The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 33



Skyler's Pov

Umaga na ng magising ako pero hindi ko pa dinidilat ang mga mata ko dahil dinadama ko pa ang katawan ni prince Alex.

Hindi pa rin ako makapaniwalang kami na talagang dalawa, hindi ko na ninais pang magpaligaw sa kaniya dahil mahal ko naman na talaga siya simula umpisa pa lang. Inilakbay ko ang kamay ko at naramdaman kong nakahubad ng pang itaas si Prince Alex kaya hinawakan ko ang matitigas na anim na pandesal sa katawan nito. Ayoko pa rin dumilat at sapat ng mahawakan ko ang katawan niya.

Habang dinadama ko ang mga Abs niya ay nabigla ako ng may biglang humawak sa kamay ko at inilagay ito sa kung saang bagay na matigas.

Hindi pa rin ako dumilat at pinisil ko ang matigas na bagay na nahahawakan ko.

"Ugh ugh" narinig kong ungol ng kung sino kaya napadilat ako at nagulat ako ng makita ang aking mga kamay na nasa gitna ng mga hita ni prince Alex at siya rin yung umuungol dahil sa pagpisil ko doon sa matigas na bagay na nasa gitna ng mga hita niya.

"Akala ko ba di ka pa ready Sky?" nakangising tanong nito sa akin

"Bastos ka!" sagot ko at inalis ko na ang kamay ko doon.

"Sabihin mo lang Sky kung ready ka na ngayon kasi ako ready ako kahit kailan pa yan" wika nito sa akin na nagpainit ng mga pisngi ko

"Sira ka talaga, tumayo ka nga diyan at maligo ka na dahil aalis tayo" sagot ko sa kaniya

"Saan naman tayo pupunta Sky? Hindi ba pwedeng dito na lang tayo maghapon at yayakapin lang kita?" sambit nito sa akin

"Hindi pwede, gusto kong pumunta sa simbahan" sagot ko sa kaniya

"Simbahan? Ano namang gagawin natin doon Sky?" tanong sa akin ni prince Alex.

"Pinangako ko kasi sa sarili ko na kapag nagkaroon ako ng kasintahan ay sabay kaming pupunta sa simbahan para magpasalamat" paliwanag ko sa kaniya at kita ko namang lumiwanag ang mukha niya. "Ang sweet naman ng prinsesa ko❞ napatingin naman ako sa sinabi nito sa akin.

"Prinsesa?" takang tanong ko sa kaniya

"Oo, simula nung sinagot mo ako ay ikaw na ang prinsesa ko at ako naman ang prince charming mo❞ nakangiting sambit nito sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at kinilig naman ako dahil doon.

"Corny mo❞ pagsisinungaling ko sa kaniya

"Corny daw pero namumula ka na diyan" asar nito sa akin.

"Sira! Sige na maligo ka na maliligo na din ako sa silid ko" sabi ko at palabas na sana pero pinigilan ako nito

"Sabay na tayong maligo para makapag simba agad tayo" sabi nito sa akin at tinaas taas pa ang kaniyang mga kilay.

"Bastos! Sige na lalabas na ako" sabi ko at nakita ko naman siyang tumawa.

Lumabas na ako at nagulat ako dahil paglabas ko ay nakita ko ang mahal na reyna kaya agad akong yumuko dito bilang paggalang.

"Galing ka sa silid ng anak ko? Diyan ka ba natulog?" natigilan naman ako sa tinanong niya sa akin.

"Ah-eh hindi po mahal na reyna may inutos lang po siya" pagsisinungaling ko sa kaniya

"Ganun ba? Sige" sabi niya at umalis na.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Pumasok na ako sa silid ko at buti na lang hindi ko nasabing doon ako natulog siyempre kahit kami na ni prince Alex ay kailangan naming mag-ingat para hindi kami mabisto agad. Inalis ko muna sa isip ko iyon at pumasok na ako sa banyo upang makaligo na.

Matapos kong maligo at makapagbihis ay dumiretso na ako sa loob ng silid ni prince Alex at nakabihis na rin ito, lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap.

"Hmm ang bango ng prinsesa ko" sabi niya at bigla niyang dinilaan ang leeg ko

"Ugh Alex" pag ungol ko sa ginawa niya

"Sorry Sky di ko lang mapigilan ang sarili ko" pagpapa-umanhin nito sa akin.

"Ok lang Alex tara na para makapag simba na tayo" sabi ko sa kaniya at lumabas na kami sa kaniyang silid.

Dumiretso kami sa garahe at pumasok sa kotse ni prince Alex, kami lang dalawa ngayon dahil gusto raw ni prince Alex na masulit ang mga oras na magkasama kaming dalawa. Pinaandar niya na ang kotse at nilisan na namin ang palasyo.

Matapos ang sampung minutong biyahe ay nakarating na kami sa simbahan ng kahariang ito at konti lang ang tao dahil hindi pa naman linggo ngayon.

"Pasok na tayo" yaya ko sa kaniya

"Sige tara" sagot niya sa akin at pumasok na nga kami.

Pumwesto kami sa unahan at lumuhod agad ako gumaya naman sa akin si prince Alex.

"Mag dasal na tayo" nakangiting wika ko sa kaniya na tinanguan naman nito.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! Pinikit ko ang mga mata ko at nagsimulang magdasal.

Lord, salamat po at binigyan niyo ako ng isang katuwang sa buhay sana po ay magtagal pa po kaming dalawa, i-guide niyo po kaming dalawa sa mga desisyong gagawin namin at sana ay siya na talaga ang lalaking makakasama ko sa habang buhay, Amen.

Dumilat na ako at nakita ko naman si prince Alex na nakatingin sa akin.

"Mukhang seryoso ka ah? Ano bang ipinagdasal mo?" tanong niya sa akin

"Secret, ayoko sabihin baka hindi magkatotoo" sagot ko sa kaniya.

"Dami mong alam hahahaha" natatawang banggit nito sa akin na tinawanan ko lang din.

"Tara gala muna tayo" pagyaya sa akin ni prince Alex

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko rito

Lumapit siya sa tainga ko at bumulong.

"Sa langit" mahinang bulong nito sa akin kaya nahampas ko ito sa braso

"Alex ano ba nasa simbahan tayo oh" pag sita ko rito pero tinawanan niya lang ako.

"Ikaw naman di ka na mabiro, kahit saan lang tayo pumunta basta kasama kita masaya na ako" seryosong sambit nito sa akin.

Hindi ko malaman sa lalaking ito, minsan bastos kung mag-isip pero kadalasan naman ay napaka sweet niya sa akin.

"Tara, kahit saan mo pa ako dalhin basta kasama kita ay okay lang sa akin" sagot ko sa kaniya

"Mahal kita aking Prinsesa" sabi niya sa akin.

"Mahal na mahal rin kita aking prinsipe" sagot ko at hinalikan ito sa labi.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.