The Perfect Bad Boy

Chapter 35 Absurd



Umagang umaga ay sibangot ang mukha ko. Ang aga aga kasi ni Mr. Demons mangdemonyo sa bahay namin. Oo, dinala ko na siya sa bahay namin. Kulang na nga lang ay dito na siya tumira. Nanay's fond of Glen. I can't believe na pati nanay ko ay nauto niya. Well, I can't blame nanay. Sa akin lang talaga siguro siya masama.

Sa kabilang banda. Nakakatuwa, kasi tinutulungan niya si Nanay sa pagtitinda minsan. Ang daya nga kasi mabilis nauubos ni nanay ang paninda niya kapag si Glen ang kasama niya.

Kung sana noon ko pa siya pinakilala kay nanay hindi kami nagkagulo pa. Siguro kung hindi kami naayos pa ay puno pa din ng what if's ang buhay ko. Tama nga ang kasabihan na love is sweeter the second time around. Bumawi si Glen sa akin. Tinuring niya ulit akong prinsesa.

"Pinagnanasahan mo ako noh?" Pinitik ni Glen ang noo ko kaya napalundag ako. Pinagnanasahan?

"Assuming mo!" Iniisip ko lang kasi kung bakit binalikan kita.."natatawang sabi ko kaya tinignan ako ni Glen ng masama. Akala ba niya makukuha niya pa ako sa ganyang tingin niya?

Tinignan ko din siya ng masama. "Titingin kapa?" Tumayo ako para pumunta sa kusina. Sayang lang ang oras ko sa kanya.

"Halimaw ka talaga." Asik niya sa akin. "Mahal mo naman.." Sagot ko sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin. Grabe! Nagbablush pala ang badboy?

"Hoi, kuya Glen! Wag mo nga akong dayain! Babangasan kita!" Iritableng sabi ni Kimmy. Natawa naman ako bigla. Naglalaro kasi sila ng pusoy. Dalawa nalang silang naglalayo ay nagkadayaan pa. Naiiling nalang ako. "Kimmy, tigilan mo nga yan pagtataray mo." Iritableng sabi ni Glen." Huwag munang manahin yung pagka-halimaw ng ate mo.." Pahabol niya. Aba't talagang Silverio na to.

Natahimik bigla si Kimmy at Glen ng lumabas ako sa sala. Nakakatawa nga kasi hindi kasya si Glen sa maliit na sopa. Ang tangkad naman niya kasi. Tapos ang liit pa ng bahay. I wonder bakit gustong gusto niya dito? "Glen, hindi kapa ba uuwi?" Kumunot ang noo niya. "Pinapauwi mo na ako?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo, magtatanghalian na kami, e. Uwi na. Tsaka mukha ba akong nagbibiro?" Pagtaboy ko sa kanya na ikinalaglag ng panga niya. Si Kimmy naman ay tumayo habang natatawa.

"Sorry kuya, nagmahal ka ng halimaw eh.." Napailing si Glen at apura ang tawa ni Kimmy. Talagang magkasundo sila?

"Are you fucking serious?" Hindi makapaniwalang sagot niya. Lumakad ako sa kanya tsaka ko tinuktukan ng mahina ang ulo niya. Nagulat pa nga ako kasi napaatras si Glen at naging seryoso.

"Not my head, Julia." Malamig na usal niya kaya nagtaka ako. Nangyari don? Natulala lang ako ng biglang tumayo si Glen. Akala ko nga aalis na ang loko. Ayun nauna pa sa akin sa lamesa at kumakain na siya.

Everything went normal. Pupunta ako sa school after lunch para mag enrol sa second sem. I just wish maging okay na ang lahat. Ang sabi nga din sa akin ni Glen ay ipapakilala niya ako sa mommy at daddy niya kapag dumating ang mga ito sa bansa.

As if naman na sasama ako sa kanya.

"Julia, kain na." Napasinghap ako ng magsalita si Glen. Mukhang enjoy na enjoy siya sa pagkain, eh pakbet lang naman ang ulam namin.

"Kung kumain ka parang ang sarap sarap, no?" Naiiling akong umupo sa tabi niya. Natutuwa ako kasi kaya palang sumabay ni Glen sa kung anong buhay meron ako. Siguro nga na judge ko lang siya noon at masyado akong naging insecure. Pero sa nakikita ko? Hindi siya yung badboy at hambog na nakilala ko. Mukha lang siyang simpleng tao.

"Honestly? Mas gusto ko ang pagkain niyo kesa sa mga nakakain ko, Julia."

"Nako, kuya Glen, wag mo nga masyadong utuin si ate. Uto- uto pa naman yan.." Walang abog na sabi ni Kimmy. Tumawa ng malakas si Glen kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit tumatawa ka?" Napanguso ako. Nakakainis kasi ang gwapo gwapo niya. Palagi kasi siyang nakatawa ngaun. Para tuloy mas gusto kong seryoso at badboy lang siya.

Talaga bang pinagtutulungan nila ako? Si nanay at si Kimmy mas pabor lagi kay Glen eh.

Sumeryoso si Glen. Yung itsura niya na nakakatakot. " hindi ko inuuto ang ate mo, Kimmy. I just love her so much.."

Pumikit ako at umiwas ng tingin. Napatili kasi si Kimmy. Ilang kilong asukal ba ang tinira nito kanina?

"Ohhh--- emm- geee- so it means ikaw ang na-uto ng ate ko?" Natatawang sabi ni Kimmy kaya nawala ang ngiti ni Glen. Nagkatinginan kami ni Kimmy at sabay humagalpak ng tawa. "Blood is thicker than water, dude.." Natatawang sabi ko. Nakasibangot lang si Glen nang tumayo ako. Mag gagayak na kasi ako para pumunta sa LSU.

Kukunin ko na sana ang twalya ko ng bigla akong nakatanggap ng text galing kay Athena.

Juls, I need you..

Kumalabog bigla ang dibdib ko. Ewan ko ba. Hindi madalas magtext si Athena dahil nagkakasama kami sa shop araw araw. Mabilis akong nagtipa ng reply. Asan ka?

Hindi na ako nag abala pang maligo. Tutal, naligo naman ako kanina. Pag kasuot ko ng blouse ko ay tumunog ulit ang cellphone ko.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñel5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Parking three, LSU.

Napakunot naman ang noo ko. Parking three? Sa dulo na kasi iyon at hindi masyadong matao. Atsaka bakit doon niya gustong magkita kami? Somehow, I felt bit worried. Hindi ko naman alam kung bakit. faster, Julia.. I badly need you..

Lalo akong nataranta. Nang lumabas ako ay wala si Kimmy at si Glen. Hindi na ako nag abala pa na magpaalam dahil nagmamadali ako at nag aalala ako kay Athena. I'll just text Glen kapag nakasakay na ako ng jeep. Panay ang tingin ko sa relo ko. Hindi na nagtext si Athena kaya lalo akong kinabahan. This feeling is so weird.

Pag baba ko ng LSU ay mabilis akong tumungo sa parking three.

"Athena.." Sigaw ko. Kinikilabutan kasi ako dahil walang katao tao dito. Nasa dulo na kasi ito ng univesrity.

"J-julia.." Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Athena na umiiyak. Lalo akong nagulat ng nakatali siya at hawak hawak ng grupo nila Jd. Ano na naman ba ito?

"I missed you, Julia.." Ngumisi si JD kaya napapikit ako. Nakakakilabot kasi ang ngisi niya.

"What do you want?" Tanong ko sa kanila. Ano paba ang gusto nila? Hindi pa din ba sila nakakamove on? Jusko naman! Second sem na! Galaw galaw naman! "Ikaw ang kailangan namen.." Sumeryoso si Jd. "Aray.." Napapikit ako ng hilahin nila ang buhok ni Athena.

"Ano na naman ba ito, Jd?"

"Ano 'to? Ikaw ang susi para makaganti kami kay Silverio!" Nanlilisik ang mga mata niya. Makaganti kay Silverio? The last time I checked sila ang may atraso sa amin. "Hindi ko kayo maintindihan.." Gulong gulo ako. Ano ba ang sinasabi nila?

"Blocked kami sa lahat ng school, at muntik pang mapatay ni Glen si Justin.." Galit na galit na salita ni Jd kaya nanlaki ang mata ko.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now! "Ano? Kelan yan nangyari?" Nakakatawa, mukha akong tanga sa mga sagot ko. Ginagago yata ako ni Jd eh.

"The day before your retreat at Zambales."

Pilit kong inaalala ang araw na iyon. Agad nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko totoo ang sinasabi niya. Kaya may pasa si Glen sa mata nun araw ng retreat. Gago ka talaga Silverio! Hindi ka talaga nakipag away ah? at teka? Bakit alam nila yung retreat? Naghihinala na talaga ako eh. Walanghiya talaga!

"Wala akong maitutulong seyo Jd, pakawalan muna si Athena.." Matapang ko silang hinarap kahit ang totoo ay natatakot ako. Hindi lang para sa akin kundi para kay Athena. Ngumisi si Jd.

"Not that easy Julia, papakawalan namin siya pero sasama ka sa amin." Nalaglag ang panga ko. Ano paba ang kailangan nila? Ala naman silang mahihita sa akin diba?

"Ala kayong mapapala sa akin." Sagot ko. Humalakhak si Jd. Halakhak na parang demonyo.

"Mali ka, kaya namin saktan si Glen sa pamamagitan mo."

Nakatulala lang ako. Hindi ako makapaniwala na nangyayari sa akin ito. Sobrang daming kaba ang nadadama ko. Paano kung gahasain nila ako? Waahh! Paano kung patayin nila ako? Hayop ka talaga Glen! Di manlang nagbigay ng warning. "Julia.." Napapikit ako ng hinila ng madiin ni Jd ang buhok ni Athena. Gustong gusto kong magmura!

Huminga ako ng malalim. Kung mamatay ako ngaun. Bahala na nga! siguro ito na ang kapalaran ko.

"Sasama ako, pakawalan niyo si Athena.." Ngumisi ulit si Jd at mga kasamahan niya. Lumapit ako dahan dahan kay Athena.

"Julia, I-im sorry.." Panay ang iyak ni Athena. Umiling lang ako sa kanya. "Wag kang mag sorry, Athena."

Pinakawalan nila si Athena. Wala akong emosyon ng tinalian nila ako at piniringan ang mga mata. Maya maya lang ay may humintong sasakyan sa harap namin. Halos masubsob ako ng itulak nila ako sa loob. Nagpumiglas ako sa loob ng sasakyan.

"Wala kayong mahihita sa akin.. pakawalan niyo ako.." hindi ko alam kung bakit hindi ako maiyak. Natatakot ako pero hindi ako maiyak.

"Save your energy, Julia.."

Natigilan ako ng may nagsalita. Kilalang kilala ko kung sino siya. What the fuck! This is absurd.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.