Chapter CHAPTER 30
Skyler's Pov
Lumipas ang isang linggo at hindi pa rin kami nagpapansinan ni prince Alex.
Pinanindigan naming dalawa na kaya namin kumilos kahit wala ang isa't isa sa tabi namin, narito pala ako ngayon hardin ng palasyo at dinidiligan ko ang mga halaman at bulaklak na narito. Ala-una na ng hapon ngayon at wala naman akong ginagawa kaya tumutulong na lang ako sa mga gawain dito sa palasyo.
Isang linggo na rin akong hindi nakakapasok sa silid ni prince Alex at kapag kailangang linisin ang silid niya ay sa iba niya ito pinapagawa.
Napapansin ko lang kay prince Alex na sa loob ng isang linggo ay parati itong umaalis at gabi na kung umuwi minsan lasing siya umuwi pero minsan hindi naman.
Siguro gusto nga talaga akong iwasan ni prince Alex kaya wala siya lagi rito sa palasyo, masakit sa puso iyon para sa akin kasi lagi na kaming magkasama tapos sa isang away lang nagbago na ang lahat. "Oy baka malunod na yung mga halaman diyan" napabalikwas ako ng may magsalita sa likod ko.
Tiningnan ko ito at si Ash lang pala iyon, pinatay ko na ang tubig at inilapag ko muna ang garden hose na ginamit ko sa pagdidilig.
"Ay sorry hindi ko namalayan" pagpapaumanhin ko sa kaniya
"Iniisip mo na naman ba siya?" tanong nito sa akin.
Alam na ni Ash ang nangyari sa amin ni prince Alex dahil sinabi ko ito sa kaniya, nagpapasalamat nga ako kasi sa loob ng isang linggo ay siya yung taong naging kasama ko rito sa palasyo.
Ginagawa niya talaga lahat para lang maaliw ako at napatunayan ko talaga na napakabait niyang kaibigan.
Alam niya rin na may gusto ako kay prince Alex at wala naman daw siyang gusto sa akin dahil inaasar niya lang daw si prince Alex.
"Hi-hindi ah" sagot ko rito sabay iwas ng tingin.
"Wag mo akong lokohin Skyler, halatang halata sa mga mata mo" sabi nito sa akin, mukhang wala akong matatago sa lalaking ito ha?
"Fine oo na pero kasi diba ang tagal naming nagsama tapos hindi na lang kami magpapansinan bigla? Ang hirap kaya mag adjust" paliwanag ko rito
"Naiintindihan naman kita pero ang tanong ko sayo, gusto mo ba talagang kalimutan yang nararamdaman mo?" natigilan naman ako bigla sa tinanong ni Ash sa akin.
"Alam ko na yung sagot, sa mga mata mo pa lang alam na alam ko ng ayaw mo siyang kalimutan" dugtong pa nito sa akin.
"Ano pa bang magagawa ko eh nahulog na talaga ako sa kaniya?" sambit ko rito
"Pero hindi ka naman kayang saluhin" asar nito sa akin pero nakaramdam naman ako ng lungkot dahil doon.
"Biro lang yun ano ka ba, pero ito lang masasabi ko sayo kapag gusto mo talaga siya dapat hindi ka matakot na ipaglaban siya at isa pa alam ko namang pasasaan din at magbabati rin kayong dalawa" sabi niya sa akin na ikinangiti ko naman. "Salamat ha, mabuti na lang talaga at mayroon akong kaibigan na tulad mo" sagot ko rito
"Wala yun tsaka tigilan mo ang pagdadrama mo hindi bagay sayo" natawa naman kaming dalawa sa sinabi niya.
"Maglalandian lang ba kayo dito?" napatigil kami sa pagtawa ng magsalita si prince Alex sa likod namin.
"Ah mahal na prinsipe hindi po-" sabi ni Ash pero pinutol siya nito.
"Waka akong pake sa sasabihin mo, kumilos kayo hindi yung puro landian ang inatupag niyong dalawa❞ matigas na saad nito sa aming dalawa pero bakit ganun sa akin lang siya nakatingin. Umalis naman siya agad matapos niya kaming pagsabihan ni Ash.
Bakit ba hindi nakikinig yung lalaking yun sa paliwanag ng iba? Kung ano yung nakita niya yun na yung pinaniniwalaan niya, hindi ba pwedeng pakinggan niya muna kaming magpaliwanag? "Ash pag pasensyahan mo na si prince Alex ha, hindi lang siguro maganda ang gising niya" paumanhin ko kay Ash
"Hindi mo naman kailangang humingi ng pasensya Skyler kasi hindi mo naman kasalanan at isa pa sanay na ako sa ugali ng prinsipe natin ay mali prinsipe pala ng buhay mo❞ nakangiting saad nito sa akin "Sira ka talaga!" yan lang ang nasagot ko sa kaniya.
"Mabuti pa ay pumasok na tayo sa loob dahil baka mangitim ka dito sa labas, ang taas pa naman ng sikat ng araw ngayon" sambit sa akin ni Ash
"Mabuti pa nga at para naman matulungan natin si Manang" sagot ko at sabay kaming pumasok sa loob ng palasyo.
Dumiretso kami sa loob ng kusina dahil lagi naman naririto si manang at pinamumunuan ang ibang katulong rito sa palasyo.
Naabutan ko naman si manang doon at mukhang problemadong problemado ito kaya agad namin siyang nilapitan ni Ash.
"Manang may problema ho ba tayo?" tanong ko sa kaniya
"Yung ibang mga katulong kasi rito may idinadaing sa akin❞ malungkot na sagot ni manang sa akin
"Ha? Ano naman iyon inay?" tanong sa kaniya ni Ash
"Nitong nagdaang linggo ay palagi na lamang mainit ang ulo ng prinsipe kaya yung ibang mga katulong ay napapagalitan niya sa simpleng dahilan lamang" wika nito sa amin
"Ganun po ba manang? Mukhang may problema lang po siguro ang prinsipe kaya siya nagkakaganun" sagot ko rito
"Pero hindi niya dapat dinadamay ang mga katulong sa problema niya kasi may damdamin rin naman sila" seryosong saad ni Ash
"Tama ka diyan anak kaya nga may gusto sana akong ipaki-usap sayo Skyler" sabi ni manang at tumingin sa akin
"Po, ano naman po iyon manang?" takang tanong ko rito
"Kung pwede sanang kausapin mo si prince Alexander para naman malaman natin kung anong problema niya at para hindi niya na rin mapagalitan ang mga katulong" nabigla naman ako sa sinabi ni manang "Pero bakit ho ako manang?" tanong ko sa kaniya, di naman sa ayaw ko pero alam niyo namang hindi kami okay ni prince Alex ngayon.
"Ikaw lang kasi ang kilala kong malapit kay prince Alexander kaya sana wag mong tanggihan ito" sabi niya sa akin
"Sige po manang susubukan ko" sagot ko sa kaniya
"Sige salamat Skyler" sambit ni manang at umalis na siya.
Susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para maka-usap siya ng maayos at sana naman hindi sumunod siya sa gusto ko.
Gagawin ko ito para sa kapakanan ng mga katulong rito sa palasyo.