Chapter 9 Chance
Pagkatapos nang huling klase ko ay nagpunta ako sa cr nang unibersidad para makapag bihis. Unang araw ko ngaun sa coffee shop ni Dominic. Nakakainis man sabihin pero salamat kay Glen. Alam kong isa siya sa dahilan baket ako natanggap. Kahit pala ganoon iyon ay may mabuting puso. Hindi pa nga siya pumapasok kahit tapos na ang suspension niya. Hindi rin siya nagpaparamdam mula noong huli kaming nagkita. Hindi ko din alam kung baket pero may parte sa sarili ko na hinahanap ang mga kasungitan at pagiging badboy niya sa akin. Hayss.. Erase! ano na naman ba pinagsasabi ko.
Pagpasok ko nang shop ay may iilan palang na costumer. Nakita naman ako bigla ni Dom kaya naman bigla siyang lumapit sa akin.
"Good afternoon sir, Dom." bati ko agad. Malaki ang ngiti ni Dom habang papalapit sa akin.
"Ready to work, Julia?" nakangiting sagot niya. Tumango lang ako dahil medyo naiilang pa ako. Iginaya ako ni Dom sa dalawang crew na nandito ngaun. Pinakilala niya ako kay Jerome at Athena sila ang makakatrabaho ko at magtuturo sa akin nang mga gagawin.
Pag katapos ituro ni Athena ang mga gagawin ko ay hinayaan ko na siya sa mga gawain niya. Mabuti nalang at mabilis ko itong natutunan. Nakaupo ako sa counter habang nag iintay nang sunod na costumer na papasok.
Napa angat ang tingin ko sa grupo na pumasok. Napamura pa ako sa isip nang napagtanto kong grupo ito nila Trixie. Nakita ko ang seryosong paninitig ni Trixie habang si Kristele naman ay nakatingin sa akin nang masama habang nakataas ang kilay.
"May I take your order?" Tanong ko sa kanila. Lalapit na sana sa akin si Trixie pero kitang kita ko kung paano siya pinigilan nila Kristele at titigan nang masama. Umatras siya at nag iwas nang tingin sa akin.
"Two machiato and two choco frappe and four slices of blueberry cheese cake." nakangising sabi ni Kristele. Nagsimula akong pindutin ang mga order nila sa computer. After kong mapindot ay tumungin ako kay Kristele para abutin ang bayad nang order nila. Bahagya siyang natigilan na tila ba nag iisip.
"Ay sorry.. I want to cancel the cheese cake pala.." Maarteng sabi niya sabay ngisi. Malaking buntong hininga ang pinakawalan ko.
"I'm sorry ma'am, pero na punched ko na." mahinahong sabi ko.
"Are you questioning me? I said I dont want the cheese cake na!" halos magtinginan ang mga tao sa loob dahil sa pag sigaw ni Kristele. Ako naman ay abo't langit ang pagtitimping ginawa. Halos gusto na kumawala nang luha sa aking mata pero hindi ko ginawa. I don't now what's their problem para pahirapan ako nang ganito.
"What's happening here?" Napayuko ako nang biglang dumating si Dom at nakakunot ang noo. Nahihiya ako dahil unang araw ko palang sa trabaho ay may ganito agad.
"Your new crew, Dom. Binastos ako.." maluha luhang sabi ni Kristele. Halos mapairap ako dahil sa kaartehang ginawa niya. Napatingin sa akin si Dom na blanko ang mukha.
"Sir kas-" hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko nang nahawi ang daan at iniluwa si Glen na blanko din ang expression. Napatingin siya kay Trixie na medyo namutla at napa atras. Si Kristele naman ay nakipagtitigan sa kanya habang nakangisi. Bumaling ang tingin niya sa akin ng blanko pa din ang expression niya.
"I'll pay for that.." sabi niya sabay labas nang credit card sa wallet niya. Nanginginig ang kamay kong tinanggap iyon. Ang mga tao sa paligid ay nagsimula nang magbulungan.
Ibinalik ko ang credit card niya pagkatapos. Pinabalot niya ang cheese cake na dala niya. Nakahinga ako nang maluwag nang natahimik na sa shop. Nagtaka pa nga ako nang dumukdok si Glen sa lamesa. Agad akong napa iwas nang tingin nang bigla siyang bumaling sa akin. Nakakainis! baket ba hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya? ang masama pa ay palage niya akong nahuhuli.
Matatapos na ang shift ko at magsasara na ang coffee shop but Glen is still here.
"I bet type ka nung gwapo na iyon." medyo napangiwi ako sa sinab ni Athena. Kitang kita ang pamumula nang mukha niya habang nakatingin kay Glen. Well, I can't blame her for drooling over that badboy, gwapo naman talaga kase. "Tumigil ka nga Athena, mayaman yan gwapo pa. Paano mo nasabi na magugustuhan ako niyan?" pabulong na sabi ko. Naglakad na kami papunta sa locker para magpalit nang damet.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Bahagyang napahagikgik si Athena at kinurot ako sa pisngi.
"Well I guess hindi kapa nag kaka boyfriend?" tanong niya kaya kumunot lang ang noo ko.
"Makikita mo yun sa mga mata niya. The way he looks at you? iba eh., He's the type of guy na snob at dominant right?", napatingin ako sa kanya. Nagugulat ako dahil parang marunong siyang kumilatis nang tao at parang marami na siyang experience kung magsalita. I wonder if she knows Glen.
"See? just look in the eyes, Julia. Nandon palage ang sagot, believe me." sabi niya sabay talikod. Ako naman ay nagpatuloy sa pagbihis at nagmartsa na palabas.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Athena na hawak ni Dom sa beywang. Medyo nanliit pa ang mata ko. Kumindat lang si Athena sa akin at nginuso si Glen na nasa gilid.
"Julia, join us sa Lighthouse." masayang sabi ni Athena. Hindi ako kaagad nakasagot dahil never pa ako nakapag bar.. Besides, naiilang ako kay Glen na ngaun ay nakahalukipkip sa tapat ng sasakyan niya.
"Hindi ako pwede."sagot ko at sabay yuko. Naramdaman ko nalang ang kamay niya na hinihila ako.
"Oh c'mon, Julia give yourself a break. Breathe girl." natatawang sabi niya sabay hila sa akin sa sasakyan ni Glen. Si Dom naman ay nakangiti at nagkibit balikat. Biglang sumakay si Glen sa sasakyan niya at ako naman ay halos itulak ni Athena sa unahang upuan. Narinig ko pa ang pagtawa nang dalawa nang halos masubsob ako sa dibdib ni Glen. Mabilis ang naging pintig nang puso ko habang umaayos nang upo. Narinig ko pa ang mahinang mura niya sabay paandar nang sasakyan.
Pagdating namen sa Lighthouse ay halos mabingi ako sa ingay at dame nang tao sa paligid. Mausok masyado ang lugar at maraming tao. Ngaun ko lang din napagtanto ang suot kong damet. Iba't ibang babae ang nakasalubong namen na humahalik sa pisngi ni Glen at ni Dom. Napatingin agad ako sa suot ko at napahawak sa buhok. Masaket man aminin pero halatang halata na hindi ako kabilang sa mundo na ito.
"Hey. Ang tahimik mo naman masyado?" napasinghap ako nang tabihan ako ni Dom habang ang katawan niya ay yumuyugyog nang bahagya dala nang musika. Napatingin lang ako sa kanya at tipid na ngumiti. Kita ko ang pagtataka sa mukha niya kaya bahagya siyang natawa.
"You must be curious about, Kristele? she's my cousin. Sorry, may pag kabrat kase yun at nagseselos seyo.." natatawang sagot niya. So that explaine kung baket ganun maka arte si Kristele sa kanya. At nagseselos? halos matawa ako doon. Mayaman si Kristele at maganda. Ano naman ang ikakaselos niya sa katulad ko? Hinila ni Athena si Dom sa dance floor.
Napatingin ako sa kanila dahil naiwan kami ni Glen sa table. Maganda si Athena kung iyon ang pag uusapan pero kung ano sila ni Dom ay hindi ko alam. That's another story to tell.
Napatingin ako kay Glen na nakatitig sa shotglass na hawak niya. Pansin ko na nakakarami na siya nang inom nang whisky na inorder nila. Juice lang kase ang iniinom ko dahil hindi pa ako sanay sa ganoong inumin. Ramdam ko ang pag iinet nang pisngi ko sa mga titig niya. Hindi ko maibaling ang mata ko. Pakiramdam ko ay humiwalay sa sarili ko ang control nang mga mata ko at napako na lang sa kanya. Ang maingay na musika ay napalitan nang malumanay. Abo't ang pigil nang hinga ko at mabilis nag iwas nang tingin nang biglang ngumisi si Glen. Ano ba itong nararamdaman ko at bigla nalang nagbilis ang tibok nang puso ko. Naninibago ako sa pakiramdam dahil ngaun lang ako nakaramdam nang ganito. Madami pa din nagsasayaw sa dancefloor kahit malumanay na ang tugtog. Nagawi pa ang tingin ko kila Dom na ngaun ay malumanay na nakikipagsayaw kay Athena habang magkayakap sila.
Napasinghap ako nang hawakan ni Glen ang kamay ko. Pakiramdam ko ay limitado ang oxygen sa lugar na ito at sa oras na ito dahil halos habulin ko ang hininga ko. Tatangi sana ako pero nakita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya. Wala siyang sinabi pero kita mo iyon sa bawat galaw nang mga mata niya. Dahan-dahan akong tumayo habang hawak niya ang kamay ko. Sabay kaming naglakad sa dancefloor habang ang mga mata nang karamihan ay sa amin nakatutok. Hindi ko maiwasan yumuko dahil duon. Oo nga naman, si Glen Silverio ang kasama ko at nakahawak sa kamay ko. Sino ang hindi mapapatingin doon?
Nang nakarating kami sa gitna ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bahagyang napangiti si Glen marahil nakita ang pagkalito ko. Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya. Bahagya pa akong nagulat nang hapitin niya ako sa beywang ko. Halos mamura ko siya sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Sinabayan niya ang malumay na tugtog kaya unti-unti ay naging panatag ako. Nakita ko pa si Athena na malaki ang ngiti at kinindatan ako.
Nagulat ako nang biglang pumwesto si Glen sa likudan ko at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. Ramdam ko ang panghihina nang tuhod ko dahil duon. Ibang pakiramdam ang naramdaman ko ngaun. Ang mainit na hinginga niya at mabangong amoy niya ay naglaro sa pang amoy ko. Medyo nailang pa nga ako dahil pawisan ako kanina dahil sa trabaho. Hindi ko alam kung baket ganun pero ang malala ay wala akong ginawa. Hinayaan ko lang siya sa ganoong pusisyon. "Is there any chance that you'll fall for me, Julia?" halos nagtayuan ang balahibo ko sa sinabi niya. Ang bibig niya ay halos madikit na sa tainga ko. Hindi ako makapagsalita dahil doon. Agad niya akong pinaharap sa kanya. Napatitig ako sa pungay nang mga mata niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya pero kitang kita ang sensiridad sa mga mata niya.
"I don't fall for the badboy, Glen."hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon nang hindi nauutal. Bahagya siyang ngumisi at lalong idinikit ang katawan sa akin. Halos maestatwa ako nang bumulong siya sa tainga ko.
"I'll promise that this badboy infront of you will be the perfect badboy, and i'll make sure you'll fall for me, Julia."