Chapter CHAPTER 35
Skyler's Pov
Pagkagising ko kinabukasan ay napansin kong wala si prince Alex sa aking tabi, dito ulit ako natulog dahil nga sa gusto niya akong makatabi araw-araw kaya wala na akong nagawa pa at gusto ko rin naman siyang makatabi.
Dumiretso muna ako sa banyo upang maghilamos dahil nga kakagising ko lang, pagkatapos kong mag hilamos ay lumabas na ako banyo.
Bubuksan ko na sana ang pinto nitong silid para hanapin si prince Alex pero nagulat ako ng bumukas ito at nakita ko siyang may bitbit na isang tray na may lamang mga pagkain.
"Gising ka na pala aking prinsesa" di ko pa rin maiwasang kiligin sa tuwing tatawagin niya akong prinsesa.
"Kakagising ko lang, saan ka nagpunta at wala ka sa tabi ko?" tanong ko sa kaniya
"Namiss mo ba agad ako?" nakangising tanong niya sa akin at inilapag ang tray ng pagkain sa lamesa.
"Sira hindi no!" Sagot ko rito
"Hahahaha, pinagluto kasi kita ng almusal nating dalawa" sabi niya at napatingin ako sa mga pagkaing dala niya puro ito prito, may pritong itlog, hotdog, sausage at fried rice. "Pero dapat ako ang gumagawa nito para sayo" sambit ko sa kaniya
"Hayaan mo muna ako ngayon Sky kasi gusto ko rin namang pagsilbihan ang prinsesa ko" masayang saad nito sa akin.
"Thankyou Alex" pasasalamat ko sa kaniya at hinalikan ko siya sa lips pero smack lang.
"Isa pa Sky" sabi nito sa akin
"Tama na yun Alex kumain na tayo" wika ko at umupo na, nakita ko naman na naka pout siyang umupo sa harap ko at parang nag tatampo.
Ang cute niya tingnan mukha siyang batang inagawan ng candy, ayaw ko naman na mag-away kami kaya lumapit muli ako sa kaniya at hinalikan siyang muli sa labi.
"Sarap, thankyou Sky" masayang sambit nito sa akin
Nginitian ko lang ito at nagsimula na kaming kumaing dalawa, mukhang di pa sanay si prince Alex magluto kasi yung ibang pinrito niya ay halos masunog na pero ayos pa naman siya kainin. "Nga pala bakit ang aga mo ata gumising ngayon?" tanong ko sa kaniya habang kumakain kami.
"Gusto ko kasi sanang pumunta tayo sa dagat, panoorin lang nating dalawa ang magandang tanawin doon" wika nito sa akin
"Mukhang maganda nga yan, sige punta tayo kahit saan pa yan basta kasama kita okay lang sa akin" seryoso kong sagot sa kaniya.
"Ang sweet naman ng prinsesa ko" sabi niya sa akin.
Nginitian ko na ito at nakaramdam naman ako ng excitement para sa pupuntahan namin mamaya, lagi na kaming naalis ni prince Alex ngayon siyempre gusto naming mag bonding na kaming dalawa lang.
Lumipas ang ilang oras at hapon na ngayon, gusto naming panoorin ang paglubog ng araw sa karagatan kaya naisipan naming hapon na lang kami pupunta.
"Ayos na ba lahat Alex?" tanong ko sa kaniya.
Narito kami ngayon sa garahe ng palasyo at inilalagay ni Alex ang mga gamit na dinala namin sa likod ng sasakyan niya.
"All set na, pwede na tayong umalis" sagot nito at ibinaba na ang pinto ng trunk nitong sasakyan niya.
Pumasok na kaming dalawa sa sasakyan niya at sinimulan niya na itong paandarin paalis sa palasyo.
Tahimik lang kami sa biyahe at matapos ang 20 minutes ay nakarating na kami sa pinakamalapit na karagatan dito sa kaharian.
"Mukhang wala masiyadong tao" sabi ko kay Alex ng makalabas kami sa sasakyan niya.
"Mas mabuti nga ito at masosolo kita" nakangising sagot niya sa akin at tinaas taas pa ang kaniyang dalawang kilay.
"Tumahimik ka Alex!" Sita ko sa kaniya na tinawanan niya lang.
Kinuha niya na ang bag na naglalaman ng mga gamit namin at pumunta na kami sa karagatan.
Pumwesto kami sa walang tao at naglatag na kami ng sapin sa buhangin at naupo kami ritong dalawa.
"Ilalabas ko lang ang mga pagkain natin para kapag nagutom ka ay di ka na mahirapang kumuha pa" sabi ni prince Alex sa akin at ako naman ay nakatingin lang sa karagatan, ang sarap sa tainga ng tunog ng mga alon sa dagat. "Ang ganda dito Alex" sabi ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa karagatan.
"Mas maganda dito mamaya kapag palubog na yung araw mga ilang minuto na lang rin naman." sabi niya sa akin.
"Alex thankyou ha❞ biglang sambit ko sa kawalan.
"Para saan naman Sky?" tanong niya sa akin.
"Wala, nagpapasalamat lang ako kasi dumating ka sa buhay ko" sabi ko sa kaniya.
"Alam mo Sky masaya ako na dumating ka sa buhay ko, hindi ko nga akalain na magkakagusto ako sayo pero hindi talaga kakayanin ng puso ko kapag nakikita kang kasama ng iba gusto ko akin ka lang, akin lang yung katawan mo at lahat sayo" sambit ni prince Alex
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Sana Alex kahit anong mangyari ay magtiwala tayo sa isa't isa para tumagal pa tayo" sabi ko rito.
"Oo naman Sky, mangako ka rin sana na sasabihin natin sa isa't isa ang mga problema natin at wala tayong itatagong sikreto" banggit niya sa akin. Nilingon ko naman siya at nakatingin lang din siya sa akin.
"Pangako Alex" seryosong sabi ko sa kaniya.
"Salamat!" wika niya at niyakap niya ako.
Gumanti naman ako ng yakap sa kaniya at damang dama ko ang pagmamahal namin sa isa't isa, ang saya ng puso ko ngayon at dahil iyon kay prince Alex. "Tara kumain na muna tayo at maya maya lang ay lulubog na ang araw" sabi ko sa kaniya pagka-alis ko sa yakap.
"Mabuti pa nga tutal gutom na ako" sagot niya sa akin.
Kumain muna kaming dalawa ng ginawa kong sandwich, ito lang ang dinala naming pagkain dahil meryenda lang naman namin ito.
Masaya kaming kumain habang pinagmamasdan ang magandang tanawin ng karagatan.
Pagkatapos naming kumain ay napansin kong palubog na ang araw kaya kinausap ko si prince Alex.
"Alex, gusto ko humiling tayong dalawa habang palubog ang araw" sabi ko rito at nagtaka naman siya.
"Ha? Bakit naman tayo hihiling?" tanong niya sa akin.
"Diba kapag may shooting star humihiling ang mga tao?" wika ko
"Pero hindi naman yan shooting star eh" reklamo niya sa akin.
"Iba sa atin Alex, humiling tayong dalawa habang palubog ang araw at malay mo magkatotoo rin" pagpupumilit ko rito
"Sige na nga, gusto mo to eh" sagot niya kaya pumikit na kaming dalawa.
Hinihiling ko na sana ay mag tagal pa kaming dalawa ni Alex at sana kung may pagsubok mang dadating sa aming dalawa ay makayanan namin ito.
Dumilat na ako at pagdilat ko ay nakatingin lang sa akin si prince Alex.
"Humiling ka na ba? Lumubog na yung araw oh" sabi ko sa kaniya
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Di na ako humiling kasi andito ka na sa tabi ko❞ kinilig naman ako sa sinabi sa akin ni prince Alex.
"Sira!" wika ko sa kaniya at umiwas ng tingin.
Naramdaman ko na hinawakan niya ang baba ko at hinarap niya ang mukha ko sa mukha niya.
"Ang cute mo pag namumula Sky at nakaka adik ang labi mo ang sarap halikan" seryosong saad nito at nakatitig lang sa mga labi ko.
Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko at ito na malapit na kaming maghalikan ng biglang tumunog ang Cellphone niya. "Tss, istorbo naman" inis na sambit nito at kinuha ang cellphone niya at sinagot ang tawag.
"Hello? Kuya Berto?" bungad nito.
Bakit kaya siya tinawagan ni kuya Berto?
"Ho? Ano daw po yun?" tanong nito
"Sige po pauwi na kami ni Sky" huling sagot nito at ibinaba na ang tawag.
"Bakit daw Alex?" agad na tanong ko rito
"Hinahanap daw ako ni Ama at may importante itong sasabihin sa akin" di ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan dahil doon.
"Ano naman ang sasabihin niya sayo?" tanong ko muli sa kaniya
"Hindi ko rin alam eh, mabuti pa umuwi na tayo" sabi niya sa akin.
"Sige tara na" wika ko at tatayo na sana ng pigilan niya ako.
"Wait nakalimutan ko yung kiss ko" sabi niya at hinalikan ako sa labi.
"Yan ok na❞ simpleng sabi nito at tumayo na kaming dalawa.
Iniligpit na namin ang ginamit namin at tumungo na sa sasakyan.
Mukhang importante ang sasabihin ng hari sa kaniya kaya siya pinapatawag nito.
Nang makapasok kami sa sasakyan ay pinaandar niya na ito at tinungo na namin ang Palasyo.