Chapter 8 Hired
Pagkatapos nang klase ko ay diretso na ako umuwi nang bahay. Kakausapin ko sana si Trixie pero kasama na naman niya ang grupo nila Kristele kaya umiwas nalang ako. I don't know what's wrong with me or may nagawa ba ako sa kanya kung baket bigla nalang siyang naging ganoon. Umiling nalang ako with the thought. Masyado na akong madaming iniisip at iniintindi para isipin pa ang pag iinarte niya. Atleast I did my part to reach out. Kung ayaw niya, edi wag! tapos. Mga alas singko na nang hapon nang nakarating ako sa amin. Panigurado naman ay nandito na ang nanay at si Kimmy. Medyo nakaramdam nga ako nang kaonting pagod at gutom dahil hindi pa ako kumakaen maliban sa candy na binili ko kanina. Pagpasok ko sa pinto ay medyo nagulat pa ako. Lumabas nga ulet ako para tignan kung bahay nga namen ang napasukan ko. Baket may kuryente na?
Nagtataka man ako ay pumasok nalang ako. Nagmasid ulet ako saglit at napagtantong may kuryente nga kame. Natagpuan ko si nanay at si Kimmy sa mumunting silid namen na nakahiga at prenteng natutulog. Tumalikod nalang ulet ako at nagpunta sa kusina para sana magluto. Bahagya pa nga akong natigilan nang makita na maraming pagkaen at prutas sa lamesa. Nanalo ba sa jueteng si nanay?
Agad akong kumuha nang plato at nagsimulang kumuha nang pansit at piritong manok na nakahain.
"Ate?" napalingon ako kay Kimmy na ngaun ay pupungas pungas na papalapit sa akin.
"Kimmy, paano tayo nag kakuryente? at baket madaming pagkaen?"
Kumuha siya nang plato at umupo sa tabi ko. Malake ang ngiti niya habang sumasandok nang pansit.
"Nako ate, natatandaan mo ba yung gwapong lalake na tumulong sa amin ni nanay? siya ang nag bayad nang kuryente para daw guminhawa si nanay. Tapos nagdala siya nang maraming pagkaen." Sabay subo nang pansit. Napakunot ang noo ko dahil doon. Nahihiwagaan talaga ako kung sino ang lalake na tumutulong sa amin.
"Talaga? ano ba ang pangalan niya, Kimmy? at baket sobrang baet naman niya?" nagtataka kong tanong. Ano ba ang rason niya para tulungan niya kami nang ganito?
"Mr. A, lang ang sabi ate eh. Pero bata pa siya at mukhang mayaman. Sayang, kakaalis lang niya nung dumating ka."
Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanap nang part time job. Medyo napa himbing nga ang tulog nila nanay dahil may electricfan na kame. Nahihiwagaan pa din ako kay Mr. A at kung baket niya tinutulungan ang nanay ko. Pero sa kabilang banda ay nagpapasalamat ako. Mabilis akong nakarating sa coffee shop malapit sa LSU. Ang alam ko kasi ay naghahanap sila nang cashier ngaun. Tutal, fit ako sa qualification at malapet sa school ay ito na ang pinaka magandang pasukan.
Pagdating ko sa shop ay taas noo akong pumasok. Natigilan lang ako nang bahagya nang namataan ko sila Trixie, blanko ang expression niya habang nakatingin sa akin at ganoon din ang mga kasama niya. Huminga ako nang malalim at nag iwas nang tingin. Lumapit ako sa isang waiter.
"May I take your order, ma'am." nakangiting sabi nito. Ngumiti lang din ako at umiling.
"Mag aapply sana ako." Nakangiting sabi ko. Ngumiti ang waiter at lumakad papunta sa gilid kung saan may pinto at kwartong maliit. Marahil ay dito ang opisina nang may ari.
Bagsak balikat akong lumabas nang hindi ako tinanggap. I don't know what's wrong pero alam kung qualified naman ako for the job. Nakakainis! Lalo pa akong nagpuyos sa galit nang makita na kausap ni Kristele ang may ari sabay tingin sa akin at ngumiti nang nakakaloko. What the fuck! ngaun napagtanto ko kung baket hindi ako natanggap. Si Trixie naman ay nakatingin sa akin kaya agad akong nag iwas. They're giving me hard time. Ang hirap talaga maging mahirap. Huminga ako nang malalim at nag simulang mag martsa palabas. Maghahanap nalang ako nang bakanteng trabaho sa iba.
Pagkalabas ko nang pinto ay natigilan agad ako. Naabutan ko kaai si Glen na nakahalukipkip habang nakasandal sa sasakyan niya. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam nang kaba. Biglang sumagi sa aking isipan ang huling mensahe niya. I'm his priority? that's bullshit! wala lang magawa siguro sa buhay ang spoiled brat badboy na ito kaya ako ang tinatrabaho. Lalagpasan ko sana siya nang bigla niya akong hinawakan sa akin palapulsuhan. Ang mga mata niya ngaun ay mapupungay hindi katulad nang palaging malamig at tila ba walang pakealam.
"Dominic, didn't accept you?"
Nagulat ako sa tanong niya. Mga ilang saglit akong nag isip kung sino bang Dominic ang sinasabi niya.
"Kilala mo ang may ari?" tanong ko sa kanya. Napagtanto kong yung may ari pala ang Dominic na sinasabi niya. Biglang tumaas ang isa niyang kilay sa tanong ko.
"At baket alam mong nag-aaply ako? stalker ka talaga noh?"
Bahagya siyang natawa at nailing sa sinabi ko.
"Seriously, Julia?"sabay tingin niya sa resume na hawak ko. Napayuko ako dahil alam kong medyo napahiya ako nang kaonti sa sinabi ko. My god, Julia! Baket pinupush mo kase ang stalker thing mo na yan? Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hilahin at isakay sa kotse niya. Medyo nag pumiglas pa nga ako pero mas malakas siya sa akin. Mabilis siyang umikot at pinatakbo ang sasakyan niya. Seryoso siyang nakatingin sa daan habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa kanyang baba na tila ba nag iisip. Ako naman ay medyo napatitig sa kanya. Ang perpektong panga niya at matangos na ilong ang una mong mapapansin sa kanya.
"Staring is rude, Julia." Mabilis akong nag iwas ng tingin. Shocks! ramdam ko ang pag iinit nang pisngi ko dahil doon. Hindi kami nag imikan buong byahe. Tumahimik nalang ako at wala naman akong magagawa eh. Napakunot ang noo ko nang napansin kong inihinto niya ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant. Pagkaparada niya ay bigla siyang bumaba. Ako naman ay hindi alam ang gagawin kung baba ba ako or manananitili lang. Wala naman siyang sinabi kaya nanatili ako. Maya maya ay bumukas ang pinto sa side ko. Nakita ko ang masamang tingin niya sa akin kaya medyo napa atras ako.
"Baket hindi ka bumaba? ano iniintay mo jan?" medyo iritableng sabi niya. Agad akong napa irap dahil doon. My god! he's coming into my nerves again. Ano ba ginagawa namen dito? mag aapply pa ako pero sinasayang niya lang oras ko. "Baket-" hindi ko pa nasasabi ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinarap.
"Don't ask too many question, Julia. Remember.. you're still my slave." matigas na sabi niya at dumiresto pasok sa restaurant. Ugali talaga! Agad gumapang ang kaba sa dibdib ko. Buong buhay ko kasi ay ngaun lang ako nakapasok sa mamahaling restaurant kagaya nito. Napatingin pa ako sa mga taong nandoon na napako ang tingin sa amin. May ilang tinanguan si Glen at nagsimulang magmartsa sa bakanteng lamesa na pang dalawahan. Sumunod nalang din ako sa kanya at naupo.
"What do you want?"tanong niya sa akin habang ang mga mata niya ay nasa menu. Indi ako makapili at halos lumuwa ang mata ko sa presyo nang mga pagkain dito.
"I-ikaw na bahala." marahang sabi ko. Nagkibit balikat lang siya at ibingay ang order sa waiter na nakatayo sa gilid namen. Sumimsim ako nang tubig nang nakaalis ang waiter. Si Glen naman ay tamad na pumangalumbaba at nakatingin sa akin. Ramdam na ramdam ko at paninitig niya at hindi ko kayang sabayan iyon.
"Baket mo ba ako dinala dito?" umangat lang ang sulok nang kanyang labi at nagkibit balikat. Napansin ko naman na na nagtext siya at muling bumaling aa akin.
"Kelan ang balik mo sa school?" tanog ko ulet. Bahagya pa siyang napatawa sa tanong ko.
"Why? missing me already?" Ngumuso ako at umirap sa kanya. Bahagya naman humalakhak si Glen.
"Sige, maniwala ka sa sarili mong sinabi." sabay irap ko.
Dumating ang waiter at isa-isang binaba ang mga inorder ni Glen. Medyo napalunok pa ako dahil sa itsura. Mukhang masarap at ang ganda nang itsura na parang bang ayaw mong galawin. Doon sumagi sa isip ko sila nanay, magsisikap talaga ako para naman isang araw ay madala ko sila dito.
Pagkatapos namen kumain ay tumigil ako sa tapat nang sasakyan niya. Bigla kong naalala na mag aaply nga pala ako ngaun.
"Get in.." matigas na sabi niya. Agad akong umiling dahil doon. Ayokong matapos ang araw ko na wala akong nagagawa.
"I'm sorry Glen, mag aaply pa ako." mahinang sabi ko. Rinig na rinig ko ang marahas na pagbuntong hininga niya.
"You don-" hindi ko na siya pinagsalita. Umiling lang ako. Kitang kita ko ang paet na dumaan sa mga mata niya at mabilis pinaharurot ang sasakyan niya. May bahagi sa puso ko ang kumirot sa nakita ko. No! Napailing nalang ako at nagsimulang maglakad. Maya maya pa ay biglang nag vibrate ang cellphone ko. Agad ko itong inilabas at mabilis binuksan ang mensahe. From: 0906279****
-Hi there Julia, sorry for what happened early this morning. I didn't know that you're Aviel's girl. Anyway, this is to inform you that you're hired. -Dominic
Glen's girl? hindi ko na pinansn iyon. Agad aking nakaramdam ng panlulumo. Dapat matuwa ako diba? I've been so rude to Glen. Alam kong siya ang may pakana nito. And I felt sorry.. He's not that bad anyway.