Chapter CHAPTER 29
Skyler's
Pov
Maaga akong nagising ngayon dahil kahit naman nag away kami ni prince Alex ay kailangan ko pa ring gampanan ang katungkulan ko bilang Slave niya. Pumunta ako sa banyo at doon ako naligo at nang makabihis na ako ay bumaba na ako sa kusina upang ipaghanda si prince Alex ng kaniyang almusal. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaiyak ko at mabuti na lamang hindi namaga ang mga mata ko.
Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko doon si manang na nagpupunas ng mga plato.
"Goodmorning po Manang" bati ko sa kaniya pagkapasok ko.
"Goodmorning din iho, ipaghahanda mo na ba ang prinsipe ng almusal niya?" tanong nito sa akin
"Ah opo manang" sagot ko sa kaniya
"Sige iho di na kita iistorbohin" sabi niya at pinagpatuloy ang pagpupunas ng mga plato.
Habang naghahanda ako ng almusal ay biglang dumating si prince Alex.
"Manang ipaghanda niyo po ako ng Almusal ko" napatigil naman ako sa ginagawa ko ng bigla siyang nagsalita.
"Ha? Pero hindi ba si Skyler ang gusto niyong naghahanda ng almusal niyo? Ayan na nga at malapit na siyang matapos" sagot ni manang sa kaniya.
Tiningnan ko si prince Alex pero wala siyang emosyon na pinapakita sa akin.
"Ayoko niyan manang gusto ko ikaw ang gumawa ng almusal ko" sagot ni prince Alex at nalungkot naman ako sa sinabi nito dahil araw araw ay ako na ang naghahanda ng almusal niya tapos ngayon sasabihin niyang ayaw niya.
"Sayang naman po ang inihanda ni Skyler" wika ni manang kay prince Alex
"Hindi ho yan sayang manang, kung gusto niya ay kainin niya na lang mag-isa, diba Skyler?" seryoso niyang banggit sa amin
"Ah-opo mahal na prinsipe" utal na sagot ko at naramdaman ko muli ang mga namumuong luha sa mata ko pero pinigilan ko ito.
"Ganun ba? Sige mahal na prinsipe iaakyat ko na lang ang almusal niyo" sabi ni manang sa kaniya.
"Sige po at isa pa po pala, patulungin niyo sa mga gawain dito sa palasyo yan si Skyler para may gawin naman siya" nabigla naman ako sa sinabi niya sa akin, ganito ba ang sinabi niya sa akin kagabi na hindi niya na ako papakialaman? Napayuko lang ako sa mga sinabi niya dahil hindi ko siya kayang tingnan at baka bumuhos itong mga luha ko.
"Pero sino na po ang magiging katulong niyo at kasama niyo pag-aalis kayo? Ayaw niyo nga pong maalis si Skyler sa tabi niyo eh" sagot ni manang sa kaniya.
"Kaya ko na ang sarili ko manang kaya patulungin niyo na siya sa mga gawain dito sa palasyo para may magawa naman siya dahil hindi ko na siya kailangan" wika ni prince Alex at hindi ko pa rin ito tinitingnan.
"Ah opo mahal na prinsipe masusunod po" pagkasabi nun ni manang ay nakita kong umalis na siya kaya agad kong inayos ang sarili ko.
"Nag-away ba kayo ng prinsipe Skyler?" agad na tanong ni manang sa akin.
"Meron lang pong di pagkakaunawaan manang" sagot ko sa kaniya
"Naku kayong mga bata kayo ayusin niyo yan dahil hindi ako sanay na nagkakaganiyan kayo" sabi ni manang sa akin
"Ah sige po manang kayo na lang po ang magpatuloy nitong almusal niya, aakyat na po muna ako sa silid ko" sambit ko kay manang
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Sige iho" sagot ni manang.
Patakbo akong umakyat sa silid ko dahil hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko.
Nang makapasok ako sa silid ko ay sinarado ko agad ito at bigla na lang akong napaupo at unti unti ng bumuhos ang mga luha sa mata ko.
Ang sakit sakit! Hindi ko kayang ganito kaming dalawa lalo na't siya ang taong mahal ko.
Pero ito yung gusto ko diba? Yung hindi niya ako pakialaman? Bakit ako umiiyak ngayon, ako ang dahilan kung bakit kami nagkaganito.
Parang dinudurog ang puso ko sa mga sinabi niya sa akin kanina, parang pinapalabas niyang hindi niya na ako kailangan.
Siguro ay dapat ko na lang tanggapin talaga na hindi pwedeng maging kami ako lang naman tong tanga na patuloy pa rin umaasa kahit alam kong napakalabong magkagusto ang isang tulad niya sa tulad kong Slave lang. Napansin ko sa silid ko ang litrato ng mga magulang ko kaya tumayo ako at kinuha ko ito, umupo ako sa kama at tinitigan ang litratong hawak ko.
"Ma, Pa namimiss ko na kayong dalawa, sana nandito kayo kasi hindi ko kaya yung sakit" umiiyak na sabi ko habang nakatitig sa mga litrato nila.
Sana kung hindi niyo ako iniwan dito mag-isa hindi mangyayari ang lahat ng ito.
Pinunasan ko ang aking mga luha at kailangan ko munang makalanghap ng preskong hangin kaya lumabas ako sa silid at dumiretso ako sa tuktok ng palasyo.
Ang ganda talaga ng tanawin rito at nakakatulong ito sa akin kapag malungkot ako dahil nawawala ang problema sa isip ko kapag pumupunta ako rito.
"Mukhang may problema ata tayo ah?" napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Ash.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Ikaw pala Ash, paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko sa kaniya
"Nakita kitang paakyat rito kaya sinundan kita" sagot niya sa akin.
"May problema ka ba?" seryosong tanong nito at lumapit sa tabi ko
"Wala to" pagsisinungaling ko sa kaniya
"Wala eh halos maging pula na yang mga berde mong mata" napatingin naman ako sa kaniya ng sinabi niya iyon
"Joke lang di ka na mabiro❞ nakangiting saad nito
"Skyler lagi mong tandaan na kapag may problema ka lagi lang ako nandito para makinig sayo ha, hindi mo kailangang solohin ang mga problema" seryosong wika niya sa akin Lumingon naman ako sa tanawin dito sa tuktok ng palasyo.
"Salamat Ash pero hayaan mo muna sana akong solohin tong problema ko, ayaw kong idamay ka pa dito" pakiusap ko sa kaniya
"Kung yan ang gusto mo Skyler pero tandaan mo na mas nakakabuting sinasabi ang problema para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo" sabi nito sa akin pero hindi ko na siya sinagot pa. Maswerte ako at may kaibigan akong katulad niya pero ayaw ko lang talagang mandamay ng ibang tao sa problema ko.
Sa tingin ko naman kaya ko ito at pwede naman akong kumilos sa palasyo para makalimot ako at mabiti na nga siguro ito dapat ko ng ibaon sa limot ang nararamdaman ko para kay Prince Alex.