Chapter CHAPTER 28
Alexander's Pov
Umaga na ngayon at kakagising ko lang pero sa totoo lang ay hindi talaga ako nakatulog masiyado kagabi, paulit ulit lumilitaw sa isip ko ang nangyaring pagtatalo namin ni Sky. Hindi ko alam sa sarili ko naguguluhan na ako kasi ang alam ko lalaki ako kaya hindi dapat ako magkaganito sa kaniya.
Mabuti na rin muna na magkalayo kami ng kaunti para hindi na mahulog lalo ang loob ko sa kaniya kasi hindi ito pwede lalaki ako at dapat babae ang nagugustuhan ko. Hindi ko naman sinasabi na nagkakagusto ako sa ibang lalaki pero mas lalo akong naguguluhan kasi kay Sky lang ako nagkakaganito.
Hindi ko rin naman akalain na mapapatagal ako kasama si Thyra kagabi.
Flashback......
"Dito ka lang Sky ha babalik agad ako" sabi ko kay Sky at tinanguan niya lang ako kaya umalis na kami ni Thyra.
Pumunta na kami doon sa mga taong nagsasayaw at agad nitong kinuha ang kamay ko at inilagay sa kaniyang bewang, kinapit naman niya ang kamay niya sa balikat ko. Dahan dahan kaming sumayaw at nakatitig lang siya sa mga mata ko.
"Bakit ba pinilit mo akong isayaw ka?" tanong ko rito
"Bakit ayaw mo ba? Namiss lang naman kita kasi matagal na ng huli tayong nagkita" sagot nito sa akin.
"Pero nakita mo na ako at hindi mo na ako kailangang isayaw" wika ko rito
"Bakit ba ayaw mong isayaw ako?" tanong nito
"Hinihintay ako ng mga kaibigan ko doon" simpleng sagot ko sa kaniya
"Sino bang inaalala mo doon? Yung kaibigan mo o yung baklang katabi mo❞ nainis naman ako sa sinabi niya tungkol kay Sky
"Stop it Thyra, wag mong pagsalitaan ng ganiyan si Sky!" matigas na sambit ko sa kaniya
"Bakit ano mo ba yung Sky na yun?" natigilan naman ako sa tanong niya, ano nga ba si Sky sa akin?
"Ka-kaibigan ko siya" utal na sagot ko rito.
"Kaibigan nga lang ba talaga?" tanong niya sa akin, binitawan ko siya at tumigil kami sa pagsasayaw.
"Tama na Thyra babalik na ako doon" sabi niya pero pinigilan ako nito.
"Hindi pwede samahan mo muna ako" bigla naman ako nitong hinila
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko
"Basta sumama ka na lang sa akin" sabi ni Thyra sa akin.
Hinila niya ako hanggang sa marating namin ang lamesa kung saan naroroon ang mga magulang ko pati ang magulang niya.
"Oh Alexander, mabuti naman at kasama mo si Thyra" bungad sa akin ni Ama
"Oo nga anak umupo na kayo at magkwentuhan tayo dahil matagal rin tayong hindi nagkita kita" banggit ni Ina kaya umupo na kami ni Thyra.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Lumipas ang mga oras at hindi ko na ito namalayan dahil puro tanong sa akin ang mga magulang ni Thyra at wala naman akong nagawa kundi sagutin ito dahil narito ang aking mga magulang. Naalala ko si Sky kaya kahit nandito pa ang aking mga magulang ay nagpaalam na ako
"Excuse me po pero pupuntahan ko pa yung mga kaibigan ko" paalam ko sa kanila at umalis na agad, rinig ko pang tinawag ako ni Thyra pero hindi ko ito pinansin at inaalala ko si Sky. Nang makarating ako sa pwesto nila Sky ay ganun na lamang ang naramdaman kong galit ng makita ko silang magkayakap ni Claude at doon na nangyari ang lahat. End of Flashback..................
At eto na nga hindi na kami nagpapansinan pa ni Sky, hindi ko alam kung kakayanin kong hindi mapalapit sa kaniya pero susubukan ko ang lahat ng makakaya ko. Nakaramdam ako ng gutom ngayong umaga at usually si Sky ang naghahanda ng almusal ko pero hindi pwede ngayon dahil ayoko munang mapalapit sa kaniya. Lumabas ako sa silid ko at tinungo ang kusina, nakita ko si Sky doon na naghahanda ng pagkain pero hindi ko ito pinansin at tinawag si manang. "Manang ipaghanda niyo po ako ng Almusal ko" sabi ko kay manang at napansin kong natigilan si Sky sa ginagawa niya.
"Ha? Pero hindi ba si Skyler ang gusto niyong naghahanda ng almusal niyo? Ayan na nga at malapit na siyang matapos" sabi niya at tinuro si Sky. Tiningnan ko ito at walang emosyon ang ipinakita ko sa kaniya at tiningnan ko ulit si manang.
"Ayoko niyan manang gusto ko ikaw ang gumawa ng almusal ko" saad ko kay manang
"Sayang naman po ang inihanda ni Skyler" wika ni manang
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Hindi ho yan sayang manang, kung gusto niya ay kainin niya na lang mag-isa, diba Skyler?" seryoso kong sabi sa kanila.
"Ah-opo mahal na prinsipe" di ko alam pero parang nag-iba ang emosyon nito nung sinabi ko iyon.
"Ganun ba? Sige mahal na prinsipe iaakyat ko na lang ang almusal niyo" sabi ni manang sa akin.
"Sige po at isa pa po pala, patulungin niyo sa mga gawain dito sa palasyo yan si Skyler para may gawin naman siya" pansin kong nabigla silang dalawa sa sinabi ko. Napayuko naman si Sky sa sinabi ko, kailangan kong gawin to para hindi na siya mapalapit sa akin at mapigilan kong mahulog ng tuluyan sa kaniya.
"Pero sino na po ang magiging katulong niyo at kasama niyo pag-aalis kayo? Ayaw niyo nga pong maalis si Skyler sa tabi niyo eh" sagot ni manang sa akin
"Kaya ko na ang sarili ko manang kaya patulungin niyo na siya sa mga gawain dito sa palasyo para may magawa naman siya dahil hindi ko na siya kailangan" sagot ko at nakayuko pa rin si Sky hanggang ngayon. "Ah opo mahal na prinsipe masusunod po" pagkasabi nun ni manang ay umalis na ako sa kusina at umakyat na ako sa aking silid.
Alam kong masakit ang mga binitawan kong salita sa kaniya pero ok na rin ito para sa ikabubuti naming dalawa.
Di rin magtatagal ay magiging ganap na prinsipe na ako at kailangan kong pamunuan ang buong kaharian.
Hindi ko kayang isipin kung ano ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang nagkakagusto ako sa isang lalaki kaya habang maaga pa ay mabuti ng pigilan ko ito.
Ilang saglit lang ay inakyat na ni manang ang almusal ko kaya tinigil ko na ang pag-iisip at sinimulang kumain.