Chapter CHAPTER 40
Skyler's Pov
Mabilis na lumipas ang dalawang linggo at ngayon na ang araw ng pag-alis ni prince Alex papunta sa ibang bansa para sa kanilang pagpupulong.
Napakabilis ng mga araw parang kahapon lang ay nagtatalo pa kami kung pupunta ba siya o hindi pero tingnan mo ngayon ito na yung araw ng pag-alis niya.
Marami kaming ginawa sa loob ng dalawang linggo, literal na sinulit naming dalawa ang mga panahong iyon, pumunta kami sa iba't ibang lugar dito sa kaharian ng kami lang dalawa at sa loob rin ng dalawang linggo ay pinaramdam namin sa isa't isa ang init ng mga katawan namin.
Hindi na ako masiyadong malulungkot dahil sabi niya sa akin na marami pa kaming gagawin pagdating niya muli dito, pupuntahan raw namin ang mga lugar na hindi pa namin napupuntahan kaya naman excited na ako.
"Alex wala ka na bang ipapalagay na mga gamit mo dito sa loob ng maleta?" tanong ko sa kaniya dahil tinulungan ko siyang ayusin ang mga gamit niya.
"Wala na Sky, sapat na iyan at isang linggo lang naman kami doon kaya hindi ko na kailangan magdala ng maraming gamit" sagot niya sa akin kaya sinarado ko na ang maleta at inilagay ito sa gilid.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya.
"Mamimiss kita Alex" sabi ko sa kaniya
"Ako din Sky, alagaan mo lagi ang sarili mo habang wala ako ha" wika niya sa akin.
"Ikaw din Alex, lagi mong tandaan na kahit anong mangyari ay mahal na mahal kita" seryosong saad ko rito.
Hindi ko alam pero bakit tila nagdadrama ako na para bang ito na ang huli naming pagkikita.
"Sky tama na ang drama isang linggo lang naman ako mawawala" sabi niya sa akin.
Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at hinalikan ko siya.
Hinawakan ko ang likod ng kaniyang ulo at mas idiniin ang mukha niya sa mukha ko, lumaban siya sa mga halik na binibigay ko.
Gusto ko siyang halikan ng matagal dahil matagal rin kaming magkakahalikan muli.
Pinagsaluhan namin ang laway ng isa't isa at kapwa kami tumigil sa halikan ng kapusin na kaming dalawa sa hangin.
"Tama na Sky baka hindi ako makapagpigil at hindi na lang ako aalis at dito lang tayo buong gabi sa kwarto ko❞ napalayo naman ako ng kaunti dahil sa sinabi nito.
"Baliw, sige na bumaba na tayo at hinihintay na tayo ni manong Henry sa garahe" sabi ko at siya na ang humila sa maleta niya.
Pagkababa namin ay sinalubong kami ng mga magulang ni prince Alex.
"Ayos na ba ang lahat ng gamit mo anak?" tanong ng Hari
"Opo ama, inayos na po namin ni Sky lahat ng kailangan kong gamit" sagot ni prince Alex
"Mag-iingat ka doon anak ha at tawagan mo agad kami kapag mayroon kang problema" nag-aalalang sambit ng Reyna.
"Ano ka ba naman Amalia malaki na ang anak mo hindi na yan bata" sita ng hari sa reyna.
"Lisandro hindi mo maiaalis sa akin ang pag-aalala dahil nanay niya ako" sabi ng Reyna sa Hari.
"Ina tama po si Ama malaki na ako at isa pa po pagpupulong naman po ang pupuntahan ko hindi po gera" sagot ni prince Alex na ikinatawa namin.
"Oh siya sige na nga basta mag-iingat ka yun lang" sabi ng Reyna at niyakap niya ang kaniyang anak.
"Sige po alis na kami" paalam ng prinsipe at naglakad na kami papunta sa garahe.
Naabutan namin doon si manong Henry na nag-aantay sa amin.
"Mahal na prinsipe tara na ho" wika ni manong Henry kaya sumakay na kaming dalawa ni Alex sa sasakyan.
Dapat ay hindi ko siya ihahatid sa Airport dahil ayaw niya at baka daw lalo ko lang siya mamiss pero nagpumilit ako at naggalit-galitan sa kaniya kaya pumayag na agad siyang ihatid ko siya hanggang sa Airport.
Hindi ko rin alam kung bakit pero merong parte sa puso at utak ko na nagsasabing kailangan ko siyang ihatid sa Airport, pumasok rin sa isip ko na baka ito na ang huli naming pagkikita pero hindi ako naniwala dahil babalik pa siya matapos ang isang linggo.
Matapos ang ilang minutong biyahe ay nakarating agad kami sa Airport at doon at nakita namin si prince Khalix na kakarating lang rin.
"Oh hinatid ka pala ng girlfriend mo" sabi ni prince Khalix at napayuko naman ako dahil doon.
"Tigilan mo siya Khalix" sita ni prince Alex
"Biro lang eh, Hi Skyler sigurado akong mamimiss ka nitong si Alexander at baka umuwi to ng maaga" natawa naman ako sa binanggit ni prince Khalix.
"Shut Up Khalix" sabi ni prince Alex at lumapit sa akin.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Sky ha yung mga binilin ko sayo dapat mo iyong sundin, kung maari ay huwag ka ng lumabas ng kwarto para hindi ka lapitan ng mga lalaki sa palasyo lalo na si Ash" marami sa akin binilin si prince Alex.
Huwag daw akong lalapit sa ibang lalaki at kung pwede daw huwag na daw akong lumabas ng silid niya at magpa-utos na lamang kapag ako ay nagugutom pero siyempre hindi naman yon mangyayari sabi ko sa kaniya. Kapag kasi nanatili lang ako sa loob ng silid niya ay mas lalo ko siyang mamimiss kaya mas mabuti ng tumulong ako sa gawain sa palasyo.
"Opo mahal na prinsipe" sarcastic na sagot ko rito
"Sige na bye na, I love You My Princess" wika nito
"I love you too My prince" sagot ko at hinalikan niya muli ako.
Magtatagal pa sana ang halikan namin ng biglang magsalita si prince Khalix.
"Tama na yan tol kadiri kayo dito pa talaga kayo sa public place naghalikan, ano na lang sasabihin nila kapag nakita nila ang prinsipe nila na nakikipaghalikan sa kapwa lalaki" birong saad ni prince Khalix. "F*ck you Khalix!" inis na sagot ni prince Alex
Napatingin naman ako sa paligid namin at mabuti na lamang at wala masiyadong tao kaya hindi nakita ang paghahalikan naming dalawa. "Sige na paalam na baka mahuli pa kayo sa flight niyo" sabi ko at hinalikan muna ako ni prince Alex sa pisngi bago sila pumasok sa loob. "Tara na po sir Skyler" pag-aya sa akin ni manong Henry
"Ah sige po tara na po pero huwag niyo na ako tawaging Sir kahit Skyler na lamang po❞ saad ko at ngumiti naman ito bilang tugon.
Bukas ay haharapin ko na ang araw na hindi ko kasama si prince Alex pero ok lang kasi isang linggo lang naman iyon at babalik na agad siya.