Chapter 11 I am now your slave
"O. M. G.!!!! I saw your name sa bulletin board, Julia. Candidate ka pala nang Mr/Mrs. LSU?" sabi ni Athena while she's giggling. Nandito ako sa shop. Wala akong pasok ngaun pero may rehearsal mamaya. Nag, text pa nga si Glen na susunduin niya ako pero may kailangan lang siyang asikasuhin. Well, ewan ko ba. Nasasanay na ako sa mga pinag gagawa niya. Hinahayaan ko nalang though, hindi ko alam if he really mean what he's doing. Alam niyo naman medyo adik iyon! at ayoko lang talaga mag assume. Pero good thing naman hindi na siya masyado bossy saken yung tipong utos dito utos duon. Ewan ko nga din kung anong nangyari. Sa bilis nang pangyayari pati ako naguguluhan.
"Yeah.." walang ganang sabi ko. Agad naman ako hinila ni Athena. Mabuti nalang at sarado pa ang shop kaya marami pa kaming panahon mag chikahan. "Ay.. Baket naman hindi ka excited?" Sabi niya tapos hinila ako paupo sa dulo nang mga table. Hinintay kase namen si Sir Dom para mag start nang operation.
"Gastos lang iyon Athena, tsaka ano naman panama ko sa mga kasali doon.." Ako naman ay abala sa pag pupusod nang mahaba kung buhok.
"Duh! what's wrong with you? you're pretty smart, talented and-"pinutol ko na siya doon.
"Poorita." sagot ko. Bahagya siyang napailing dahil. Halata sa mukha niya ang pagkadismaya sa sagot ko.
"So? dahil sa gastos? don't worry tutulungan kita. I'll give you some of my clothes na hindi na nagagamet. Ako mag aayos seyo. Tuturuan kita sa talent mo! ano pa kailangan mo?" seryosong seryoso si Athena kaya medyo nakaramdam ako nang lungkot. Ganitong ganito si Trixie sa akin. She's always there for me. Hindi ko man maintindihan kung baket naging ganoon siya sa akin ay pilit ko pa din siyang iniintindi. We've been together for decades and she is almost a sister to me. Nakakalungkot lang dahil bigla nalang niya akong iniwasan.
"Hey!" napasinghap ako nang magsalita ulet si Athena. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil kahit kakakilala pa lang namen ay sobrang baet na niya sa akin. Marahan akong tumango. "Wala na. Thankyou."
Dumating na si Dom. Agad siyang lumapit kay Athena na malake ang ngiti at hinalikan sa noo. Agad akong napaiwas nang tingin sa scenario. Ano kaya ang pakiramdam nang may boyfriend? at Baket ba si Glen ang naisip ko? Oh jusko! malala na ang utak ko. Binati niya ako at ganoon din ako. Maayos naman ang naging takbo nang shop. Nang magtatanghali na ay nagsimula na akong ayusin ang sarili para pumasok. Mabuti nalang mabaet si Dom at sinasabay ang sched ko sa pasok ko sa shop. Malapit na din kase ang foundation day nang school at doon na din gaganapin ang pageant. Actually, kaya nga ako papasok dahil sa rehearsal sa contest. Gusto ko na nga umatras pero nagagalet si Athena. Sayang din ang premyo. Sige, bigyan mo nang pag asa ang sarili mo Julia! Napag alaman ko din kanina na sumali na si Athena sa competisyon. Grabe! ganoon ba ako ka busy sa buhay para hindi malaman ang mga nangyayari sa skwelahan ko mismo? Dati naman tahimik lang at simple ang buhay ko. Pero nang dumating si Glen hindi lang buhay ko ang nabago. Meron din sa nararamdaman ko na hindi ko mapagtanto kung ano ito.
Nag paalam ako sa kanila para pumunta na sa LSU. Wala daw pasok ngaun si Athena kaya sa shop muna siya. Nag good luck pa nga sila saken eh. Habang naglalakad ako ay naramdaman ko ang pag vibrate nang cellphone ko. Oo! I've learned my lesson, lagi nang nakasilent ito. Tsaka, proud ako ilabas ito (paminsan minsan). Mahihiya nga ang magtatangkang magnakaw nito eh.
Mr. Demons.
-Hey. Kumaen kana? school kana?
Ayan na naman ng puso ko ang bilis nang pag tibok. Baket ba sa simpleng text niya naghuhurementado ako? Hindi naman ako ganito dati eh. Pero a part of me namimiss na ang pagausungit at pagbabarumbado niya sa akin. Ang praning ko noh? Agad akong nagtipa na di namamalayan na nakangiti na pala ako.
Me
- Papunta palang. Yup, tapos na.
Tatanungin ko sana siya kung kumaen na siya kaso feeling ko ang cheesy. Hindi naman kami. Ewan ang gulo noh. Isang araw nagising si Glen ang baet na saken at ako naman ewan ganun pa din pero alam kong may nag iba eh. Mr. Demons
-Hindi ako makakapunta sa rehearsal. I have some business to do.
Napabagsak ang balikat ko. Hindi ko alam pero may bahagi saken na nasasabik na makita siya. Ang baliw ko noh? Ang weird. Hindi na ako nag reply sa kanya. Dumiretso nalang ako sa auditorium. Pagpasok ko ay napatingin sila sa akin. Medyo lumihis nalang ako nang tingin. Grabe! ang gaganda nang mga kasali at alam mong galing sa mga promineteng pamilya. Baket ba ako napasok sa ganitong situation? nandito na ako kaya panindigan ko na. Hindi naman ako mamatay kung matatalo ako.
Umupo ako sa dulo habang salita nang salita si Mrs. Catindig. Isa pala siya sa nag oorganize nang patimpalak. Napaigtad pa ako nang naramdaman ko si Klaus sa likod ko.
"I'm glad hindi ka nag back out, Juls." Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa batok ko. Medyo nagtindigan pa nga ang balahibo ko. Umatras ako paharap at tumayo para tumabi sa kanya. Napatingin ako agad sa mapupungay na mata ni Klaus.
"Oo naman, edi nawalan ka nang magandang partner. " Pabirong sabi ko. Natawa naman siya. Ang gwapo pala ni Klaus pag malapitan talaga tapos nakangiti siya.
"Haha! oo nga, ikaw nga bet ko dito." kahit tumatawa si Klaus ay natahimik ako. Para kaseng double meaning yung pagkakasabi niya. O assumerang palaka lang ako? ay ewan.
Nagsimula nang rumampa pati ako. Mabuti nalang at may isang kandedata nang nursing ang nag pahiram nang heels sa akin. Hindi ko naman alam na kailangan na ito ngaun. Medyo natatawa pa nga ako sa mukha ni Kristele. Halos sumayad na sa sahig ang nguso niya dahil sa sobrang galet at wala si Glen. Buti nga sa kanya! Pinili niya yan eh. Ang sama ko ba?
"Ms. Trinidad, ikembot mo yan!" alam kong nangagalaite na ang baklang choreo namen dahil sakin. Eh kase naman, hindi ko pa nga alam paano iaangat ang paa ko dahil sa taas nang heels ko eh gusto kumembot na ako. Aba! So ayun kahit mahirap pinilit ko kase naman nahihiya na ako puro nalang Ms. Trinidad ang napapagalitan.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Nagpahinga kame nang saglit. Gaya kanina tabi ulet sakin si Klaus. Binabati naman ako nang iba pero umiiwas ako. Hindi kase ako makarelate sa pinag uusapan nila.
"Klaus... partner muna tayo, wala si Aviel, as in duh!" Nagulat ako doon. Magkatapat kase kame ni Klaus kaya nasa gitna ngaun si Kristele. Napa atras ako dahil baka matusok ko nang ballpen at pwet nito talagang itinapat pa sa mukha ko. "Pero si Jul-" Hindi pa natatapos si Klaus ay sumingit na si Kristele.
"I don't care!" medyo natahimik nga ang mga nag kukwentuhan dahil napalakas ang pagsigaw niya.
"Okay lang, Klaus." nakangiting sabi ko sa kanya. Gusto ko lang mabigyan nang assurance na okay ako. So ayun tumayo siya.
"Pam pam talaga!" mahinang sabi ko.
"May sinasabi ka, Julia?" napaharap sakin si Kristele.
"Wala, Sabi ko ang ganda mo!" ayun nag diretso siya maglakad tapos umirap pa. Gusto ko sana iduntong na ang ganda niya, ang ganda niyang ibaon sa lupa!
So pinapila ulet kame. Ako lang naman ang kawawang walang partner. Nagsimula nang mag bilang yung bakla. Pero natigil nung biglang bumukas yung pinto nang auditorium. Pati nga ako napalingon. Tas ayun naghurementado agad ako nang makita ko si Glen na magulo ang buhok tapos naka white polo shirt siya tapos maong na pants tsaka sneaky. Ewan pero ang gwapo niya yata ngaun? (Palagi naman siyang gwapo) Bahagya pa akong lumok nang laway kase feeling ko may nagbara sa lalamunan ko. Sabagay, dati naman talaga siya gwapo pero ngaun ko lang yata naappreciate. Hay takte!? ano ba ito?
"I thought hindi ka makakadating?" Bungad ni Kristele sa kanya. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. lahat kame tumahimik ng nagsimula maglakad si Glen.
"I've cancelled my plans." malamig na sagot niya kay Kristele.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"For me?" halos mapa irap ako dahil sa kaartehan ni Kristele. Hindi ko alam pero pag dating kay Glen talagang naiirita ako sa kanya. Hindi lang kay Kristele, pati kay Glen naiirita ako. At naiinis ako dahil nararamdaman ko ito. Napangisi lang si Glen at nilagpasan siya. Kaya ako naman ay medyo kinabahan dahil sa direksyon ko siya papalapit. Narinig ko ang pagsinghap nang iba. Meron pang natawa at iba ay bulong bulungan. Napatingin ako kay Kristele na halos sumabog sa galet. "For my priority." Para akong nasemento nang inakbayan niya ako bigla. Bigla nalang lumukso ang puso ko at ramdam ang pag iinet nang pisngi ko. Narinig ko pa ang panunukso nang mga ibang kalahok. Napatingin ako kay Kristele na lalapit sana pero sumigaw ang baklang choreo.
"Okay, lets start.." parang batang nagpapadyak si Kristele palapit kay Klaus.
Nagsimula na ang rampahan nang mga kalahok. Napatingin ako kay Glen. Ngaun ko lang narealize na naka akbay pa din siya sa akin. Nasa dulo kase ako dahil alphabetical ito. Agad kong inalis ang kamay niya sa balikat ko. "Why?" parang nakita ko ang biglang pag kairita ni Glen sa ginawa ko. Napataas ang kilay ko dahil duon.
"Ang touchy mo! nakakarami kana ah."
Bahagya siyang natawa. Bumalik ang tingin ko sa mga rumarampa. Malayo pa naman kame. Sobrang nagtataka pa din ako sa kanya. He's not even saying na he likes me or ano pa man pero kung makaarte akala mo shota ko na. "Why are you acting like this, Glen? Nasapian kaba at nagkakaganyan ka? My god! you are my master and I'm your slave. We're not even friends."
Umayos siya nang tayo dahil kami na ang susunod na mag lalakad. Isinabit niya ang kamay ko sa braso niya. Akala ko hindi na niya ako sasagutin pero nagkamali ako.
"Everything has changed, Julia.. you are now my master, and I'm now your slave. And we're not meant to be friends."
Halos madapa ako nang naghiwalay kame nang ikot. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Napatingin ako sa mata niya para malaman kung totoo ba yung sinasabi niya. Look in the eyes. Fuck! he's damn serious.