The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 32



Alexander's Pov

Gabi ngayon at sobrang gulo na ng isip ko, iniisip ko kung kaya ko pa bang labanan tong nararamdaman ko para kay Sky.

Nandito ako sa silid ko ngayong gabi at hindi ako lumabas katulad nung mga nakaraang araw, kasama ko lang naman ang mga kaibigan ko kapag umaalis ako.

Sobrang miss ko na si Sky at sinisigaw ng puso ko na puntahan siya at kausapin para maging okay na kaming dalawa pero ang isinisigaw ng utak ko ay kailangan kong pigilan itong nararamdaman ko para sa kaniya kasi hindi ito tama. Pero naisip ko rin na meron bang tama at mali sa pagmamahal? Ang alam ko kapag nagmahal ka hindi na mahalaga kung anong kasarian, edad at iba pa man ang mahalaga lang ay alam mo sa sarili mo na mahal mo siya. Napatayo ako at nakapag-decide na ako! Kakausapin ko na si Sky kasi hindi ko na kayang iwasan pa siya.

Lumabas ako sa silid ko at tinungo ang kusina upang puntahan si Sky, sumalubong sa akin doon ang isang katulong na naghuhugas ng plato.

"Where's Sky?" agad siyang napatingin sa akin ng magsalita ako.

"Ah mahal na prinsipe kayo po pala" sagot nito sa akin.

"Asan si Sky?" tanong ko ulit sa kaniya.

"Na-nakita ko po sila ni Ash pumunta sa tuktok ng palasyo" diretsong sagot nito sa akin.

Bigla naman nag-iba ang pakiramdam ko ng marinig ang sagot nito.

"Kasama niya si Ash?" may diing tanong ko sa kaniya at napansin konv natatakot na siya sa akin.

"O-opo" pagkasabi niya nun ay dali dali akong umakyat sa tuktok ng palasyo.

Pagkarating ko doon ay nandilim ang paningin ko sa nasaksihan ko dahil nakita ko lang naman silang magkayakap, hindi na ako nag-atubili pa at sinugod ko na sila.

F*CK YOU!" Sigaw ko kay Ash at mukhang nagulat naman sila sa pagdating ko.

Hindi ko na napigilan ang galit na nararamdaman ko at hinatak ko si Ash paalis sa yakap nila ni Sky at agad ko itong sinapak.

Napahiga na siya sa sahig pero patuloy ko pa rin itong sinasapak at hindi naman siya gumaganti sa akin.

"ALEX STOP!!" Napahinto ako ng biglang sumigaw si Sky at nainis naman ako kasi si Ash talaga ang kaniyang nilapitan.

"Kakampihan mo talaga yang lalaking yan?" galit na tanong ko sa kaniya

"Wala kaming ginagawang masama Alex!" sagot niya sa akin, wala daw pero magkayakap na nga silang dalawa?

"Sumama ka sa akin!" Sabi ko kay Sky at bigla ko siyang hinatak paalis dito.

"Alex bitawan mo ako" wika niya sa akin pero hindi ko siya pinansin

Kailangan ko siyang ialis dito dahil baka di ulit ako makapag timpi at masapak ko ulit yung lalaking yun, hinatak ko siya pababa at diniretso ko siya sa silid ko at sinarado ko muna ang pinto bago ko siya binitawan. "Mukhang nasisiyahan ka ata sa hindi ko pangingialam sa buhay mo?" sarcastic na tanong ko sa kaniya.

"Ano pang problema mo Alex?" tanong niya sa akin, kung alam mo lang Sky!

"Ikaw! Ikaw ang problema ko Sky!" Sigaw ko sa kaniya, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Ako?" tanong niya sa akin.

"Oo, hindi ko alam Sky kung bakit ako nagkakaganito tuwing nakikita kang kasama ng iba, sinubukan kong pigilan pero hindi ko na kaya!" paliwanag ko sa kaniya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"A-alex" tanging sagot niya sa akin

"Nakita lang kitang yakap ng iba Sky parang dinudurog na ang puso ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, gusto kita Sky" pag-amin ko kay Sky, buti na lang at nailabas ko na ang nararamdaman ko. "Anong ibig sabihin nito Alex?" tanong niya sa akin.

Hinawakan ko ang mukha niya at lumapit ako sa kaniya.

"Mahal kita Sky!" Seryosong saad ko sa kaniya.

"Alex hindi magandang biro to" sabi ni Sky.

"Hindi ako nagbibiro Sky, Mahal kita at ngayon ay sigurado na ako sa nararamdaman ko para sayo" paliwanag ko sa kaniya

"Umaasa ako na gusto mo rin ako Sky" tanong ko pa sa kaniya, sana magustuhan niya ang isang tulad ko kasi siya gustong gusto ko siya.

"Sky sabihin mo naman sa akin kung may nararamdaman ka para sa akin kasi ako gustong gusto kita" sinabi ko iyon habang nakatitig kami sa isa't isa

"Gusto din kita prince Alex matagal na" napangiti naman ako sa sinabi ni Sky sa akin, gusto niya rin ako!

"Yes! Thankyou Sky, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon" nakangiting saad ko sa kaniya at bigla naman akong napayakap sa kaniya "Masaya rin ako prince Alex kasi nagustuhan mo ang isang tulad ko❞ banggit ni Sky.

Humiwalay sako sa yakap namin at tiningnan ko siya sa mga mata niya.

"So ibig bang sabihin nito Sky tayo na?" tanong ko sa kaniya.

"Oo prince Alex tayo na!" muli akong napayakap dahil sa labis na kasiyahan.

"Sh*t, salamat talaga Sky!" masayang banggit ko sa kaniya.

Humiwalay ako sa yakap at dahan dahan kong ibinaba ang mukha ko sa mukha niya hanggang sa maglapat ang mga labi namin.

Una pa lang na mahalikan ko si Sky ay parang naadik na ako sa mga labi nitong malambot kaya gustong gusto ko siyang halikan palagi.

Naging mapusok ang halikan naming dalawa at kapwa namin pinaramdam sa mga sarili namin kung gaano namin kagusto ang isa't isa.

ipinasok ko ang dila ko sa loob ng bibig niya at di naman siya umangal bagkus ay nakipaglabanan pa ito sa aking dila.

Agad na naglakbay ang kamay ko at ng mahawakan ko ang pwet niya ay naramdaman kong malambot ito kaya pinisil ko ito pero tinulak niya ako ng mahina kaya naputol ang halikan namin. "Sorry Alex pero hindi pa ako ready sa ganiyan" nahihiyang saad niya sa akin.

"Ok lang Sky nirerespeto kita at handa naman akong maghintay hanggang sa maging handa ka na❞ seryosong sagot ko sa kaniya

"Salamat Alex" wika niya.

"Pero Sky simula ngayon ay dito ka na sa silid ko matutulog" sabi ko sa kaniya, gusto ko kasi na bago at pagkatapos kong matulog ay mukha niya agad ang bubungad sa akin. "Pero baka makahalata ang mga tao dito sa palasyo" sabi niya sa akin.

"Ako bahala Sky kaya sana pagbigyan mo na ako sa gusto ko❞ pacute na wika ko sa kaniya at nag pout pa ako.

"Ok sige na!" nakangiti nitong sagot at pinisil ang pisngi ko.

"Yes! Tara matulog na tayo" agad na sabi ko at hinila ko na siya pahiga sa kama.

Ang saya kasi kasama ko yung taong mahal ko at gagawin ko ang lahat para magtagal kaming dalawa.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.