Chapter 36 Silent Killer
Hindi ko alam kung saan nila ako dinala. Pero alam kong liblib ang lugar dahil tahimik. Talagang hindi pa din ako makapaniwala na magagawa niya ito. Bakit?
"Nasaan ba tayo? Sabi ko naman sa inyo na wala kayong mapapala sa akin." Pilit pa din akong kumakawala. Ngumiwi pa nga ako ng hatakin ang buhok ko. Talaga naman! Sino ba sila para ganituhin ako? "Wag ka ngang madaldal!"halos masubsob ako ng ibalibag ako bigla. Nanginginig ako ngaun, may piring pa din kasi ang mata ko kaya nakaramdam ako ng kaba.
"Tanggalin niyo na ang piring niya." Halos tumayo ang balihibo ko ng magsalita ulit siya. How come? Hindi ko ineexpect na magagawa niya ito sa akin. We were bestfriends. Ano ang kasalanan ko sa kanya? Nang matanggal ang piring ko ay unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Pumikit pa nga ako dahil malabo pa ang paningin ko dala ng pagkakapiring.
"Hi there, Julia.." galit ang mga mata niya at sarkastikong tumawa. Parang hindi siya ang kaibigan ko na matagal kong nakilala.
"Bakit, Trixie?" Hindi ko maiwasan makaramdam ng lungkot. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit niya ito ginawa. Ala naman akong matandaan na ginawa ko sa kanya ah? Nakatawa lang siya. Imbes na matakot ako ay nalungkot ako. "Bakit? Huh, Julia?" Puno ng galit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Tumayo siya at lumapit sa akin. Tumalungko siya para magpantay ang aming paningin. Nakipagtitigan ako sa kanya. I'm so dissapointed. Nakatingin lang ako sa kanya. I don't want to talk dahil gusto kong maintindihan siya.
"Inagaw mo ang lahat sa akin, Julia." Panimula niya. Kumunot ang noo ko. Inagaw? Ano ang inagaw ko sa kanya? She has everything. Bakit ganyan siya magsalita?
"Bakit mo ba ito ginagawa, Trixie? Bakit kasama mo sila Jd?" Yan kasi ang bumabagabag sa akin ngaun. Tumayo si Trixie at humagalpak ng tawa.
"Para sa matalino ikaw ang pinakatanga, Julia.." walang abog na sabi niya kaya nalaglag ang panga ko.
"You wanna know the truth?" Umupo ulit siya sa upuan nakaharap sa akin. Tahimik lang ako at pinoprocess sa ulo ko ang nangyayari. May kutob ako na iba kay Trixie noon pero pinag walang bahala ko dahil kilala ko siya. I guess I was wrong. Hindi ko pala siya talaga kilala.
"You took away the spotlight on me.. I gave my everything para mapanitili ko ang pangalan ko sa school. At ikaw? Without a sweat naging kilala ka sa school." Nalaglag ang panga ko. Yun lang? Yun lang ang dahilan?
"Alam mo na nakukuha ko ang gusto ko diba?" Gumuhit ulit ang galit sa mga mata niya. Poker face lang ako sa harap niya. I can't believe Trixie can be this low." Si Klaus.. matagal ko nang gusto si Klaus pero inagaw mo siya sa akin. Hindi ko siya makuha kasi ikaw ang gusto niya. And I hated you for that.." literal akong napanganga. Ako? gusto ni Klaus? Natawa ako ng malakas kaya natigilan sila. Lalong nalukot ang mukha ni Trixie dahil doon.
"What'a funny?" Inis na inis na sabi ni Trixie. Ano daw ang funny? Siya kaya ang funny.
"Teka lang ah---" sagot ko. Hindi ko kasi mapigilan na hindi humagalpak ng tawa.
"Damn. Ginagalit mo ako talaga ako, Julia!" Lumapit si Trixie sa akin at tsaka ako sinampal ng malakas. Halos mayanig ang buong pagkatao ko sa sobrang lakas. Sumeryoso ako."Hindi ko alam na baliw ka pala Trixie. I don't know kung ano ang ibig mong sabihin kay Klaus. Magkaibigan lang kami." Malamig na usal ko.
"Maybe kaibigan ang tingin mo sa kanya. Pero mahal ka niya." Galit na galit siya.
"Hindi ko na problema yon, Trixie. Dapat si Klaus ang tinangay mo dito." Pamimilosopo ko kaya lalong nag alab ang galit niya.
Unbelievable. Galit na galit si Trixie. Sila Jd naman ay may hawak na kahoy at nilalaro laro nila sa kamay nila kaya napalunok ako.
"Ang tapang mo talaga.." hinampas hampas ni Jd ang kamay niya ng kahoy na hawak niya. Hindi ako nagpakita ng takot. Oo nakatakot ang nangyayari ngaun pero nakakatawa sila.
"You know what? Tanga ka! Alam mo bang ako ang nag utos kay Jd na bastusin ka sa canteen? Ako ang nag utos sa kanya na guluhin ka? sorry for Glen dahil nadamay siya." Nawala ang ngiti ko. Lumakad ulit si Trixie palapit sa akin." Ako din ang nagvideo at nag-edit ng pag uusap niyo ni Simon. At alam mo din bang ako ang nag bigay kay Glen ng video? Ako din ang may kagagawan kung bakit lumabas ang video sa auditorium? Ako din ang dahilan kung bakit kayo magkamukha ng suot ni Kristele? It was all me, Julia."
Pumikit ng mariin si Trixie. May kung anong namuong galit sa akin kaya napa iyak ako. Iyak hindi dahil sa takot. Luha sa panghihinayang sa pinagsamahan namin. Bata palang kami, kaibigan ko na si Trixie. We were there for each other. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ito.
She's a silent killer. Ngaun ko lang naisip na mas okay pa pala ang pagiging bitch ni Kristele. Atleast siya totoo sa nararamdaman niya. Nilalabas niya kung galit siya. But Trixie? I can't believe that she can be a silent killer.
"I want to hurt you so badly, Julia.. I want you to be miserable. Pero bakit ako ang miserable?" Natatawa siya habang umiiyak. Now It made sense kung bakit pinapalayo siya ni Glen sakin. Gago ka Glen, alam mo pala ang kay Trixie pero hindi mo sinabi sa akin. I hate you to the moon and back.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"miserable ka kasi, puno ng inggit at galit yang puso mo, Trixie. I'm just nobody compared to you.. You had everything that I don't have. What's the point?" Seryosong sabi ko. Tumigil si Trixie sa pag iyak at tumayo. Hindi niya ako pinansin. "Give me her phone.." malamig na usal niya kay Jd. "This is the last that I'm going to break you, Julia.."
Umiling ako sa kanya."You can't fix yourself by breaking someone else..." nanginig ako bigla. Nakakatakot kasi ang itsura ni Trixie. Ala na siyang emosyon ngaun.
Tumawa siya ng mahina."I don't care. I will make Glen, suffer. Alam kong mahihirapan ka at mawawasak kapag siya ang pinahirapan ko."
No. Umiling ako. Tanga pa naman si Silverio. Hindi dapat mangyari 'to. Masasaktan na naman siya dahil sa akin.
Nakapwesto sila sa dulo ay may kung anong pinag uusapan. Pilit kong kinakalag ang tali sa mga kamay ko. Napabuntong hininga nalang ako sa sobrang frustration ko. May nakapa akong bakal sa likod ko. Umusad ako paatras at sinimulan ikiskis ang tali doon.
"Nasaan si Julia?" Napasinghap ako ng bigla nalang sumulpot si Glen. Uggg! Tanga talaga siya! Bakit pumunta siya dito ng mag-isa? Ang daming kasama ni Jd. Kahit alam kong malakas si Glen ay hindi ako sigurado kung kaya niya sila. Ano ba akala niya? Si Super man siya?
"Right there, handsome." Tunog ng takong ni Trixie ang maririnig mo. Umayos ako ng upo kahit patuloy ko pa din kinikiskis ang lubid.
"I can't believe you bitch!" Napanganga ako ng sampalin ni Glen si Trixie kaya napatumba ito. Mabilis na naglapitan ang mga kasama ni Jd kay Glen. Pumikit nalang ako ng hampasin nila ng kahoy si Glen sa tuhod kaya napaupo ito. "Tama na!!" Sigaw ko. Isa isa nilang pinagsisipa si Glen. Uggh! Lalo akong napursige na makalas ang lubid.
Tinayo nila si Glen at tinaliaan ang dalawang kamay paitaas. Walang emosyon si Glen at parang groggy sa daming suntok na natamo niya.
"Ayos ka lang, Julia?" Nagkatinginan kami. Parang nawawasak ang puso ko kasi ako pa din ang inaalala niya. Palagi ko nalang siyang napapahamak. Palagi nalang niyang ibinibigay ang sarili niya para sa akin. Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Isinabit nila si Glen kaya alam kong nahihirapan siya.
"Ang tanga mo! Bakit kapa pumunta dito?" Nanghihina ako at patuloy na humagugol. Ngumiti si Glen kaya lalo akong nairita. Nakukuha pa niyang ngumiti? Uggh!!
Dumura ng dugo si Glen at ngumisi kila Jd. Ughh! Ano ba ginagawa niya?
"Nice, Glen. I never see this coming. Hitting two birds in one stone, huh?" Hawak ni Trixie ang mukha niya na sinampal ni Glen. "Pareho kayong magdusa ni Julia!" Sinampal ng malakas ni Trixie si Glen kaya napapikit ako. Humanda ka Trixie! Kapag ako nakawala dito mapapatay kita.
Malamig lang silang tinignan ni Glen. Ako naman ay pursigido na makalas ang lubid sa kamay ko. Konti nalang.
"Ano Silverio? Are you gonna beg for your life now?" Humalakhak si Jd na umalingawngaw sa loob ng bodega. Mga gangster! Hindi ako makapaniwala na may ganitong klase ng tao.
Ngumisi si Glen at nag angat ng tingin. "I will never beg for my life..." malamig na sabi niya. "But I'm begging you now for Julia's life.." natahimik ako at lalong napaiyak. Nakakainis ka Silverio! Ano ba nagawa ko at minahal mo ako ng ganito? Ganito na ang situation pero ako pa din ang iniisip mo!
Humalakhak si JD at Trixie.. " this is going to be tragic.." pinagsusuntok na nila si Glen. Para akong nadudurog dahil nakatali lang si Glen at hindi makalaban. These people are crazy.
"Tama na!!!!" Lahat ng lakas ko ay nailabas ko na para lang kay Glen. Para siyang punching bag na pinagsusuntok nila. Mga hayop.
Natigilan ako ang naramdaman kong nakalas ang lubid. Nilibot ang paningin ko at naghanap ng matigas na bagay. Mabilis akong tumayo at pinulot ang isang kahoy na hawak kanina ni Jd at tumakbo sa kanila.
"Son of a bitch!! Tigilan niyo siya.." bigla kong pinalo si Jd kaya napaupo siya. Isa isa kong pinalo ang kasama niya. Nabitawan ko lang ang kahoy ng biglang hatakin ni Trixie ang buhok ko.
"Lumalaban ka talaga!!" Napapikit ako sa lakas ng paghila ni Trixie sa buhok ko. I gave my all para suntukin ang tyan niya kaya na nabitawan niya ako.
"Tumigil kayo!"bumukas bigla ang bodega at niluwa sila Dominic at mga pulis.
Natigilan sila. Unti unti akong lumapit kay Glen.
"Huwag!!" Sigaw ni Dominic. Napabaling ako sa tinitignan niya. Agad akong napatakbo ng makita si Jd na may dalang matulis na bagay palapit kay Glen na wala ngaung malay.
Nang makarating ako kay Glen ay niyakap ko siya bigla. Dumilat ang mata niya at may luhang pumatak. "I love y- you, J-julia.." halos walang lumabas sa bibig niya. Napaigtad nalang ako bigla ng may naramdaman akong tumusok sa akin na matulis na bagay. Huling narinig ko nalang ay tili ni Athena, hanggang tuluyan na akong nawalan ng malay.