The Perfect Bad Boy

Chapter 10 Good luck



Hindi ako nakatulog pagkatapos nang nangyari kagabi. Mag damag tumatakbo sa utak ko ang mga katagang binitawan ni Glen. Hindi ko mawari kung lasing lang ba siya or pinag titripan niya lang ako. Pero hindi iyon ang nakita ko sa mga mata niya. Masyadong seryoso at puno nang sinseridad ito. Pinilig ko ang ulo ko. Baket ba masyado kong dinidibdib iyon?

"Ate, kaen na." hinilot ko ang aking sentido dahil sa kirot na nararamdaman ko. Agad akong dumiretso sa aming kusina upang saluhan si Kimmy.

"Si nanay?" tanong ko kay Kimmy habang nagtitimpla ako nang kape.

"Maaga siya ngaun ate, huebes diba? araw nang palengke ngaun." Oo nga pala sa sobrang aligaga ko pati araw ay nakakalimutan ko na. "Kimmy, nasaan yung bill nang kuryente?"tanong ko habang humihigop nang kape. Plano ko kase mag CA kay Dom para bayaran iyon. "Naku ate, wala, bayad na."sagot niya kaya napakunot ang noo ko.

"Sino nagbayad?"

"Si Mr. A, ate." Nagulat ako sa sinabi ni Kimmy. Ano ba meron sa Mr. A na yan at parang sobra sobra na ang pagtulong niya sa amin? Masyado na akong nahihiwagaan sa kanya eh.

"Kimmy, sa susunod wag kana pumayag ah? nakakahiya na masyado. At wag mo muna siya paalisin sa susunod na pumunta dito para naman makilala ko."sabi ko. Tumango lang si Kimmy. Ako naman ay nagagayak na para pumasok sa skwela. Medyo nagmamadali pa ako dahil may exam kame sa algebra. Sucks! I love to study except math.

Papasok na ako nang unibersidad nang bigla akong napahinto. Namataan ko kase ang sasakyan ni Dom. Agad siyang lumabas para buksan ang kabilang door nang sasakyan niya. Tumambad sa akin ang malaking ngiti ni Athena. Napakunot agad ako nang noo dahil sa pagtataka. Nag aaral sa unibersidad na ito si Athena?

"Julia!" Malaki ang ngiti niya na lumapit sa akin. Nakasuot siya ngaun nang isang pulang dress na hapit na hapit sa katawan niya. Kumurba ang magandang katawan niya. Don't get me wrong, Athena looks classy not trashy, at the same time hot. Napatingin ako sa simpleng pantalon na suot ko ngaun at Tee-shirt na pang itaas. I hate wash day! Paulet ulet nalang ako nang sinusuot. Baket ba na-insecure ako bigla? dati naman ayos lang sa akin kahit ano ang suot ko. Baket ba? Napailing ako sa naiisip ko. Ayoko nito. Hindi ako ito.

"Athena!"tipid ang ngiting binigay ko. Kitang kita ko ang pagbabago nang expression niya. Bahagya pang tumaas ang kilay niya habang ako ay titig na titig sa kanya.

"What?"tanong niya. Natawa ako nang bahagya dahil sa reaction niya.

"Wala. Nag-aaral ka pala dito?" Sagot ko at nag simulang mag lakad. Bahagya naman siyang humagikgik sa tanong ko. "Oo, sorry ah, hindi ko nasabi. Fine arts ang course ko." biglang humina ang boses niya. Nagtataka ako pero nawala ang ningning nang mata niya. Hindi na ako nagtanong baka sabihin niya ay pakeelamera ako. Kakakilala lang namen kahapon tapos mag fefeeling close ako.

"Sige Julia, kita nalang tayo maya sa shop." tumango ako at siya naman ay nagsimula nang maglakad papunta sa department nila. Lumihis ako pakaliwa at nagmadaling maglakad papunta sa building nang klase ko ngaun. Mabilis akong tumakbo paakyat nang fourth floor. Grabe ang hingal ko pagtapat ko sa room.

Pagtapat ko nang pinto ay habol hininga ko itong binuksan. Agad akong natigilan nang nahinto si Mrs. Catindig sa kung ano man ang sinasabi niya.

"Good morning, Ms. Trinidad."alam kong sarcastic ang bati niya kaya napayuko ako.

"Sorry ma'am." yun lang ang nasabi ko at luminga linga ako para maghanap nang mauupuan. Nagsimula akong maglakad at nagpatuloy si Mrs. Catindig sa kung ano man ang sinasabi niya. Naging magulo ang klase. Nagawi ako sa dulo kung saan prenteng naka-upo si Glen habang diretso ang mata sa akin. Ilang saglit din akong napatitig sa kanya.

"Tayo!" natigil ulet si Mrs. Catindig nang nagsalita si Glen sa katabi niya. Lahat nang mata ay nasa amin na ngaun nakatingin.

"Isa!" ulet niya kaya nag mamadaling tumayo ang katabi niyang nerd na kakalase namen. Gusto ko siyang suntukin at murahin nang sunod sunod dahil sa gulo na ginagawa niya. Nanatili nalang akong nakayuko dahil sa hiya.

"Is there any problem, Mr. Silverio?" sabi ni Mrs. Catindig. Umayos nang upo si Glen at sabay itinaas ang kilay.

"I don't have problem, Miss. You? do you want to have a problem?" matigas na sabi niya. Dinig na dinig ko ang pagsinghap nang aming prof habang ang mga kaklase ko ay nabubulungan na. Napa irap ako dahil dion. Wala talagang kasing gaspang ang ugali niya.

"Upo na, Julia." halos mapalundag ako sa sinabi ni Glen. Nagmadali akong umupo at nagkunwaring inabala ang sarili. Medyo napatingin pa ako sa harap at kitang kita ko ang pag iling nang aming prof.

Napag alamanan ko na pinosponed ang aming exam. Medyo nakahinga ako nang maluwag. Kung alam ko lang hindi na sana ako pumasok para hindi napahiya nang ganito. Kahit kelan ka Silverio!

"Anong kagaguhan iyon, Glen?" Halos ibulong ko lang sa kanya. Nagpatuloy ang usapan sa klase kahit hindi ko pa alam ang nangyayari masyadong maingay. Besides, naiinis pa ako sa inarte ni Glen kanina. Palage nalang ako napapahiya dahil sa kanya.

"What?" Napailing ako dahil sa sagot niya na akala mo ay walang maling ginawa. Tsk! He'll make me fall for him? wow ha! Unang araw turn off na agad. Badboy will always be badboy.

"Mr. Silverio, everyone voted you to compete for Mr. LSU for our department." Nabaling kami pareho sa aming prof nang tawagin niya si Glen nakita ko ang pagngisi niya at pagiling. "No.." matigas na sabi niya.

"WOAAAHHH!"sagot nang mga kaklase ko.

"Si Kristele ang partner mo aarte kapa?" sigaw nang isa kong kaklase. Agad nag igting ang kanyang panga sa narinig mabilis niyang tinignan nang masama ang kaklase ko na iyon kaya agad itong tumalikod at natahimik. "You want her? di ikaw ang sumali." medyo iretableng sabi niya.

"Please.. Aviel." Nagulat ako sa biglaang pagdating ni Kristele sa tapat namen. Agad akong napa irap nang nakita ko ang pagngisi niya. I don't know why pero may nabubuong iritasyon sa sistema ko para sa kanya. Don't get me wrong hindi ako nagseselos ah? Nakakatawa lang talaga ang inaarte niya.

Hindi ako nagseselos.

"Mam! si Julia nalang kaya isali naten baka pumayag si, Aviel." Sigaw nang isa sa alipores ni Kristele. Ramdam ko ang pagngingitngit ni Kristele dahil biglang pagkuyom nang kanyang kamao.

"No! ako ang sasali! shut up Becka!" ramdam na ramdam ko ang galit sa tono nang pananalita niya. Bahagya akong napangisi. Napa 'O' naman ang iba. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kamay ni Glen sa balikat ko. Agad akong napatangin sa kanya nang masama pero nagkibit balikat lang siya. Humanda ka mamaya! Nakakarami kana.

"No worries, two pair every department will be needed. We have Kristele and Niklaus. Julia sumali kana malake ang price, malay mo manalo ka." seryosong sabi ni Mrs. Catindig. Baliw ba sila? malake ang premyo? pero malake din ang gastos, paano kung hindi ako manalo? napatingin ako sa harap. Nagawi pa nga ako kay Trixie eh pero agad siyang nag-iwas nang tingin at napayuko. Nakaramdam ako nang lungkot bigla. Namimiss ko na siya. Kung maayos kami at ganito ang situation. Alam ko mas excited siya kesa saken. Palage niya kase ako inaayusan at pinapahiram nang damet na magagamet nuon pa man. Nung high school kase kami madalas din ako masali sa ganyan. Malakas ang liob ko because Trixie was always at my side. Kahit mag kaiba kami nang school noon. Hindi ko naman siya namimiss dahil doon at sa mga na binibigay niya. I really miss the friendship we have for decades. At hindi ko alam kung ano ang nangyari.

"Sorry ma'am, I can't." halos ibulong ko. Narinig ko naman ang pagbuga ni Glen nang hangin.

"I can't do it either." malamig na sabi ni Glen.

"Ang arte naman Julia, scared of me ba?" nakangising sabi ni Kristele. Leche! kung nakamatay lang ang tingin ay napatay ko na siya. Hindi ako takot sa kanya. Hindi lang ito ang prioridad ko isa pa gastos lang ito. Malakas ang kantyawan nang klase dahil duon. At oo scared ako sa mukha niya!

"If you'll join, no need to take exam for the whole sem, Julia. Win or lose, uno kana." sagot ni Mrs. Catindig na tila ba naghahamon. What's wrong with them? kaya ko maka uno noh. Mabuting mag aaral ako kahit ayoko nang math.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"What now, Julia? papilit pa!" sagot ulet ni Kristele. Talagang iniirita niya ko ah. Kung pwede lang manabunot ngaun ay ginawa ko na. Baket ba ako ang trip na trip niya?

"Okay." taas noong sagot ko. Napangisi si Kristele dahil doon. Agad napuno nang hiyawan ang klase. Bahala na si Batman! Ayoko lang matapakan ang pride ko. This is the only thing I have. Ilulubog ko paba?

"That's my girl." napasinghap ako nang bulungan ako ni Glen. Hindi ko mawari pero nagtayuan ang balihibo ko. Tinignan ko lang siya nang masama kaya napangisi agad siya. Umayos siya nang upo. Nagulat nalang ako nang hawakan niya ang kamay ko at malakas na nagsalita.

"I'll join, then."

Bahagyang natahimik ang klase dahil sa sinabi ni Glen. Halata sa mukha nila ang pag kagulat. Maya maya lang ay napuno na ulet nang hiyawan. Ang iba naman ay halatang masaya at medyo kinikilg pa. Napangisi agad si Mrs. Catindig dahil doon. Ako naman ay lalong kinabahan.

"So its settled. Julia and Avi-" bigla nalang pinutol ni Kristele ang sasabihin nang aming prof.

"No! it's me and Aviel.." maarteng sabi niya. Napatingin ako kay Glen na halos sumabog sa galit at sama nang tingin kay Kristele. Panay pa ang mahinang pagmumura niya. Pero ang nagtataka ako, Glen didn't say anything. Alam ko kung gaano kagaspangang ugali niya pero baket tiklop siya kay Kristele? Maybe he likes her? baket ba naiisip ko iyon? ang masama pa ay naiirita ako. Kumukulo ang dugo ko. Akala ko ba gusto niya ako? baket pumayag siyang sila ni Kristele? My God! Hindi talaga ako nagseselos.

Natapos ang klase and everything was settled. Me and Klaus, Glen and Kristele. Okay, wala naman akong choice. Kung si Glen nga hindi pumalag ako pa? what the hell is wrong with me? sobrang apektado ako. May parte kase saken na umasa na ako ang pipiliin makapareha ni Glen. Well, sino ba namam ako? I'm just his slave. Si Kristele ang kalaban ko. Nagmadali akong lumabas. Dahil mabigat ang pakiramdam ko. Naramdaman ko ang pagsunod ni Glen sa akin kaya lalo kong binilisan. Naiirita ako sa di malaman na dahilan.

Nang napahinto ako at humarap sa akim si Glen ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Good luck!!" Inis na sabi ko at nilagpasan siya. What the eff!!?

Hindi talaga ako nagseselos.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.