Chapter CHAPTER 34
Skyler's Pov
Narito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant ni prince Alex ito rin yung restaurant na kinainan namin dati.
Hindi ko alam kung bakit pero dito niya agad ako diniretso pagkatapos naming magdasal sa simbahan.
"Alex sabihin mo na kasi, ano bang ginagawa natin dito?" pagpupumilit ko sa kaniya, kanina ko pa kasi tinatanong sa kaniya kung anong gagawin namin rito. "Ok fine, pinapunta ko dito yung mga kaibigan ko kasi gusto ko malaman na nila ang tungkol sa atin❞ napanganga naman ako sa biglang winika ng lalaking ito.
"Pero Alex!" reklamo ko dito, alam niya kasing ayaw ko pang sabihin kung anong meron kami sa kahit na sino.
"Sky magtiwala ka sa akin matatanggap naman nila tayo at nung isang linggo tayong di nag-usap ay nakwento ko na sa kanila ang problema ko noon" paliwanag niya sa akin. "Kinakabahan ako" pag-amin ko sa kaniya.
"Huwag kang kabahan Sky nandito naman ako, ayaw ko lang magtago ng sikreto sa mga kaibigan ko at para malaman rin ni Claude na may nagmamay-ari na sayo" sambit nito sa akin. "Magkaibigan lang naman kami ni Claude ah" wika ko sa kaniya
"Kahit na Sky, ayoko lang ng masiyadong paglapit niya sayo" seryosong sabi niya sa akin.
Hindi ko na ito sinagot pa dahil wala naman na akong magagawa at papunta na rito ang mga kaibigan niya, siguro mabuti na rin ito dahil gusto ko rin namang sabihin ang relasyong meron kami kay Ash kasi kaibigan ko siya. Lumipas ang ilang saglit at sabay sabay na dumating ang tatlong prinsipe sa restaurant na ito, agad silang umupo sa harap namin.
"Ano bang meron Alexander at biglaan naman ang pagtawag mo sa amin?" agad na tanong ni prince Zamuel.
"Oo nga istorbo ka eh ang aga aga pa kaya" reklamo ni prince Khalix.
"Hoy ikaw hindi porket ganap ka ng prinsipe ay pwede ka ng mag reklamo" sabi ni prince Alex kay prince Khalix.
"So ano ba talagang sasabihin mo sa amin?" seryosong tanong ni prince Claude.
Tiningnan ako ni prince Alex at hinawakan niya ang kamay ko na nasa ilalim ng lamesa, kinakabahan ako kasi hindi ko alam ang magiging reaction nila.
"Ok, gusto ko lang sabihin sa inyo na kami na ni Sky" nakangiting saad ni prince Alex sa kanila.
Kita ko naman ang gulat sa mukha ni prince Khalix at prince Zamuel pero kay prince Claude ay hindi ko maintindihan kung ano ang emosyon niya ngayon.
"What? Totoo ba kayo na ni Sky!?" gulat na tanong ni prince Zamuel at agad naman tinakpan ni prince Khalix ang bibig nito dahil napalakas ang boses niya.
"Zamuel pwede ba hinaan mo yung boses mo, hindi lang tayo ang tao dito" sambit ni prince Khalix sa kaniya, inalis naman ni prince Zamuel ang kamay ni prince Khalix sa bibig niya.
"Ok easy ka lang bro, nagulat lang ako kasi nung nakaraan lang umiiyak si Alexander sa atin kasi nag-away daw sila ni Sky" agad naman akong napatingin kay prince Alex.
"OA mo Zamuel, umiyak talaga?" sagot ni prince Alex sa kaniya.
"Hahaha joke lang bro" natatawang sabi ni prince Zamuel
"So kayo na nga talaga?" biglang tanong ni prince Claude.
"Oo bro kami na at masaya ako dahil doon" nakangiting sagot ni prince Alex.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Di ko alam kay prince Claude kung masaya ba siya o hindi kasi ang hirap basahin ng mga emosyon niya.
"Ok, nangangako ka ba Alexander na hindi mo sasaktan si Sky?" tanong ni prince Claude.
"Siyempre naman tol, mahal na mahal ko si Sky kaya hindi ko siya kayang saktan kung yan ang inaalala mo" sagot ni prince Alex. Sumaya naman ang puso ko dahil sa narinig ko, sana nga totoo lahat dahil ako totoo talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya. Pero alam ko namang totoo ang mga pinapakita sa akin ni prince Alex, sa mga tingin niya palang sa akin ay alam na alam ko na. Tumingin naman sa akin si prince Claude pagkasabi nun ni prince Alex.
"Sabihin mo lang sa akin Skyler kapag sinaktan ka nitong lalaking to ha" wika sa akin no prince Claude.
"Teka nga Claude sino ba talaga ang kaibigan mo sa aming dalawa?" tanong ni prince Alex
"Ayaw ko lang masaktan si Skyler bro" diretsong sagot ni prince Claude.
"Bakit naman? Kaanu-ano mo ba si Skyler?" hindi ko alam pero parang natigilan si prince Claude sa sinabi ni prince Khalix.
"Wa-wala siyempre naging kaibigan ko na rin si Skyler, kayo ba?" utal na sagot ni prince Claude.
"Oo naman kaibigan na rin ang turing ko kay Skyler" napangiti naman ako sa sinabi ni prince Zamuel
"Oo nga Skyler kaya huwag kang mag-iisip na hindi naman matatanggap ang relasyon niyo kasi nasaksihan namin kung gaano ka protective sayo itong kaibigan namin" dugtong pa ni prince Khalix. "Ako yung kaibigan niyo dito pero parang sa akin pa kayo walang tiwala" sabi ni prince Alex
"Wala Talaga!" sabay sabay na sabi ng tatlong prinsipe, natawa naman kaming lahat dahil doon.
"Pero gusto kong magpasalamat sa inyo mga prinsipe kasi tinanggap niyo kami ni prince Alex" pagpapasalamat ko sa tatlong ito.
"Wala ba akong kiss dahil doon?" biglang tanong ni prince Alex at nag pout pa.
"Alex ano ba nandito mga kaibigan mo❞ mahinang wika ko sa kaniya pero narinig pa rin ako nila.
"Oo nga tol mahiya ka naman sa amin at isa pa di bagay sayo magpa-cute mukha kang aso" asar sa kaniya ni prince Zamuel.
"Gag-!" hindi natuloy ang pagmumura ni prince Alex ng takpan ko ang bibig nito.
Tiningnan ko ito ng masama at wala naman siyang nagawa doon.
"Woah mukhang Under itong prinsipe natin ah" asar ni prince Khalix at natawa muli kaming lahat dahil doon.
Nakakatawang tingnan si prince Alex dahil naka pout lang ito at parang nagpapa-awa effect hahahaha.
Tinigil na nila ang pag-aasaran at umorder na kami ng pagkain at masaya naman kaming kumain na magkakasama.
Napakasaya ko kasi kahit papaano ay may tumanggap na sa relasyon namin at nakakatuwa kasi hindi nila kami hinusgahan.
Naniniwala pa rin ako talaga na sa mundong mapanghusga meron pa rin talagang mga tao ang kayang unawain at tanggapin kung sino ka.