The Perfect Bad Boy

Chapter 37 Bangungot



"Julia, tara na.." napabaling ako sa kanya. Malaki ang ngiti niya habang nakapwesto sa diving board. Umiling ako agad sa kanya. Pinipilit niya kasi akong tumalon sa diving board ng mag isa. "Hindi ko kaya, Glen. Natatakot ako.." hindi ako makalapit sa kanya kahit inaabot niya ang kamay ko. Nawala ang ngiti niya sa akin.

Nakatingin lang ako sa kanya habang matipunong naglalakad pabalik sa akin. Ang gwapo gwapo talaga ng boyfriend ko. He maybe a badboy but he's the perfect badboy for me.

"Bakit ka natatakot? Alam mo naman na nandito ako diba? Kailan ba kita pinabayaan, Julia?" May kung anong tumusok sa puso ko sa sobrang sincere ng pagkakasabi niya. Napanguso ako sa kanya.

"Alam ko naman na hindi mo ako papabayaan eh. Kaso, natatakot ako.." nakaupo ako sa isang bato dito sa gilid. Tanaw na tanaw ko ang dagat ang papalubog na araw.

"You have to conquer your fears, baby.. hindi ako palaging nandito para pagaanin ang loob mo. Hindi ako palaging nandito para makasama mo labanan ang fears mo. You have to fight alone." Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kumalabog bigla ang puso ko.

"Hindi mo naman ako iiwan diba?" Kabadong sabi ko. Napatawa siya ng bahagya at ginulo ang buhok ko. Napatingin pa nga kami sa papalubog na araw. Pumikit pa nga ako para namnamin ang ihip ng hangin.

"Diba, Glen? Hindi mo ako iiwan?" Natatakot ako. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Ngumiti siya ng tipid at hinawakan ang kamay ko. Sa ginawa niya nakaramdam ako ng kapayapaan. Pakiramdam ko at ligtas ako at walang pwedeng manakit sa akin.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandito ako, Julia. Gusto kong malabanan mo yung mga bagay na kinakatakutan mo. Pero kung ako ang tatanungin mo, hinding hindi ako aalis sa tabi mo." Hinalikan niya ang noo ko kaya napapikit ako. "Lahat ng takot mawawala kapag nilabanan mo. Kung pwede nga lang akuin ko ang lahat para seyo, alam mo naman na gagawin ko diba? pero hindi, e. We have our own demons that we need to fight, and you have to fight your own demons, Julia."

Humarap ako sa kanya. Alam kong pinapalakas niya lang ang loob ko pero bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit natatakot pa din ako?

Malamlam ang mata niya habang nakatingin sa akin. Unti unti niyang nilapit ang labi niya sa labi ko kaya napapikit ako. He kissed me passionately na parang ito na ang huli. Dahan dahan siyang kumawala sa akin. "Do you trust me?" Lunod na lunod ako sa mapupungay niya na mata. Instantly, tumango ako sa kanya kaya napangisi siya.

Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Nagdadalawang isip pa nga ako kung tatanggapin ko ito.

"C'mon baby. I wont let anything happen to you." Ngumiti siya. Yung ngiti niya na matutunaw ang puso mo.

Huminga ako ng malalim at iniabot sa kanya ang kamay ko.

Naglakad kami papalapit sa dulo ng diving board. He hugged me at the back kaya napanatag ako. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Masaya ako at lalabanan mo na ang takot, Julia.. I'm always here.. no matter what, nandito lang ako. I wont let you feel alone, baby.. I love you.." kumawala siya sa pagkakayakap kaya mabilis akong tumalon sa diving board. Paglubog ko sa tubig ay nataranta na naman ako. Hindi ako makaangat. Kinakain na naman ako ng takot.

You have to fight your own demons, Julia..

Pumikit ako at sinara ang bibig ko na bahagyang nakabuka. Kinalma ko ang sarili ko tsaka ako lumangoy paitaas.

Nang makaahon ako sa tubig ay tuwang tuwa ako. Nakaya ko! Nakaya ko kahit wala si Glen. Nakayo kong umahon mag isa.

Tumingala ako sa diving board para sigawan si Glen. Kumunot bigla ang noo ko ng hindi ko siya matanaw.. kinabahan ako bigla. Madilim na ang paligid dahil nakalubog na ang araw. Wala na akong makita. Malawak na dagat lang ang nakikita ko. "Glen!!!" Sigaw ko...

"Ate.." unti unti kong minulat ang mga mata ko. Ngumiwi pa ako ng masilaw ako sa liwanag ng ilaw. Nang maayos na ang paningin ko ay nagulat ako ng nakapalibot sa akin si nanay, si Kimmy, si Athena at Dominic. Napangiwi pa ako ng may maramdaman akong kirot sa likod ko.

"Tubig.." nanghihinang sabi ko kaya naman mabilis akong inabutan ng tubig ni Kimmy.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñel5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Julia, anak.." humahagulgol ang nanay kaya naman napatingin ako sa kanya. Malungkot na nakangiti sa akin si Athena at Dominic. Si Kimmy naman ay mabilis na nag iwas ng tingin.

"Nasaan ba ako?" Tanong ko. Ang huli ko kasing naalala ay may sasaksak kay Glen pero humarang ako. "Asan si Glen?" Pahabol ko. Natigil ang nanay sa paghagulgol. Nawala ang ngiti nila at nag iwas ng tingin. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Okay, ba siya? Kahapon kasi--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng putulin ito ni Athena.

"Dalawang buwan kang comatose, Julia.. dalawang buwan kang natutulog.." mahinang sambit ni Athena kaya natigilan ako. Ganon ako katagal nakatulog?

"Ganon katagal? Ano ba nangyari Athena? Asan ba si Glen? Okay ba siya? Ba't ala siya dito?" Sunod sunod na tanong ko. Ala sa kanilang nagsalita kaya lalong kumabog ang dibdib ko. Ngumiwi pa ako ng makaramdam ako ng kirot sa bandang likod ko.

"Magpahinga ka muna, ate. Tatawag ako ng doctor." Singit ni Kimmy kaya napatingin ako sa kanya. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso. Ang bigat bigat talaga ng nadadama ko.

"bakit ayaw niyo ako sagutin? Asan si Glen!!" Halos mag hysterical na ako sa kanila. May nangyari ba? Bakit ayaw nila akong sagutin? Simple lang naman ang tanong ko diba?

"Julia anak, ngaun kalang gumising. Wag mo munang i stress ang sarili mo." napahagulgol ulit si nanay kaya lumapit sa kanya si Athena.." Nay, ako na po.." sagot niya tsaka pinainom ng tubig si nanay.

Lumapit sa akin si Athena at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko tsaka huminga ng malalim.

"Wala si Glen.." simula ni Athena kaya napakunot ang noo ko. Paanong wala? Nasan siya?

"Nasa LSU ba siya?" Tanong ko sa kanya. Bigla nalang nag tubig ang mata ni Athena kaya natulala ako sa kanya. Lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"Wala siya dito.." sagot ulit ni Athena at napahikbi na. "Wala? Paanong wala? Hindi ko maintindihan.." may kung anong bumara sa lalamunan ko. Ang bigat na talaga ng nandadama ko.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"He's in US, Julia.." si Dominic ang nagsalita. Bahagya akong nakahinga sa sinabi niya. Si Athena umiiyak na talaga. Pati nga si Kimmy at nanay umiiyak na. Ano ba kasi problema nila? "Nagbabakasyon ba?" Tanong ko kay Dom. Huminga siya ng malalim at umiling.

"He's in coma, Julia.." seryosong sabi ni Dom. Natutulala ako saglit hanggang isa isang nagbagsakan ang luha ko. "The second encounter niya kila Jd after nung sa theme park. Napuruhan ang ulo niya, Julia.." basag ang boses ni Dom. Bigla akong natulala at parang nawala sa wisyo.

"He got TBI (traumatic brain injury), may namagang bahagi sa utak ni Glen.."

Not my head, Julia..

Napatakip ang bibig ko. Alam na niya noon pa. Bakit ganon? Bakit ganito? Para akong sasabog sa sobrang sakit. Ako lahat ang dahilan kung bakit siya nagdudusa. Alam niya pero hindi niya sinabi?

"His family took him to US para mapagamot ng maayos. It's a fifty fifty case. No one can tell kung kelan siya gigising or gigising paba siya."

Literal akong nawala sa sarili.

"It was all my fault. Kasalanan ko kung bakit ganyan ngaun si Glen.." humagulgol na ako ng humagugol. Nataranta sila kaya mabilis na tumawag ng doctor si Kimmy.

"Walang may kasalanan, Julia. It was his choice. Ganon ka kamahal ni Glen." Nabasag ang boses ni Dom at umiwas ng tingin. No! Kasalanan ko ito eh. Nadamay lang si Glen. I should be the one to blame. Iyak ako ng iyak. Wala nang nagsalita sa kanila. Wag mo akong iiwan Glen. Gumising ka para sa akin.

Pumikit ako ng madiin at tahimik umiyak. Sana pala hindi na ako nagising kung bangungot lang din ang sasalubong sa akin.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.