Chapter CHAPTER 31
Skyler's Pov
Alas-otso na ng gabi ngayon at hindi ko pa rin nakaka-usap si prince Alex, kumukuha pa kasi ako ng lakas ng loob para naman maharap ko siya ng maayos.
Narito kami ngayon ni Ash sa tuktok ng palasyo at hindi naman dito madilim dahil may mga ilaw sa gilid nito kaya nakakakita pa naman kami.
Kanina pa ako pinipilit ni Ash na puntahan si prince Alex pero hindi ko naman siya sinusunod dahil hindi naman ganun kadali yun lalo na at hindi naman kami okay, mabuti sana kung ayos kami kahit ano pang iutos niya sa akin na may kinalaman kay prince Alex ay gagawin ko.
"Skyler anong oras na oh baka abutin ka pa ng bukas, hindi matutuwa sayo ni Nanay kapag hindi ko nasunod paki-usap niya sayo" sabi sa akin ni Ash
"Eh hindi pa talaga ako ready Ash, Hindi naman ganun kadali yun" sagot ko sa kaniya
"Kailangan mong lakasan loob mo Skyler kapag hindi mo ginawa yun dadami pa yung mapapagalitan niyang mga katulong, gusto mo ba yun?" sambit nito sa akin. "Kinonsensiya mo pa talaga ako no?" wika ko rito
"Sige na kasi Skyler, naniniwala ako sayo kaya mo yan!" saad nito sa akin
"Ok fine, dahil sa pagpupumilit mo kakausapin ko na siya!" sagot ko sa kaniya
"Yeess!" masayang sambit nito at nagulat naman ako ng bigla itong napayakap sa akin.
"F*CK YOU!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw at napansin kong si prince Alex ito.
Bigla niyang hinatak si Ash at sinapak ito, nakatulala lang ako sa kanila dahil nagulat ako sa bilis ng pangyayari.
Nakahiga na sa sahig si Ash pero patuloy pa rin si prince Alex sa pag sapak rito, naawa naman ako bigla kay Ash.
"ALEX STOP!!" Sigaw ko at buti naman ay tumigil siya, agad akong lumapit kay Ash at inalalayan ito kitang kita ko ang mga dugo sa labi niya dahil pumutok ang mga ito.
"Kakampihan mo talaga yang lalaking yan?" galit na tanong sa akin ni prince Alex
"Wala kaming ginagawang masama Alex!" sagot ko rito
"Sumama ka sa akin!" Nagulat naman ako ng bigla ako nitong hinatak.
"Alex bitawan mo ako" wika ko sa kaniya
Hindi siya sumagot sa akin at patuloy pa rin siya sa pag hatak sa akin.
Hinatak niya ako pababa doon sa tuktok ng palasyo at nakarating kami sa loob ng silid niya, agad nitong sinarado ang pinto at binitawan ako.
"Mukhang nasisiyahan ka ata sa hindi ko pangingialam sa buhay mo?" sarcastic na tanong nito sa akin.
"Ano pang problema mo Alex?" tanong ko sa kaniya
"Ikaw! Ikaw ang problema ko Sky!" sigaw nito sa akin
"Ako?" tanong ko rito.
"Oo, hindi ko alam Sky kung bakit ako nagkakaganito tuwing nakikita kang kasama ng iba, sinubukan kong pigilan pero hindi ko na kaya!" paliwanag nito sa akin "A-alex" yan lang ang lumabas sa bibig ko
"Nakita lang kitang yakap ng iba Sky parang dinudurog na ang puso ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, gusto kita Sky" natigilan naman ako sa sinabi niya Gusto ako ng isang prinsipe? Totoo ba to?
"Anong ibig sabihin nito Alex?" tanong ko sa kaniya
Hinawakan niya ang mukha ko at lumapit sa akin.
"Mahal kita Sky!" biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni prince Alex
"Alex hindi magandang biro to" sambit ko sa kaniya
"Hindi ako nagbibiro Sky, Mahal kita at ngayon ay sigurado na ako sa nararamdaman ko para sayo" paliwanag niya sa akin.
"Umaasa ako na gusto mo rin ako Sky" dugtong pa nito, ito na ba yun? Aamin na ba ako?
"Sky sabihin mo naman sa akin kung may nararamdaman ka para sa akin kasi ako gustong gusto kita" nakatitig lang kaming dalawa sa mga mata namin habang nag-uusap at kapwa namin dinadamdam ang pangyayaring ito. "Gusto din kita prince Alex matagal na" pag-amin ko sa kaniya at nakita ko naman na lumawak ang mga ngiti niya sa mukha.
"Yes! Thankyou Sky, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayon" nakangiting saad nito at bigla akong niyakap.
"Masaya rin ako prince Alex kasi nagustuhan mo ang isang tulad ko" sambit ko sa kaniya habang magkayakap kami.
Humiwalay siya sa yakap namin at tiningna ako sa mga mata. "So ibig bang sabihin nito Sky tayo na?" tanong niya sa akin. "Oo prince Alex tayo na!" sagot ko at niyakap niya muli ako. "Sh*t, salamat talaga Sky!" masayang banggit nito sa akin.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! Humiwalay siya sa yakap at dahan dahan niyang ibinaba ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa maglapat ang mga labi namin.
Sobrang sarap nitong halik na ito at sobrang meaningful kasi ito yung una naming halik ngayong kaming dalawa na.
Naging mapusok ang halikan naming dalawa at kapwa namin pinaramdam sa mga sarili namin kung gaano namin kagusto ang isa't isa. Ginagalugad ng dila niya ang bibig ko at siyempre lumaban din ang dila ko at para kaming nag-eespadahan sa loob ng mga bibig namin. Naramdaman ko na pinisil ni prince Alex ang pwet ko kaya naitulak ko siya ng mahina at naging dahilan iyon para matigil ang aming halikan. "Sorry Alex pero hindi pa ako ready sa ganiyan" nahihiyang saad ko sa kaniya
"Ok lang Sky nirerespeto kita at handa naman akong maghintay hanggang sa maging handa ka na❞ seryosong sagot nito sa akin. "Salamat Alex" wika ko.
"Pero Sky simula ngayon ay dito ka na sa silid ko matutulog" nagulat naman ako sa gusto nitong mangyari
"Pero baka makahalata ang mga tao dito sa palasyo" sabi ko sa kaniya
"Ako bahala Sky kaya sana pagbigyan mo na ako sa gusto ko❞ banggit nito habang naka pout.
"Ok sige na!" nakangiti kong sagot at pinisil ang pisngi niya.
"Yes! Tara matulog na tayo" sabi niya at hinila niya ako pahiga sa kama niya.
Napakasaya ko ngayong gabi dahil naging kami na ng taong matagal ko ng gusto, sana hindi siya magsawa sa akin at ako pa rin ang mahalin niya hanggang dulo. Natulog kaming magkatabi noong gabing iyon at natulog kaming parehong may ngiti sa mga labi.