mula sa bintana ng silid ni prince Alex.
Kinapa ko sa tabi ko si prince Alex pero nabigla ako ng hindi ko siya naramdaman kaya dinilat ko na ang aking mata.
Babangon na sana ako para hanapin siya pero napa-aray ako at napahiga muli dahil sa sakit na naramdaman ko sa pang-upo ko.
"Argh Ang sakit" daing ko kaya humiga na lang muli ako at di muna gumalaw.
Naalala ko na inangkin pala ako ni prince Alex kagabi at yun ang unang beses ko kaya masakit ngayon ang pang-upo ko, isama niyo pa na malaki ang alaga ni Alex. Di ko mapigilang mamula dahil sa pag-iisip ko sa nangyari sa amin kagabi.
Narinig ko namang bumukas ang pinto kaya napatingin ako rito at nakita ko si prince Alex na pumasok at may dala siyang isang tray na naglalaman ng pagkain. "Saan ka galing?" tanong ko rito.
"Pinagluto kita ulit ng almusal dahil alam kong sasakit ang pang-upo at hindi ka makakagalaw" sabi nito sa akin
Inilapag niya na sa lamesa ang tray at umupo sa tabi ko, binigyan naman ako nito ng halik sa noo.
"Buti naman alam mo!" sabi ko rito
"Alam ko talaga Sky sa laki ba naman ng alaga ko eh" nakangising wika nito sa akin.
"Baliw!" Wika ko at umiwas ng tingin sa kaniya dahil ayaw ko na makita niyang namumula ang mukha ko.
"Dapat siguro Sky araw-arawin natin iyon para masanay ang iyong katawan at hindi na sumakit ang iyong pang baba" nakangising saad nito at tinaas baba pa niya ang kaniyang kilay.
"Kapag hindi ka tumigil diyan hindi na mauulit iyon kailanman" pananakot ko rito at bigla naman siyang natigilan dahil doon.
"Biro lang Sky, eto nga at susubuan na kita ng pagkain para makakain ka na at magawa na muli natin iyon" sambit nito sa akin na ikinatawa naming dalawa.
"Bakit pala may dala kang gamot diyan?" pagbabago ko sa usapan namin.
"Painkiller yan Sky para naman malunasan yang sakit na nararamdaman mo sa pang-upo mo" di ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya dahil sa sinabi ni Alex.
"Ayaw mo ba inumin yan? O gusto mong itong alaga ko na lang ang magpagaling sa pang-upo mo?" tanong nito sa akin.
"Kahit kailan talaga Alex bastos yang nasa isip mo" sabi ko sa kaniya.
"Sayo lang naman ako nagkakaganito eh kasi Mahal kita" di na ako naka-imik sa sinagot sa akin ni Alex.
Kumain kami ng almusal ng umagang iyon at si Alex lang ang kumilos para sa akin at tinuring niya naman akong may sakit at ayaw niya akong gumawa ng mga bagay at ang gusto niya lang ay mahiga ako.
Nang matapos akong kumain ay nakaramdam muli ako ng antok kaya natulog muli ako pero bago iyon ay uminom muna ako ng gamot para sa sakit na nararamdaman ko.
********
Nagising muli ako ng dahil sa mga huni ng ibon mula sa labas nitong silid, dumilat ako at nakita kong wala si prince Alex dito sa silid niya.
Sinubukan kong tumayo at nagawa ko naman ito dahil medyo nawala na ang sakit na nararamdaman ko kanina, tiningnan ko muna ang oras at tanghali na pala napahaba ata ang aking tulog dahil na rin siguro sa pagod. Bumaba ako para hanapin si prince Alex at tumungo ako sa sala ngunit wala siya dito kaya lumakad muli ako palabas doon, saan kaya siya nagpunta? Itatanong ko na lamang kay kuya Berto.
Pumunta ako sa bungad ng palasyo dahil doon madalas kong makita si kuya Berto, hinanap ko ito doon pero wala akonv makita, nabigla ako ng biglang pumasok sa palasyo si princess Thyra at papalapit ito sa akin habang dala dala ang mataray niyang kilay.
"Where's Alexander?" tanong niya agad sa akin.
"Pasensiya na po princess Thyra pero hindi ko rin po alam" sagot ko rito
"Oh Ok, so ikaw pala si Skyler na tinatawag ni Alexander bilang Sky tama ba?" tanong nito sa akin at mataray ang tingin niya sa akin.
"Ah-opo mahal na prinsesa" magalang kong sagot rito.
"So kamusta naman maging Boyfriend ang isang prinsipe?" nagulat naman ako sa binanggit nito.
"Nagulat ka ata? Oo alam ko na kayo ni Alexander at ikaw rin ang dahilan kung bakit ayaw niya akong pakasalan!" sigaw nito sa akin.
"Tuwang tuwa ka naman na magugustuhan niya ang baklang tulad mo? Tigilan mo na ang pag-iilusyon mo bakla, kahit kailan hindi ka niya magugustuhan!" mataray na sambit nito sa akin.
"Mawalang galang na princess Thyra pero wala kayong karapatang pagsabihan ako ng mga ganiyang bagay at totoong mahal ako ni prince Alex at ikaw ang tumigil sa pag-iilusyon dahil kahit kailan hindi ka niya magugustuhan" sagot ko rito "Walang Hiya ka!" galit na sabi nito at sasampalin niya na sana ako ng makita ko ang isang kamay na humarang sa kamay niya.
"Subukan mong saktan si Sky at ako ang makakaharap mo❞ seryosong sabi ni Alex.
Masaya ako dahil dumating siya at iniligtas niya ako mula dito sa bruhang ito.
"Alexander?" yan lang ang nasabi ni Thyra
"Ano bang meron sa baklang yan at siya ang mas gusto mo kesa sa akin?" tanong ni Princess Thyra.
Binitawan naman ni prince Alex ang kamay ni princess Thyra.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Yan wala ka niyan Thyra! Wala ka ng mabuting ugali pero si Sky punong puno siya niyan kaya wag mo akong tanungin kung bakit siya ang nagustuhan ko at hindi ikaw" diretsong sagot ni Alex.
"Hindi ito maaari Alexander!" sambit ni princess Thyra.
"Lumabas ka na sa palasyong ito at huwag na huwag ka ng babalik pa dahil ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo!" wika ni prince Alex
"Pagbabayaran niyo tong dalawa! Lalo ka na!" sabi ni Thyra at tinuro ako
"Hindi kayo pwedeng maging masaya tandaan niyo yan maghihiwalay kayo!" may diing banggit ni princess Thyra bago lumabas sa palasyo.
"Ok ka lang ba Sky? Sinaktan ka ba niya?" nag-aalalang tanong ni Alex sa akin.
"Ok lang ako Alex salamat at dumating ka at hindi niya ako nasaktan" sabi ko rito
"Ano ba kasing ginagawa mo rito sa baba? Sabi ko sayo doon ka lang sa silid ko at magpahinga" sambit nito sa akin
"Hindi kasi kita naabutan paggising ko kaya hinanap kita, saan ka ba nanggaling?" tanong ko sa kaniya
"Kinausap ko sina Ama at Ina dahil sinabi kong hindi ko gustong pakasalan si Thyra at sinabi ko na rin ang tungkol sa relasyon natin❞ nagulat naman ako sa biglang sinabi nito "Pero Alexander!" wika ko
"Huwag kang mag-alala Sky dahil tanggap nila tayo at gusto ka lang nilang maka-usap mamayang dinner" sabi nito sa akin.
"Bakit daw?" takang tanong ko.
"Hindi ko rin alam Sky pero sa ngayon ay umakyat muna tayo sa taas at mahpahinga muna tayong dalawa❞ pag-aya nito sa akin. Sabay kaming umakyat doon sa taas at iniisip ko pa rin kung bakit ako gustong kausapin ng mahal na Hari at Reyna.
Sana maging maayos ang pag-uusap namin mamayang gabi.