The Perfect Bad Boy

Chapter 25 Mr. A



Nasa cafeteria ako ngaun. Vacant ko kasi ng dalawang oras. Yung professor pa namin hindi pumasok kanina. Ala tuloy akong gagawin. Si Glen naman, ala ngaun. Ang alam ko may aasikasuhin daw siya about na din sa retreat namin sa susunod

na araw.

Kinuha ko yun baon kong skyflakes sa bag ko. Nagtitipid kasi ako ngaun para bayaran yung bill ng kuryente namin. Palagi nga akong nahuhuli sa pagbabayad eh. Pagtatanungin ko si Kimmy bayad na palagi. Ang sabi binayaran na ni Mr. A. Kung sino man siya, talagang nacucurious na ako sa kanya. Nung una, nagpapasalamat ako sa mga tulong niya. Pero ngaun? Parang naghihinala na ako eh. Sino kaya siya?

Natauhan ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko nga mapigilan mapangiti eh. Akala ko kasi si Athena na ang nagtext sa akin. Hindi naman pala. From: Glen

- don't you dare eat those fucking crackers!

Kumunot ang noo ko. Paano naman niya nalaman na crackers ang kakainin ko? At hanggang sa text ba naman inuutusan pa din ako.

To: Glen

- iniistalk mo naman ako noh?

Alam ko naman na hindi niya ako mapapanuod sa cctv ngaun. Panis na kaya yung style niya na yun. Ala nga siya sa school diba? Hanga na talaga ako sa kanya. From: Glen

- I've already used that stunt. Hintayin mo lang.

Hindi ko na nireplayan si Glen. Alam na alam ko naman kasi na mauuwi lang sa away ang pag uusap namin. Muntanga nga e. Hindi lumilipas ang araw ng hindi kami nag aaway. Pero parang sanay na naman kami. Normal na nga sa amin, e. Kung ikukumpara ang relasyon namen sa iba. Unique. Diba? Ang masaya nga palaging siya ang sumusuyo sa akin. Kahit minsan alam kong sobra na ako at mapanakit. Siya pa din ang bibigay. Minsan naman kasi nakakairita siya. Masyadong bossy. Kailangan talaga maputulan ang buntot niya eh.

"Julia.." Napatingala ako ng may isang lalaki na naka jercy pa ang lumapit sa akin. Halata pa nga na hinihingal siya. Siguro galing siya sa praktis.

Nalaglag nga ang panga ko. Syet! Siya yung star player ng fine arts eh. Ang gwapo niya. Pero teka!? Bakit may dala siyang tray? Tapos may super laki na burger at may oa sa itsura na frappe.

"Ano yan?" Takang tanong ko. Hindi ko alam kung nakangiti ba siya o iritable. " for you.." Binaba niya ang tray at inilapag sa harap ko yung burger at yung oa na frappe.

Joshua Sandoval I told you to give it to her with a fucking smile!

Napasinghap kami pareho ng biglang umalulong sa speaker ang boses ni Silverio. Si Joshua naman napatayo ng maayos at ngumiti ng pilit. Napapoker face nalang ako kahit natatawa ako sa itsura niya. Yung tao naman sa cafeteria ay nagtilian habang nakatingin sa amin. Waahh ang sama niya talaga! Yung tao inutusan na, sinigawan pa.

"Sorry ah, pero salamat.." Nahihiyang sabi ko. Hindi ko nga alam kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko. Kung dahil ba sa surprise niya o hiya sa ibang studyante at dito kay Joshua.

You may leave her alone now, Joshua!!

Dumagundong na naman ang boses ni Glen sa speaker kaya naman mabilis na tumalikod si Joshua at kamot ulong naglakad palayo. Ang sama talaga! Hindi manlang nagpasalamat. Napatitig ako sa binigay niya na pagkain. Ano ba akala sa akin ni Glen? Patay gutom?

From: Glen

-ubusin mo yan.

Umirap nalang ako at tinitigan yung frappe. Paano ko ba ito sisimulan kainin? Parang nakakatakot itong kainin eh. Tsaka ang drama niya. Talagang kailangan agaw atensyon siya? Nakakahiya ah. To: Glen

- halimaw!

From: Glen

- Alam ko. Mahal mo naman.

Reply niya. Waahh buset na lalaki to. Mean niya pero ewan kinikilig pa din ako.

"You know what? Your frappe is trending now." Napatingin ako kay Athena na malaki ang ngiti na umupo sa harapan ko. Kagaya niya nakatitig din siya sa frappe. Trending? Paano naman nag trending to? may social media ba ang frappe na to? "Huh? Anong trending?" Umiling si Athena. " ibang klase ka talaga, Julia." Buksan mo ang IG or Facebook mo. Naka apple ka nga waley naman silbi. 20th century na pero nasa Jurassic world ka pa din."naiiling na sabi niya. Panay ang picture sa akin ni Athena tsaka dun sa frappe kaya naman naiilang ako. May ano ba? Tapos yung mga tao ganun din. Nagsimula akong maasar! Hindi ba kaya ni Silverio pakiligin ako ng hindi nakikita ng iba? Apaka bulgar niya eh. Napatingin pa nga ako ng pumasok si Trixie sa loob ng cafeteria. Nakatingin siya sa akin pero alang emosyon ang mukha niya. Namimiss ko na siya. Kahit kasi ako ay hindi alam kung ano ang nangyari sa pagkakaibigan namin dalawa. "May IG kana diba?" Tumango ako kay Athena. Kakagawa ko lang nung isang araw dahil pinilit niya ako. Si Glen naman, ayaw. Alam ko facebook lang ang meron siya eh.

"Bakit mo natanong?" Takang sagot ko. Lumapit sa akin si Athena at halos itapal na sa mukha ko ang cellphone niya. "Ayan, tignan mo ang kahibangan ng jowa mo." Nalaglag agad ang panga ko. "Unang post niya, syet.." Kinikilig na sabi ni Athena.

BadboyniJulia? Not so ordinary girl? Ano ba tingin niya sakin? Pero gago siya! Kinikilig pa din ako.. Pisti!

Okay. Dahil sa IG post na yun ay madaming lumalapit sa akin? Like what the? Umiwas nalang ako sa lugar na madaming tao. Sumisikat na naman ako dahil sa kahibangan ni Glen. Ganito ba talaga siya? I mean. Kakaiba eh. I don't know what to feel exactly kasi naman first time ko ito. At talagang normal sa kanya yan? Kasi nagiging abnormal na ang tibok ng puso ko sa mga ginagawa niya.

Hindi na siya nag paramdam. Ayoko naman guluhin siya. I trust him. No secrets nga diba? Pagkatapos ko sa shop ni Dom ay nagdecide akong umuwi. Guess what? Malapit na din ang birthday ni Glen. Ang alam ko magpaparty ang parents niya eh. Kinakabahan nga ako. Mayaman siya, mahirap ako. All I can give him is my love and loyalty. Plano ko na din siya ipakilala kay nanay.

Pag dating ko sa bahay nasa labas si Kimmy.

"Ano ginagawa mo dito?" Medyo madilim na din kasi. Kumunot ang noo ko ng ngumiti si Kimmy at parang kinikilig pa.

"Ate, hinihintay ko kasi si Mr. A. nagbayad kasi siya ng kuryente."

Natahimik ako sa sinabi ni Kimmy. Mabuti nalang at nandito ako. Malalaman ko na kung sino ang Mr. A na yan na matagal ng misteryo sa isip ko. "Kanina pa nga siya umalis ate, Sabi niya pabalik siya ngaun hapunan." Medyo malungkot si Kimmy.

"hoi! Kimmy, baka kung ano na yan ah? Bata kapa. At tsaka wag mong paalisin yan Mr. A na yan para makilala ko okay?" Nagpout si Kimmy. Ako naman ay dumiretso sa bahay at nagmano kay nanay na nagluluto ngaun.

Pumasok ako sa silid at nagbihis. Tinitignan ko pa nga ang cellphone pero ala pa din text si Glen. Okay, kalma ka lang Julia. Nakakatawa. Parang dati naiirita ako sa kanya. Tapos ngaun hindi ako mapakali na hindi niya ako ginugulo. "Ate, nandito na si Mr. A.." Sigaw ni Kimmy. Ako naman ay nagmadaling lumabas. Nakita ko pa nga na hawak ni Kimmy ang kamay nung lalaki na parang nagmamadaling umalis.

Nang makalapit ako ay pareho silang natigilan.

"Mr. A, eto nga pala ang ate ko." Masayang masaya si Kimmy. Hindi pa din lumilingon si Mr. A, nakatalikod lang siya. Napakunot ang noo ko kasi parang kilala ko siya.

Lumapit ako sa kanya para makita ko siya. Doon na ako tuluyan nalaglagan ng panga. Siya si Mr. A?

"Hi.." Hindi ko alam kung constipated siya or what pero halatang pilit yung ngiti niya.

"Ikaw si Mr. A? Sagot ko sa kanya habang nanlalaki ang mata. Si Aries si Mr. A? Bakit niya tinutulungan si nanay? Bakit niya kami tinutulungan? Simon Aries Silverio? Bakit? Ang daming tanong sa utak ko. Sadya ba ito o nagkataon lang? "I know what you're thinking. I don't want to cause any trouble, Julia." Malamig na sabi niya. Ako naman ay nanliit ang mata. Paano naman niya nalaman ang iniisip ko?

"Kimmy, tulungan mo ako maghain." Sigaw ni nanay kaya naman mabilis na pumasok si Kimmy. Kami ni Simon ay naiwan lang dito sa labas.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"I didn't say anything. Defensive mo naman." Sagot ko sa kanya. Humarap si Aries sa akin kaya naman natigilan ako. Nakakalunod yung malalim na mata niya. Just how Glen drowned me when he's starring at me.

"Bakit mo kami tinutulungan? Alam mo bang bahay ko ito? Alam mo bang kapatid ko si Kimmy?" Tanong ko sabay iwas ng tingin. Kumakalabog kasi ang dibdib ko sa kaba. Ang lapit lapit kasi niya.

"Yes, I know." Malamig ulit na sabi niya. Parang hindi siya yung Simon na nakilala ko. Sumandal siya sa pader ng bakod pero magkatabi kami.

"I know that my brother's inlove with you. I don't know kung alam mo ang past namen ni Glen. Gusto ko lang bumawi sa kanya sa pagtulong sa inyo." Seryosong sabi niya.

Umiling ako. Hindi siya kailangan bumawi sa akin. Ala naman siyang kasalanan sa akin diba? Kay Glen siya dapat bumawi.

"Hindi ka dapat sakin bumawi Simon. Kay Glen, I got nothing to do with your past. Isosoli ko lahat ng ginastos mo." Sagot ko sa kanya.

Nagulat ako ng tumayo si Simon sa harap ko. Hindi ko nga alam kung matatakot ako or what. Mukhang sincere naman siya. Ngumiti siya ng pagak.

"Alam mo, nung una, nagtataka ako kung bakit ka pinansin ni Glen. You're way far from, Maggie. Flat chested ka, mukha kapang siga, ang plain mo pa." Hindi ko alam kung maiisulto ako sa sinasabi niya. Pero bahagya naman siyang nakangiti though seryoso siya. Gusto ko ngang takpan yung dibdib ko. Huhuhu! Ang sama talaga nila. Hindi lang ako kumibo.

"Now I know why he fell. You're not special." Natatawang sabi niya. Not special? Talagang sinagad na niya ang pangaalipusta sa akin ah?

"Ako ba iniinsulto mo?" Iritableng sabi ko.

"Woah, I'm not. Let me finish kasi. Hindi ka special kasi limited edition ka. You're not ordinary kagaya ng mga babae na nakakasalamuha namin. May prinsipyo ka. My brother's so lucky to have you." Nakangiti siya pero di ko alam kung bakit may paet yung salita niya.

"Don't tell me type mo ako ah? Naku! Hindi kita papatulan! Si Glen ang mahal ko! Loyal ako noh." Diretsong sabi ko kaya humagalpak siya ng tawa.

"I like you. Pero para sa kapatid ko. Hindi kita aagawin." Sagot niya.

"Mabuti alam mo! Kasi hindi ako mag papaagaw!"

Sumeryoso ulit si Simon na parang may mali sa sinabi ko. Tapos hinawakan niya yung kamay ko. Babawiin ko nga sana pero ang higpit ng hawak niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi dahil may feelings ako kay Simon. Pero dahil pakiramdam ko ay nagtataksil ako. Ni si Glen nga hindi pa nakakpunta sa bahay ko. Tapos si Simon nandito. Hawak pa kamay ko?

"I'm glad to hear that, Julia. Wag munang bayaran yung nagawa ko. Ititigil ko na." Napaatras ako ng umabante si Simon. Hawak pa din niya yung kamay ko. Ako naman ay nawala na yata sa ulirat dahil sa sobrang kaba na nadadama ko. "Mahalin mo si Glen ah?" Seryosong sabi niya. Isang tipid na ngiti ang binigay niya.

"Mahal na mahal ko siya."sagot ko.

Nanlamig ako ng bigla niyang halikan ang noo ko. Wala. Wala akong masabi. Napapikit pa ako ng may ilaw sa di kalayuan. Si Simon ay mabilis na sumakay sa sasakyan niya habang ako ay naiwan tulala. Teka? Bakit may halik pa? Gago yon ah! Umis-score pa! Patay ako kay Mr. Demons nito eh.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.